"Aish! You!" ang tanging nasabi na lang ni Ella at iniwan ang nakangisi pang lalaki habang sinusundan nang tingin ang humaharurot nyang sasakyan.
Pagkadating sa school, agad syang dumeretso sa room ng mga first year college, monster class at hindi pinansin ang mga bulong bulungan ng mga estudyante tungkol sa kanya.
Sa bungad pa lang nang pintuan, narinig na nya ang sigaw ni Clarence Moltalez aka Claire, ang beking kaibigan nya na siya ring presidente ng klase.
" Shhh! Class, silence! The Hugot Queen is here!" Biglang sabi ni Clarence na siya namang ikinatahimik ng buong klase.
Samantalang pumasok naman si Ella sa classroom ng nakasimangot at halatang badtrip na badtrip. Tsaka sya yumuko sa kanyang arm chair.
Sobrang inis ang nararamdaman niya mula ng nakaengkwentro niya ang lalaki hanggang ngayon. Yun ang kauna-unahang beses na may kumalaban sa kanya at lalaki pa kaya naman ang aga aga ay bad mood agad siya.
Pagkalipas ng ilang minuto at dumating na din ang kanilang guro na si Miss Sanchez at nagcheck ng attendance.
"Miss Genova?"
"Present!"
"Miss Feir?"
"Maam!"
"Miss Dela Fuente?"
"Present!" walang ganang sabi ni Ella
Pagkatapos ng attendance ay sinabi ng guro na may bagong transferee.
"Ok class,since you already knew each other, since you have been classmates and schoolmates for so many years, there's no need to introduce yourself one by one instead I'll just introduce you the transferee. Come in!"
Nanatiling nakayuko si Ella sa kanyang armchair at di pinansin ang sinabi ng guro hanggang sa narinig niyang nagpakilala na ang transferee.
"Hello everyone! I'm Ethan Zion Dela Cruz, 18 years old . You can just call me Ethan. By the way, I hate people who blame others because of their stupidity." Sabi nito sabay tingin sa upuan ni Ella
Pagkatapos magpakilala ng lalaki, rinig niya ang tilian at bulungan ng mga babaeng kaklase sa loob ng classroom, pero mas rinig niya ang may pinakamalakas na tili ng kaibigan na animo'y nakakita ng isang sikat na artista, walang iba kundi si Clarence. Nais niyang takpan ang magkabilang tenga dahil sa nakakabinging ingay ng mga kaklase subalit bigla siyang natigilan at napaisip.
'Base sa boses ng lalaking ito,parang familiar' sabi ni Ella sa kanyang isip
"Okay,you may now sit beside Ms. Dela Fuente." sabi ng guro
"Where?" tanong naman ni Ethan
"Beside the girl who is sleeping at the back." sagot naman ng guro sa kanya
Pagkatapos noon, naupo na ang lalaki sa tabi ni Ella. Nang mapagtanto naman ng babae na may nakaupo na sa bakanteng upuan na katabi niya ay agad niyang iniangat an kaniyang ulo saka tinignan ang katabi at ganun din naman ang ginawa ng lalaki sa kanya. Maya maya pa'y nanlaki ang mata ng babae ng mapagtanto kung sino ang katabi niya. Matagal silang nagkatitigan at maya maya pa ay biglang—
"You/Ikaw?" nanlalaki ang mata, gulat at sabay na sabi ng dalawa habang nakaturo ang hintuturo sa isa't isa
"You jerk! What the hell are you doing here?!" bwisit na bwisit na sabi naman ni Ella sa lalaki
"Can't you see? I'm studying. Bakit ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa school? Di ba nag aaral?" kaswal naman na sabi ng lalaki habang pinipigilan ang paglabas ng mapaglaro nitong ngisi sa pikon na babae
"Of course I know that! I'm not that stupid you know. But— are you stalking me?" tanong dito ni Ella habang matalim na tinitignan ang lalaki
"Of course not! Why would I? Am I that handsome for you to think that I will stalk you? Don't worry I wont do that. And you're not pretty enough, by the way." sabi ni Ethan habang nakangiti ng mapang asar sa babae
"You! Argg! Dahan dahan ka din minsan, baka sa sobrang kahanginan mo, pati ikaw matangay! Bahala ka, ikaw din! Ang for your information, I'm beautiful." sarkastiko ngunit sweet na sabi ng babae kay Ethan
"Hahahaha, are you that blind para di makita ang kagwapuhan ko? At ikaw maganda? Saan banda?" mapang-asar na banat ng lalaki
Habang nagtatalo naman ang dalawa, nakatingin naman sa kanila ang buong klase na para lang silang nanunuod ng sine at kulang na lang ang popcorn at drinks ng biglang mapansin ito ng guro at—
"Do you have any problem with each other? Care to share it to class?" inis na tanong ng guro sa dalawa habang matalim na nakatingin sa dalawa.