Nagising si Bea sa alarm ng cellphone n'ya. Pinupungas n'ya ang mata dahil nakatulog na naman s'ya. Magsisimula na sana s'ya sa pagtatrabaho muli nang mapansin n'ya ang plastic na may laman na milkshake at may kasamang paper box. Napatingin s'ya kay Blue na seryoso sa pagtipa sa computer. Hindi n'ya malaman ang gagawin, kung kakainin na ba n'ya ang pagkain at magpapasalamat dito o huwag na lamang pansinin. Pinili n'ya ang huwag na lamang pansinin ayaw pa kasi n'ya itong makausap kaya nagsimula na s'yang magtrabaho. Sa sulok naman ng mata ni Blue ay sinisilip n'ya si Bea. Nang makita n'ya ito na hindi pinansin ang inilapag n'yang pagkain sa table nito ay umisip na s'ya ng sasabihin. "Bea, kainin mo muna iyang food dahil baka magutom ka, mahirap magtrabaho nang gutom. Hindi ka makakapag-

