10

2880 Words
Gabby "Alam mo, hindi ko talaga maimagine na may gusto ka sa akin." Hinubad ko ang sapatos ko saka ito sinipa pailalim sa kama. Mamaya ko na lang siguro aayusin. I decided na i-loudspeaker na lang ang cellphone ko dahil gusto ko na magbihis. Init na init na kasi ako sa long sleeves na suot ko. "At hindi ko rin maimagine na nakaget over ka sa akin." inis na sinabi nito pero alam ko naman na nagbibiro lang siya gamit ang tono ng boses niyang iyon. Nagkukulitan lang naman kasi kami. "Imagine, nakamove on ka sa kagwapuhan ko." Naiikot ko na lang ang mata ko habang natawa ng bahagya. Ang kapal kasi ng mukha nitong kaibigan ko. "Hindi ka naman gwapo." Bigla itong umungol habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya kaya nanglaki ang mga mata ko. "Ganiyan ba ang reaksyon ng hindi nagagwapuhan sa akin?" Umungol ulit siya kaya, instinctively, tinakpan ko ng unan ang cell phone dahil sa takot na baka may makarinig na ibang tao at kung anong isipin. Inialis ko muna ang pagkakatakip ng unan sa cell phone ko saka ako sumigaw. "Shut up! Hindi ako ganiyan umungol!" Umungol ulit siya at tinawag nang paulit-ulit ang pangalan niya saka tumawa. Marinig sana siya nina Tita, bwisit siya. "Kumusta sa office niyo?" Nang maialis ko na ang suot kong pantalon, ibinagsak ko na ang sarili ko sa kama. It's been a long and tiring day kaya hindi ko naiwasang magsumbong sa kaniya; kung gaano kahirap at kadami ng mga inayos ko na papeles at kung gaano ako nasasakal dahil pakiramdam ko, ayaw nila sa akin sa office maliban sa amo ko. It's been a week matapos ang birthday ko. And it's been a week as well nang magsimula akong pumasok. At bukas, rest day ko. Gusto ko itreat ang sarili ko gamit ang perang ibinigay sa akin sa birthday ko. Buti nga hindi inilagay nina Mama sa card ko ang pera dahil alam nilang pati ang mga card ko, hindi ko ginagamit. Gusto ko rin magsumbong sa parents ko dahil nahihirapan na ako sa nangyayari sa akin. Kung hindi nga lang dahil kina Drew at Seb na laging nariyan para kausapin ako, baka nabaliw na ako. Kasi naman, pumapasok ako sa office para lang sa sarili ko. Well, that's the initial idea kung bakit ako nagtatrabaho. Pero sa araw-araw na lumipas, naiisip ko, why am I doing this? Para saan? Para ibahin ang tingin ng ibang tao sa akin? Why do I need to change their idea of me? Ang unfair sa side ko. Para lang mabago ang tingin nila sa akin, kailangan ko umuwi sa unit na ito at mamuhay ng mag-isa? Ang lungkot kaya na kumakain ka mag-isa, natutulog ka mag-isa, nanunuod ka ng comedy mag-isa. Umaalis ako ng unit nang wala akong iniiwan at umuuwi ako pero wala naman akong dahilan para bumalik. Wala nang naghihintay sa akin at hindi ko na na-eexperience na umuwi at pagpapahinga na lang ang iintindihin ko dahil may pagkain naman nang laging nakahanda sa lamesa. Wala sa sarili kong pinatay ang cell phone ko habang nagsasalita pa rin si Drew sa kabilang linya. Hindi ko alam pero bigla akong nilamon ng lungkot. Gusto ko lang ng katahimikan ngayon dahil ang raming umiikot na bagay sa isip ko. Nasagot na ang isa sa mga hiling ko; ang magkaroon ng admirer o manliligaw pero hindi pa rin ako totally masaya. I'm so lost na hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. I'm not talented or even smart. Iniisip ko tuloy, ganito na lang ba ako? Mabubuhay na puro na lang pagtatrabaho ang inaatupag? I have dreams pero napaka-farfetched naman ng mga iyon. I don't have the talent to be a singer, which is my greatest dream. I'm not that good of a cook to build a restaurant. Parehong kaliwa ang mga paa ko kaya kapag nagsasayaw ako, para akong nirarayuma. What am I going to do with my life? I heard my phone ring pero hindi ko na lang ito pinansin. Alam ko naman kasi na si Drew ang tumatawag. Ganiyan naman iyan kapag hindi pa kami tapos mag-usap tapos bababaan ko siya ng tawag. I sighed bago ako tumingin sa kisame. "Huwag muna ngayon, Drew." Morning rolled in and I decided to call Jade. Tutal naman rest day ko ngayon, I might as well get new friends. Buti na lang raw ngayon kami magkikita-kita dahil free siya pati na ang mga kaibigan niya. "Good morning." nakangiting bungad sa akin ni Seb nang umayos na siya sa pagkakatayo. Nang buksan ko kasi ang pintuan ko, ang nakayukong siya ang bumalandra sa akin para ilapag ang ferrero roche sa harap ng pintuan ko. Yumuko ulit siya saka dinampot ang chocolate pati na ang note na nasa ibabaw nito bago iniabot sa akin. "For you." Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa tuwa sa kaniya. Sa araw-araw kasi na ginawa ng Diyos, walang mintis ang paglalagay niya ng chocolate sa pintuan ko. Ngayon ko lang siya nahuli na maglagay nito sa pinto ko, siguro dahil na rin sobrang aga ko lumabas. "Good morning." Inabot ko ang nakalahad na chocolate pati na ang note nito. "Pinatataba mo talaga ako, ha?" "Hindi naman. Gusto ko lang talagang bigyan ka." Napatingin siya sa bag na nakasabit sa balikat ko pati na sa katawan ko; specifically sa sando at shorts ko. "Gym?" Tumango ako dahil duon naman talaga ako pupunta. Plano ko kasi maggym muna kahit saglit lang bago makipagkita kina Jade. "Pupunta na rin ako duon, actually. Sabay na tayo." Umakyat muna kami sa unit niya para samahan siyang kumuha ng mga gamit bago kami dumiretso sa gym ng condo. Buti nga at kaonti lang ang tao dahil ayoko talaga ng maraming kasabay. Thread mill ang inuna namin para sa cardio. Hindi na rin ako nagsuot ng earphones at nagpatugtog dahil gusto ko makausap si Seb. "May tanong ako." Inistart ko na ang thread mill kaya sinumulan ko na rin tumakbo. Ganuon rin ang ginawa niya matapos niyang sumagot ng ano. "Bakit o paano mo ako nagustuhan?" Tinignan ko siya at nakatingin lang rin siya sa akin habang parehas kaming patuloy na tumatakbo. "Baka madisappoint ka." mahina at nakasimangot na sagot niya. Bakit naman ako madidisappoint? May bagay ba sa akin na nakakadisappoint? Well, I mean being me is already disappointing pero ano iyong sinasabi niya? "Try me." "To be honest?" Pinutol niya ang pagtitig sa akin saka tumingala. "Hindi ko alam." Bumuntong hininga siya bago ibinalik ang tingin sa akin. "Disappointing ba? Nag-eexpect ka ba ng sagot na matino sa akin? Sorry pero kasi, iyon talaga. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan kita nang makita kita noon sa park. Kaya nga kahit mukhang tanga, tumigil talaga ako sa harap mo para batiin ka ng happy new year para lang makita ka ng malapitan. Naisip ko kasi noon, ah, gusto ko makilala ng husto itong taong ito." Humihingal na pinatay niya ang thread mill saka tumayo at pinanuod na lang ako sa pagtakbo. "Hindi ko alam kung anong mayroon ka at paano mo nakuha atensyon ko. Tapos ayun, habang nakakausap kita, mas nagiging greedy ako at iniisip ko na, hindi lang kita gusto makilala; gusto ko maging akin ka. Kaya kung tatanungin mo ako kung bakit kita nagustuhan, wala kang makukuhang matinong sagot sa akin dahil hindi ko rin talaga alam." Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya. Mas naniwala pa lalo ako sa nararamdaman niya para sa akin dahil sa sagot niya. Siguro nga kung sinabi niya, kasi gwapo ako, duon ako madidisappoint. Not that I'm expecting us to be together pero beauty or appearance fades. Paano kapag nawala na ang rason kung bakit ako nagustuhan ng isang tao? Edi mawawala na rin ang pagkakagusto sa akin, hindi ba? Kung gaano kagrabe iyong depression ko kagabi, kabalikaran nuon ang nararamdaman ko ngayon. From what Seb said, I'm not really just a nobody. Kagusto-gusto rin ako kahit papaano. Tumagal lang kami ng 30 minutes ni Seb sa gym bago kami bumalik sa kani-kaniyang unit. I mentally noted about what we agreed to do tonight. Magso-sauna kasi kami. Hindi naman na kami lalayo dahil may maliit na sauna rin ang building na ito na nasa ibabang floor lang ng rooftop. Sabi niya kasi, gusto niya pa talaga akong makilala. "Hey," bungad ko pagkasagot ni Jade sa tawag ko. "Nasa Italicized na ako." Hindi ko maiwasang hawakan at masahihin ng bahagya ang balikat ko dahil parang namamaga. Nagbuhat ba naman ako kanina, talagang mamamaga ito. "Sige. Hintayin mo na lang kami riyan; we're on our way." "Gotcha. Ingat kayo." Ibinaba ko na ang tawag matapos ko magpaalam saka ako pumasok sa restaurant. Napabuntong hininga rin ako dahil sa sandamakmak na notifications ang mayroon ako. May lumapit na staff sa akin kaya nginitian ko ito. "May reservation kami for four. It's under my name; Gabriel Eru." "Saglit po." anito saka pumihit patalikod para lapitan iyong isang babaeng katrabaho niya. Well, they have the same uniform so I just assumed. May ibinigay sa kaniyang papel bago lumapit muli sa akin. "This way po." Iginaya niya ako sa table na pupwestuhan namin saka kinuha ang pad at ballpen sa bulsa niya. "Mag-oorder na po ba kayo?" "Hintayin ko muna siguro iyong mga kasama ko. Malapit naman na raw sila." Nakangiting tumango ito bago ako iniwan. I fished out my phone from my pocket para tignan ang newsfeed ng f*******: ko para ma-occupy naman ako habang naghihintay. Bago ko pa man mabuksan ang app ng f*******:, ang sandamakmak na text at missed calls mula kay Drew ang bumungad sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Alam ko kasi na nagtampo ito dahil hindi ko man lang siya tinext o tinawagan patungkol sa pagbaba ko ng tawag sa kaniya kagabi. Binasa ko lahat ng messages na isinend niya; majority puro pagtatanong lang kung nasaan ako at kung nasa maayos ba akong kalagayan. Hindi ko maiwasang mahiya nang mabasa ko ang huling sinend niya. Sorry. Iyan lang ang laman ng text. Baka iniisip niya, may nagawa siyang kasalanan para sabihin iyon. Hindi ko naman intensyon na isipin niyang may mali siyang nagawa. And knowing him, bihira talaga siyang magsorry. Magsosorry lang talaga siya kapag may nagawa siyang malaking kasalanan. Kung maliit lang ang kasalanan niya, he won't say sorry; he'll just do something to make it up to us na nagawan niya ng kasalanan. "Sorry, Drew. Nahiya lang ako dahil binabaan kita ng tawag kagabi at hindi pinansin iyong messages mo. I'm also doing fine. Makikipagmeet lang ako sa new found friends ko so you don't have to worry." I pressed send at wala pang isang minuto nang bigla siyang tumawag kaya sinagot ko dahil alam ko na nag-aalala na talaga ito. "Nasaan ka? Pumunta ako sa unit mo pero wala ka duon." "Nasa restau lang. Sabi ko sa iyo, makikipagkita lang ako sa mga bago kong kaibigan." Hinintay ko siyang sumagot matapos kong magsalita pero umabot na yata ng dalawang minuto, wala pa rin akong naririnig mula sa kaniya bukod sa malalalim na paghinga niya. "Drew?" "Yeah?" "Natahimik ka?" "Wala naman." mahinang sagot niya. "Naisip ko kasi, dumadami na mga bago mong kaibigan. Noong birthday mo, nagkaroon ka ng Sebastian. Tapos ngayon, may bago ka pang imemeet. Hindi nga lang yata isa. Sabi mo kasi mga." "And your point is?" Itinuon ko ang paningin ko sa menu na nakalapag sa harap ko saka ito binuklat para tignan ang mga pagkain na puwede orderin mamaya. "Natatakot ako." Napatigil ako sa pagpapasada ng daliri ko sa mga picture na nakapaskil sa menu dahil sa narinig ko. Bakit naman siya natatakot? "Bakit naman?" "Kasi... tang ina. Ano..." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Gusto ko man siyang tawanan dahil halata ang kaba sa boses niya pero hindi ko ginawa. Ano ba kasing ikinatatakot niya. "Parang... nagkakaroon na ako ng mga kaagaw sa iyo. Dati naman, nasa akin lang madalas atensyon mo." "Siraulo-" "Ako muna." Tumahimik ako dahil sa pagpuputol niya sa pagsasalita ko. "Alam mo naman na mahal kita, hindi ba?" Tumango ako kahit alam ko na hindi niya naman nakikita ang ginawa kong iyon. "Natatakot lang naman ako sa mga umaaligid sa iyo. Nabawasan nga problema ko nang mawala na sa landas ko iyong boss mo pero ngayon naman, may Sebastian na dumating para subukang agawin ka sa akin. Tapos ngayon, pati iyong mga imemeet mo, aagawan pa ako ng oras sa iyo. Iniisip ko tuloy, saan ako lulugar kapag nakuha na nilang lahat atensyon mo?" Lord, bakit ganito naman itong araw na ito? Masyado Mo akong pinasasaya. Bumabawi Ka ba dahil sa matinding depresyon ko kagabi? "Ramirez, ikaw ba iyan?" nakangiting tanong ko. I just can't imagine him saying all these cheesy stuff. Ang out of character lang. "Ha?" "Hindi kasi ganiyan magsalita ang kaibigan ko." "Tarantado ka ba?! Binuhos ko iyong feelings ko sa mga sinabi mo tapos iyan lang sasabihin mo?!" "There you are! Edi bumalik ka rin." Tinawanan ko siya kahit pa puro mura na ang naririnig ko sa kabilang linya. Nakakatawa naman kasi puro tang inang buhay ito ang naririnig ko habang nagwawala siya. "Drew, kumalma ka nga." Tumigil naman siya sa pagmumura at ngayon, paghinga niya na lang ang naririnig ko. "Good. Wala ka naman dapat ikatakot, eh." "Bakit? Kapag ba pinapili ka sa amin ni Sebastian, ako ba pipiliin mo?" Napaisip ako sa sinabi niya kahit alam ko naman sa puso ko kung sino talagang pipiliin ko. Natural naman na siya ang pipiliin ko dahil walang-wala sa pinagsamahan namin ang pinagsamahan namin ni Seb. "Siguro." "Tang inang siguro iyan. Kita mo? Paanong hindi ako matatakot? Ni hindi ka nga sigurado." "Drew- Drew. Stop talking." Pagpapatigil ko sa kaniya dahil nagmumura na naman siya sa kabilang linya. "Alam mo naman na ikaw pipiliin ko dahil mahal kita-" "What the f**k?! Mahal mo na ulit ako?! So tayo na?!" "You know what I mean, gago." "K." "Nasaan ka ba ngayon? Buti nakakasigaw-sigaw ka riyan?" "Sa bahay. Wala sina Mama. Ako lang talaga tao rito ngayon. Mga nagsialisan kasi sila. Pagkagising ko, pagkain at note na lang iniwan nila sa lamesa. May pupuntahan raw na party." "I see. Pumunta ka sa Italicized. Nandito ako ngayon. Papakilala ko sa iyo mga kaibigan ko." Alam ko na tututol siya nang sumagot siyang haaaa kaya pinutol ko kaagad ang pagtutol niya. "Drew, do this for me. Gusto kong lumaki na ang social circle mo." "Pero... wala naman akong ibang gusto. At saka, nakakahiya. Hindi naman ako invited riyan." "You don't need to be invited. Hindi mo naman kailangan ng invitation. If you need one, I'll be your invitation." "Okay lang ba?" I answered yeah kaya bumuntong hininga siya. Takot pa rin talaga siya sa tao. "Seryoso? As in promise?" "Drew, they are not going to bully you. Isa pa, nandito ako; hindi kita pababayaan. I'm doing this not for me, but for you. Ayokong nagkukulong ka lang; you need to live a little and surround yourself with people." Then again, matagal na naman siyang natahimik. Siguro malalim ang iniisip dahil na rin sa sinabi ko na hindi siya ibubully. Alam ko naman na a part of him believes na lahat ng tao, bubully-hin siya. Ewan ko ba pero tumatak na sa utak niya ang bagay na iyon. Siguro defense mechanism? I don't know. He doesn't trust people that much. Sa current school niya kasi, outcasted siya dahil ayaw niya makipagkaibigan. May mga nalapit pero mga malalandi lang raw. May mga sumubok raw na hilahin siya papasok sa barkada nila pero hindi siya pumayag dahil sa takot na mapagtripan. Gusto kong sabihin na maghome school na lang siya noong high school siya nang malaman ko kung bakit ganuon na lang siya kailap sa mga tao. Kaya lang, naisip ko na kapag naghome school siya, mas lalong hindi siya makakameet ng maraming tao and that'll kill his about-to-die social life. Hindi na rin namin ipinaalam kina Tita na nagpatuloy ang pangbubully sa kaniya noon. Ang akala kasi nila, tapos na ang bullying nang muntikan nang mamatay si Drew. Pinipilit ko nga siyang sabihin iyon kina Tita para naman magawan ng aksyon at nang makampante kami pero siya ang nakiusap na huwag sabihin; he just wanted to deal with the shits by himself. I tried to tell them once at nag-away talaga kami. Despite his hard exterior, duwag talaga siya. True, nakikipagbasag ulo siya pero lumalaban lang siya kapag sumusobra na ginagawa sa kaniya. Buti nga nang magcollege siya, bihira na lang siya makipag-away. Siguro dahil na rin sa paglayo niya sa mga tao. Naaawa nga ako sa kaniya, eh. He lived his life like that dahil sa matinding takot. He almost cost his life due to bullying kaya hindi na nakakapagtaka talaga. Dumagdag pa na ang mga taong napapalibot sa kaniya, puro mga tarantado. I just hope na pumayag siya para sabay naming makilala sina Jade. Maybe they can help me make him happy too. "Gab?" "Hmm?" "Thanks." mahinang sinabi niya. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko, dahil lang sa isang salita niyang iyon, binalot ako ng tuwa. "Bilisan mo na. I'm excited." Ibinaba niya na ang tawag pero wala pang isang minuto nang makatanggap ako ng text mula sa kaniya. "I love you. :)"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD