Chapter 35

1468 Words

"Tita, may dala po ako'ng meryenda." Habang kinukuha nito sa likod ang take-out nila sa fast food kanina at ilang delicacies na tatak Batangas. Tinulungan s'ya ni Bea at sabay na silang pumasok ng bahay. "Naku! Napakarami naman yata ng pasalubong mo sa amin, Baste, hindi naman kaya nakakahiya na sa iyo? Halika maupo ka." "Hindi po, Tita Celine, para po talaga sa inyo ang mga iyan," wika ni Baste habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng tahanan nila Bea. "Hindi pa rin po pala nagbago ang ayos ng bahay n'yo, Tita," nakangiti nitong wika kay Celine.  "Na-miss ko po tuloy ang kabataan namin ni Bea," wika nito habang tinitingnan si Bea. "Iyong nakikipagmeryenda pa po ako noon." "Oo, Iho, wala na kaming binago rito sa bahay, maliban d'yan sa frame na dekorasyon," sagot naman ng ina ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD