KRISTOFFER'S POV
Eksaktong pagka parada ko nang aking motor ay biglang sumulpot si trois sa aking harapan. Hula ko ay malapit na itong mag perform dahil wala na itong pang itaas na damit.
"Umalis na ba?" Mahinang tanong ko habang hinuhubad ang aking helmet, sabay baba sa along motor.
"Bad news." Sagot nito.
Napa buntong hininga ako sabay gulo nang aking buhok.
"P*tang!na naman." Bulong ko sa hangin at nag simulang humakbang.
Kasalukuyan akong nag lalakad patungo sa kwarto kung nasaan naka lagay lahat ng gamit ng trabahante ng bar.
Dumiretsyo ako sa aking locker para ipasok doon ang aking helmet at kunin ang lahat ng ka-kailanganin ko.
"Ang lapad ng likod ah. Nakaka inggit naman." Rinig kong saad ni trois at sumisipol pa ito.
Ipinilig ko lang ang aking ulo habang sinusuot ang oniporme para sa trabaho ko.
"Bagay na bagay talagang maging modelo." Muling saad nito.
Lagi kong naririnig iyon. Kahit yung mga regular na costumers ng bar ay sinasabi iyon sa'kin, pero hindi ako mahilig sa bagay na iyon. Kaya mas gugustuhin ko na ang ganitong trabaho.
"Shvt up. Kung ikaw nalang kaya ang maging modelo? Sayang din ang katawan mo at pa sayaw-sayaw ka lang dito." Banat ko sa kanya.
Naging matunog ang pag tawa nito. Sabay kaming natapos mag ayos kaya sabay din kaming tumango sa loob ng bahay paaliwan.
Agad kong ikinabit sa aking kaliwang tenga ang ear pods na hawak-hawak ko eksaktong pagka pasok namin sa loob. Dahil minsan ay sumasakit ang kaliwang tenga ko dahil sa malakas na tugtog sa loob.
Tahimik kong sinusuyod ng tingin ang paligid nang bigla kong maramdaman ang pag pulupot ng mga braso sa aking bewang. At ganun nalang ang panlulumo ko nang malaman ko kung sino iyon.
"Iniiwasan mo ba ako? Kanina pa ako nandito at hinihintay ka." Malambing na saad nito.
Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ka tindi ang inis ko sa babaeng ito, dahil siguro sa pagiging clingy nito. Kulang nalang ay hubaran niya sa ako sa t'wing makikita niya ako dito o kahit saan pa man yan.
"May trabaho ako kaya wag kang magulo." Malamig na saad ko at marahas na inalis ang kanyang brasong naka pulupot sa bewang ko.
Mas lalo lang itong ngumisi at muling humakbang papalapit sa'kin.
"Wag mo akong sungitan. Alam kong nag tatampo ka lang sa'kin. Nandito ako ngayon para bumawi." Nakangising aniya.
Umangat ang sulok ng labi ko at sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri ko.
"Hindi nakakatuwa ang sinasabi mo. Kaya umalis ka sa harapan ko ngayon din. Wag mong hintaying kaladkarin kita palabas, kilala mo ako kaya wag na wag mong ubusin ang pasensya ko." Usal ko habang diretsyong naka tingin sa mga mata.
Hindi siya kaagad sumagot kaya ako na ang kumilos at nilagpasan siya.
"Ginugulo kana naman?" Salubong na tanong sa'kin ni sandria.
Tipid akong tumango at umayos muli ng tayo. Nasa bandang harapan lang ako ng entablado kung saan sumasayaw si trois ngayon.
Mas gugustuhin ko pa sigurong magutom nalang kesa gawin ang ginagawa niya.
"Ikaw? Wala namang problema?" Tanong ko sa kanya.
Nakatayo lang din ito sa tabi ko habang naka krus ang magka bilang braso at pinapanood si trois.
"Wala naman at kung sakaling magkaroon ay kayang-kaya namang ayusin." Sagot ni sandria sa'kin.
Hindi na ako muling nag salita at nag paalam na ito na aalis na dahil biglang may nagpa tawag sa kanya sa VIP ROOM.
"Kuya...." Tawag sa'kin ng kung sino.
Nang lumingon ako sa bandang likuran ko ay nakita ko si Yllah.
"Oh?" Mahinang tanong ko habang naka yuko dito.
Siya ang pinaka batang nag ta-trabaho sa lugar na ito, pero hindi mo mahahakata sa itsura niya. Dahil sa paraan nito ng pag dala sa sarili.
"Ang sungit.. nandito na naman ba iyong babaeng obsess?" Naka taas kilay na tanong nito at lumingon-lingon sa paligid para hanapin iyong babaeng sinasabi niya.
"Hayaan mo na. Pumunta kana doon sa pwesto mo, mag iingay ka lang din naman dito." Pag tataboy ko sa kanya.
Mas lalong bumusangot ang mukha niya at padabog na umalis sa aking harapan.
Muli ay naging tahimik ang paligid ko. Maliban sa hiyawan at malakas na tugtog ay wala nang ibang ingay na maririnig.
Umupo ako sa silya na nasa bar at humingi ng Isang bote ng beer. Ininom ko iyon habang ang mga tingin ko at nasa paligid lang. Nag mamasid at may hinahanap.
Hindi ko alam kung bakit ay hina-hanap ko pa rin ang babaeng iyon. Dahil hindi ko din naman ito makikila kahit tumayo pa ito mismo sa aking harapan.
"Binab@liw ako ng babaeng iyon." Mahinang asik ko.
Agad na dumapo ang tingin ko sa isang baso ng vodka na inilapag sa'king harapan. Nag angat ako ng tingin sa bar tender at binigyan ko ito ng nag tatanong na tingin.
"Pina-pabigay ng isang customer." Pabulong na sagot nito at itinuro ang kinaroroonan ng customer gamit ang kanyang mga mata.
Sinundan ko ito ng tingin at naka salubong ng mga mata ko ang kakaibang tingin ng isang babae. Maganda ito at mapang akit akong tinitingnan.
Maya-maya lang ay tumayo ito mula sa kanyang pagkaka upo at nag simulang mag lakad papunta sa gawi ko.
"What's your name?" Diretsyong tanong nito ng tuluyan na siyang maka lapit sa'kin.
Naramdaman ko pa ang pag haplos nito sa aking balikat pababa sa aking braso.
"Ang tigas naman ng braso mo." Nakangiting aniya.
Hindi ko ito sinagot, maging ang lingunin ito ay hindi ko ginawa. Hanggang sa naramdaman ko ang pag baba ng kamay nito sa aking hita at bahagya iyong pinisil.
"Sa tingin ko ay mat*gas na din itong nasa baba." Halos pabulong na saad nito sa mismong tenga ko.
Papalapit ng papalapit ang kamay niya patungo sa pribadong bahagi ng katawan ko, pero mabilis ang pag galaw ng akong kamay kaya agad kong nahawakan ang kanyang pulsuhan.
"I'm sorry miss, but I don't fvck strangers." Walang emosyong saad ko.
At pabatong binitawan ang kamay nito.
Nang umalis ako sa pagkaka upo sa silya ay ganun nalang ang pag tabinge ng ulo ko dahil sa malakas na pag tama ng isang kamao sa aking mukha.
Hinawakan ko ang aking panga at ganun nalang ang pagka asar na naramdaman ko nang malasahan ko ang d*go doon.
"Anong karapatan mo para tanggihan ako? Customer ako dito kaya dapat ay ginagawa mo ang gusto ko." Saad ng babae habang nasa tabi nito ang lalaking sinuntok sa'kin.
Mapang insulto akong ngumisi habang ang kanang kilay ko ay naka angat.
T*ngin@.... bouncer ako hindi entertainer.
Sa isip ko habang paulit-ulit na dumudura dahil sa pag durugo ng aking bibig.
Tumalikod na ako at handa ng umalis, pero muling gumalaw ang lalaking kasama nito at marahas na hinawakan ang balikat ko para muli akong iharap sa kanila.
"Lagi nalang talaga." Naiinis na bulong ko.
Mabilis akong gumalaw at hinila ang braso ng lalaki papalapit sa akin at makalas na sinuntok ang mukha nito at bang....
Bagsak...
"Tigas naman ng mukha." Asik ko at tiningnan ang aking kamao.
Bahagya iyong namumula at humahapdi. Sandali akong pumikit dahil sa inis at ramdam na ramdam ko ang tinginan ng ibang customer sa eksenang nangyari ngayok lang. Nang muli kong maidilat ang mga mata ko ay mag simula na akong nag lakad palabas ng bar. Diretsyo sa aking locker.
"Ano yun?" Habol sa'kin ni trois.
Hinubad ko ang aking suot at nag palit, kinuha ko na din ang aking helmet kasama ng Isang back pack ko at nag martsa papunta sa parking lot.
"Aalis ka? Hinahanap ka ni boss." Aniya.
Sumakay ako sa aking motor at isinuot ang aking helmet bago ko muling lingunin si trois.
"Pakisabi nalang na hindi na ako papasok mula bukas, kaya mag hanap na siya ng ipapalit sa'kin." Malamig na saad ko.
Hindi na ako nag hintay pa ng sagot at agad nang pinaharurut ang aking motor.
TO BE CONTINUE