CHAPTER 1
Nagising na lang si Ella nang makarinig siya ng sunod sunod na mga malalakas na katok sa pinto ng kanyang silid.
"Ella, bumangon ka na dyan, malelate ka na!" narinig niyang sigaw ng ina
"Eto na nga po eh, gising na po ako! Bakit ba kasi lagi kayong nagmamadali, maaga pa naman eh! Parang sa pakikipagrelasyon, kakamadali nyo, kayo lang rin ang nasasaktan at umuuwing luhaan sa bandang huli." nakakainis kasi lagi na lang nagmamadali kala mo naman malelate na talaga ako, ang aga pa kaya!
"Hugot ka pa ng hugot dyan, bilisan mo na lang kaya!" Tsk! Ayan na naman, nagmomoment pa lang ako dito eh
"Tsk!"
Makapagbihis na nga, baka lalo pa siyang magalit. Pagkalipas ng ilang minuto,ay natapos na rin akong maligo kaya naman agad akong nagbihis. Ang suot ko ngayon ay isang korean style uniform na kulay black and white.
Pagkatapos, nilugay ko na lang ang aking mahabang buhok. Natural na brown ang kulay nito, hindi rin sya rebonded, o yung tinatawag nilang virgin hair. Tsk! Daming nalalaman diba?
Tsk! Anong oras na ba? Napaisip ako at sakto namang pagtingin ko sa orasan sa gilid ng lamesa, agad akong napamura sa isip ko. s**t! 7:30 na, napatagal pala yung paggagayak ko.
Maya maya pa ay agad na akong bumaba, gutom na ako. Sakto naman na pagkababa ko nakita ko na andami nang nakahaing pagkain sa hapag.
"Wow, ang bango naman nyan Mom, siguradong masarap yan!" Sabi ko sa kanya.
Hoy, baka akala niyo bola yon ha? Hindi yon bola, magaling kayang magluto si nanay.
"Sus,nambola ka pa! Akala ko ba Hugot Queen ka lang ,baka mamaya mabalitaan ko,bolero queen ka na rin ha?"
Tsk panira talaga si nanay, siya na nga yung kinompliment eh
"Tsk! Panira ka talaga ng moment mom, noh?!" tanging sabi ko na lang sa kanya,take note the sarcasm
"Hahahaha! Tara na nga,kumain na lang tayo!"
"Mabuti pa nga!"
After 15 minutes ng matapos naming kumain, agad na din akong nagpaalam kay Mommy para pumasok.
"Mom, I have to go"
"Ok, take care"
"Bye Mom!" sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya
Pagkatapos noon, ay agad akong pumunta sa sasakyan ko –isang Mercedes Bench. Mercedes-Maybach GLS to be exact.
Regalo to sa akin ni daddy nung birthday ko. Maya maya pa ay agad ko na itong pinaharurot.
Habang nasa highway, biglang nag-overtake sa gilid ko ang isang sasakyan–isang black na BMW na syang naging dahilan upang magasgasan ang sasakyan ko.
Aisshh! Alam niya ba kung gaano ito kaimportante, bwisit!
"Hoy! Mag-ingat ka naman! Wag kang tatanga-tanga. Nakakaperwisyo ka na eh!" galit na sigaw ko sa driver ng BMW. Nakakainis kasi eh.
Pagkasabi ko no'n, sakto namang bumaba ang windshield ng sasakyan at nakita ko sa loob ang isang makisig na lalaki na nakangise sa kanya.
Tsk! Mali hindi siya gwapo, pangit siya! Pangit!
"Miss, for your information,hindi ako tanga, ikaw ang tanga. Alam mo naman palang magoovertake ako, bakit hindi ka umiwas?" nakangising sabi ng lalaki.
Aba't ako pa talaga ang may kasalanan?
"Aaaaargggghhh! You'll pay for this!" Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya yung ginawa niya
"Oh really? How much?!" nang aasar na tanong nang lalaki
Aba't talagang ginagago niya ako, bwisit talaga!