11

3077 Words
Gabby "Iyan na siya." nakangiting ibinalik ko ang tingin ko sa tatlong kaharap ko. Hindi pa kami nakikita ni Drew dahil palinga-linga pa ito, siguro dahil hinahanap kami. Slightly crowded na ang restau kaya medyo mahihirapan talaga ang maghahanap kung nasaan kami. I can't help but feel happy and proud, but a little worried, for him. Kilala ko kasi ang kaibigan ko. He hate stuff like this. He'd rather stay in bed than to mingle with people. Ako kasi, kahit na hindi ako sociable, na humahakot ng mga kaibigan, I still go out from time to time. Ayoko naman kasi maburyo lang sa bahay. He's probably feeling that he shouldn't have come. With the expression plastered on his face, he looks really uncomfortable, lalo na nang lapitan siya ng staff, siguro para itanong kung anong maitutulong sa kaniya. "Iyong nakapoloshirt?" tanong ni Maddie, or Mads. Sa kanilang magkakaibigan, siya iyong may pinakamellow na boses. Kung tutuusin, pataasin mo pa ng super kaonti boses niya, mapagkakamalan na siyang bata. "Obviously, Mads. Siya lang naman iyong kakapasok sa restau." Inikutan siya ng mata ni Lory kaya binato niya ito ng tissue dahil sa pagtataray nito sa kaniya. "Shut up, guys." suway ni Jade saka ito tumayo pero nakatingin pa rin sa akin. "Ano nga ulit name niya?" "Andrew." sagot ko saka tumingin ulit sa direksyon ni Drew, na saktong tumingin rin sa direksyon namin. I saw him smile a bit nang magtama ang mga paningin name, probably because of relief. And God knows how good looking he is right now. Pinaghandaan niya talaga? "Hey, Andrew." pagkuha ni Jade sa atensyon ng kaibigan ko. Naputol ang pagtingin niya sa akin saka tumingin sa buntis na kumakaway sa kaniya. Nakahawak ang isang kamay ni Jade sa tiyan niya habang ang isa naman na ginamit niya para ipangkaway ay ibinaba niya na rin saka inihawak sa tiyan niya. Hindi pa rin siya umaalis sa puwesto niya. Alam ko na nagtataka na ang mga kasama ko habang nakatingin sa kaniya. Nahihiya siguro talaga siya. Kaya ang ginawa ko, tumayo na ako, na siyang kumuha sa atensyon niya. Nakakagat labi siya habang papalapit ako sa kaniya. "Buti pumunta ka." nakangiting bungad ko pagkalapit ko sa kaniya. Hinawakan ko siya sa pulso saka hinila pero hindi siya nagpatinag at hinila pabalik ang braso niya. "Bakit?" "Nahihiya ako." pabulong na sagot niya. "Paano kung hindi nila ako magustuhan?" Natawa ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. He's Drew- kagusto-gusto siya. Binatukan ko siya ng mahina kaya napunta ang kamay niya sa parteng binatukan ko. "They will. Trust me. Kanina pa nila nilo-look forward na mameet ka rin. Plus, they're fun to be with kaya tara na." Nagpahila rin naman siya after that kaya nakangiting pinakilala ko sila sa tatlong babae na bago naming magiging kaibigan. Nang inintroduce niya ang sarili niya, they immediately liked him. Halata sa mukha ng mga ito ang saya habang nagpapakilala pabalik sa kaniya. At dahil pang-apatan lang ang table na kinuha namin, apat na upuan lang ang mayroon kami kaya nanghiram na lang kami ng isa para kay Drew. We ordered and continued to chat. Halata kay Drew na hindi pa siya totally nakakapag-adjust dahil may mga sandali na hindi siya nagsasalita at nanatiling nakikinig sa amin habang nakangiti. I'm here to help him with his social life. He needs to get out of his bubble. Hindi kasi puwedeng habang buhay siya na nakakulong sa sarili niyang mundo. It wouldn't help him get through life; he needs other people to help and be with him. "Gusto niyo ba ng desert?" tanong ni Mads habang nalinga para humanap siguro ng waiter. "Yep, pero okay na." Napatingin ito sa akin pati na ang mga kasama namin. "Hindi niyo ba narinig kanina nang umorder ako?" They all shook their head kaya napatawa ako ng mahina. I really shelled out my money dahil special ang araw na ito. I don't care kahit maghihigpit ako ng sinturon sa following days dahil sa pagtreat ko sa kanila pero that doesn't matter. "Well I ordered sweets kaya sana, walang may diabetes sa iniyo." Naramdaman ko ang pagkalabit ni Drew sa hita ko kaya tinignan ko siya. Patago niya pa talaga akong kinalabit. "Ano iyon?" Inilapit niya ang sarili niya sa akin saka bumulong sa tainga ko. "Huwag ka masyado magconyo kasi baka maintimidate sila sa iyo." Inilayo ko ang sarili ko at tinignan siya ng may pagtataka. Anong masama sa paraan ko ng pagsasalita? Ang mahalaga naman, naiintindihan nila ako, hindi ba? "I don't think-" Napatigil ako dahil sa pagpisil niya sa hita ko saka ako pinanlakihan ng mata bago niya inilapit muli ang bibig niya sa tenga ko. "Sabi ko sa iyo-" "What's going on?" narinig kong tanong ni Jade kaya tinignan ko ito. Umayos na rin ng upo si Drew. "May secret yata sila." nakangising siniko ni Lory si Mads kaya humagikgik naman ito. "Share naman diyan." "Wala iyon." sagot ni Drew habang ikinukumpas ang kamay niya, probably to convince them na wala talaga. "Huwag niyo kaming intindihin." "Weh?" sabay-sabay na sinabi nila na sinabayan pa ng tawanan. "Wala talaga. Promise." pangungumbinsi ng katabi ko kaya hindi ko maiwasang matuwa. Hindi niya man sabihin, halata naman sa mga ngiti at mahihinang tawa na binibitawan niya na masaya siya. "Spill the tea!" Kinuha ni Jade iyong hindi niya nagamit na kutsara saka ito ibinalot sa tissue. "Kung ayaw niyo sabihin, maglaro tayo. I have this question that I want to ask and this curiosity of mine is killing me. Alright. Let's play random questions." "Hindi ba, twenty questions iyon?" takang tanong ni Mads kaya nabatukan ito ni Lory. "Helpful ito para sa friendship natin na nagbo-bloom na. I want everyone to be honest and syempre, pati ako so don't worry. I'll toss this spoon at kung kanino siya tumapat, that person will have to answer the question ng matatapan ng other end ng spoon. Tapos puwede humingi ng help kung anong puwedeng itanong, okay? Game?" Game ako kaya I said game pero itong katabi ko, parang tuod kaya siniko ko. Siya lang kasi ang hindi sumagot kaya tumingin kaming lahat sa kaniya. Due to the pressure siguro, tumango siya. When the game started, nakangising nakatingin sa amin ni Drew iyong tatlo kaya medyo kinakabahan ako dahil baka kung anong itanong pero alam ko naman na tungkol lang sa ibinulong sa akin ni Drew kanina ang gusto nila malaman. Probably pati ibang bagay tungkol sa amin para magkakilanlan talaga kaming lahat ng husto. Ang unang bagsak matapos itoss ni Jade ang kutsara ay tumapat kay Mads at ang end, sa akin. Nag-isip ako ng mga bagay na puwede kong itanong and I came up with something generic, I guess. "Okay, Mads. So my question is, may boyfriend ka?" Napansin ko ang paglingon sa akin ni Drew pero hindi ko na lang pinansin at tinignan ng maigi si Mads habang hinihintay ang sagot nito. "Yep." she answered, popping the P. "Hindi ko pa totally boyfriend kasi nangliligaw pa lang pero siguro icoconsider ko na siya bilang boyfriend ko." "Bakit mo itinanong? Interested ka-" Hindi natapos ni Lory ang sinasabi niya dahil itinutok sa kaniya ni Jade ang kutsarang pinaglalaruan namin. "Shut up, Lory. Keep your questions. Kapag tumapat na sa kaniya iyong kutsara, then you can ask." Ilang tosses at generic questions ang nakaaraan, hindi pa rin kami natatapatan ni Drew ng kutsara; kami lang ang tanong nang tanong kaya hindi na naiwasan ni Lory magreklamo at sinabing siya na lang ang magtotoss ng kutsara dahil malas ang kamay ni Jade. "Finally!" sigaw ni Mads kaya tumatawang sinaway namin siya at humingi ng pasensya sa mga katabi namin. "Okay, ano iyong pinagbubulungan niyo kanina?" tanong nito kay Drew. "Kung super private, sabihin mo lang pero kasi sobrang curious na kami." Tinignan ko si Drew at nahuli ko ang pagtaas baba ng Adam's apple niya. "Sinuway ko kasi siya." sagot niya na may kasamang pagturo sa akin bago ibinaba muli ang kamay. "Baka kasi naiintimidate kayo dahil conyo siya." "Ano ka ba?" singit ni Lory saka tumawa ng malakas. Then again, sinuway namin siya saka humingi ng paumanhin sa mga nakapalibot sa amin. "Sanay na kami. Itong babaeng ito, sobrang conyo. Sarap na nga sungalngalin minsan, eh." Kinuha niya iyong kutsara matapos ituro si Jade, na masama ang tingin sa kaniya. Tinoss niya ulit ito at kung sinuswerte nga naman, sa akin tumapat at siya ang magtatanong. Ngumisi ito saka itinaas baba ang mga kilay niya. "Kanina ko pa ito gusto tanungin, eh. Bisexual ka? Sorry kung offending para sa iyo iyong tanong pero kasi curious ako." I shook my head dahil hindi naman ako bisexual. "I'm gay." Nanglaki ang mga mata nila dahil sa isinagot ko. "Hindi halata, ha?" nakangiting pagsingit ni Jade. "Screw this." Matapos tumingin kay Drew, kinuha niya iyong kutsara saka inilagay sa bowl niya. "Ikaw, Drew? Are you straight? Sorry if we're asking questions like this. Gusto ko lang na makilala kayo ng husto talaga." "I am." sagot ni Drew. "So sino rito iyong pinakacute para sa iyo?" tanong ni Mads saka nag-beautiful eyes. Umiling na lang ako dahil sa kakulitan nito saka itinuon ang atensyon kay Drew, only to find out na nakatingin rin ito sa akin. And without hesitation, he pointed me. "Siya." "Oh, my god." sabay-sabay na nasabi ng tatlo. "Akala ko straight ka?" pagkaklaro ni Lory. Tumango si Drew matapos niya ito tapunan ng tingin pero ibinalik rin ang tingin sa akin. "But I'm gay for him." Iniwas nito ang tingin sa akin saka humarap sa mga kasama namin. "Seriously?" Napatingin ako kay Jade nang magsalita siya. "I mean, you guys are cute together. Nashock lang ako kasi hindi ko inaakalang you're both gay. I mean there's nothing wrong with that. Sobrang nagulat lang ako. So kayo ba or..?" Tumingin si Drew sa akin, na para bang gusto niya na ako ang sumagot sa tanong ni Jade. Pati na ang tatlo, sa akin na rin tumingin kaya medyo nakaramdam ako ng pressure. I mean, anong isasagot ko, hindi ba? "First love ko siya." out of the blue na pag-amin ni Drew kaya pati ako, nagulat dahil hindi ko inaakalang first love niya ako. Marami na siyang nadate na babae na sobrang patago habang magkaibigan kami kaya medyo nagda-doubt ako sa sinabi niya pero for him to blurt that out in front of other people, isang sampal sa akin iyon na totoo ang sinabi niya. I can't help but feel happy dahil sa nalaman ko. I mean, I fell in love once nang bata pa ako and he's my second. Ang cool lang kung parehas naming first love ang isa't-isa. "Kinikilig ako." bumungisngis si Mads kaya pati na ang dalawa ay nadamay habang nakatingin sa amin. Naiilang ako na hindi maintindihan kasi hindi ako sanay sa ganito. No one ever confessed their love for me out in public. Masaya ako, sobra pero nahihiya pa rin ako dahil alam ko na may ibang nakarinig sa sinabi ni Drew. But me feeling happy dahil sa nalaman ko, doesn't that mean that I have feelings for him? Ewan ko. Hindi ko rin alam talaga. I dismissed the topic with a nervous laugh saka nagcr to escape the scene. Kailangan ko huminga. Hindi kinakaya ng powers ko ang mga kaganapan. Too many things are happening and it all make me happy, to the point na parang gusto na kumawala ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k. -- Everything ended well. We exchanged numbers then bid goodbyes. Kami ni Drew, we took a cab pabalik sa unit ko. Parehas kaming tahimik; parehas na nagpapakiramdaman. Obviously, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng kaibigan ko. Hindi ko rin alam kung bakit pagkabalik ko galing banyo noong nasa restau pa kami, hindi na niya ako masyado inimik. Ang ginawa niya lang, pagkaupo ko, hinawakan niya lang ang kamay ko. Pagkasakay namin, hinawakan niya ulit. Hindi ko maintindihan itong lalakeng ito kung bakit ganito umakto. Hindi ko naman inaalis kamay ko mula sa pagkakahawak niya dahil sa thinking na baka kinakabahan pa rin siya up until now dahil sa nangyaring meet up. Pero bakit naman siya kakabahan kung naging masaya siya? "I'm sorry." I got pulled out from my thoughts dahil sa pagbulong niya. Mula sa pagkakatingin sa bintana, ibinaling ko ang paningin ko sa kaniya. Nakayuko lang siya habang nilalaro ang kamay ko na hawak-hawak niya. "For what?" takang tanong ko habang pinanunuod ang kamay niya na patuloy pa rin sa paglalaro sa kamay ko. "Iyong sa kanina." "Hindi kita maintindihan. Ano ruon?" Itinigil niya ang paglalaro sa kamay ko saka tumingala at itinakip ang magkabilang kamay sa mukha niya. "Na umamin ako tapos sa harap pa nila. Hindi ko alam kung okay lang sa iyo iyong ginawa ko pero pakiramdam ko, hindi mo nagustuhan. Kanina ka pa kasi tahimik kaya iniisip ko hanggang ngayon na nagalit ka. I'm sorry." Bumuntong hininga ako saka inilapit ang mukha ko sa tenga niya. "That's okay. Mag-usap tayo mamaya." pagdidismiss ko dahil ayokong mag-usap tungkol sa ganuong bagay habang may kasama kaming iba. Ayokong mahusgahan siya dahil alam kong masyadong epal ang pag-iisip ng mga tao. Ibinaba niya ang mga kamay niya saka tumingin sa akin habang kagat ang ibabang labi. Matapos niya tumango, ibinaling niya ang atensyon niya sa bintana. Pagkababa namin sa taxi, dumiretso kaagad kami sa unit ko. Gusto ko ngang saktan si Drew dahil grabe iyong distansya niya sa akin habang naglalakad kami. Para tuloy akong may nakakahawang sakit. "Uuwi muna-" Hindi niya natapos ang pagsasalita niya dahil hinila ko siya papasok sa unit ko. Paano ba naman, parang tanga. Nakapasok na ako, siya nakatayo lang sa pintuan. "No, mag-uusap tayo." Hinila ko siya hanggang sa mapadpad kami sa salas. Halata sa mukha niya ang kaba at pati ang paghinga niya, obvious na bumilis dahil sa pagtaas baba ng dibdib niya. "I'm sorry." His voice cracked. Umusog siya papunta sa pinakagilid ng sofa saka tumungo. I sighed. Hindi naman kasi ako galit. Ano bang ikinatatakot niya? "Ramirez, hindi ako galit." "Ramirez tapos hindi galit? Tinatawag mo lang naman ako niyan kapag galit ka." Then again, I sighed. Nakakailang buntong hininga na ako ngayon araw na ito, ha? "Okay. I'm sorry if I seem angry pero hindi." Kinuha ko ang nakasampay na tshirt sa sandalan ng sofa saka ko ito iniabot sa kaniya, which he willingly accepted. "Pero ipinahiya kita kanina." "You didn't." Umupo na rin ako sa sofa saka ko hinagod iyong likod niya para kahit papaano, pakalmahin siya. Nagpupunas na kasi siya ng luha. Ang laki-laking tao, napakaiyakin. "Kilala mo ako, Drew. Alam mo kapag galit ako." "Bakit ang lamig mo kanina? Ganuon ka naman kapag galit. Halos gusto ko na lumabas kanina dahil pakiramdam ko, ang laki ng kasalanan ko sa iyo." "Sinasabi ko sa iyo kapag galit ako, hindi ba? May sinabi ba ako kanina? Hindi ba, wala?" Tumigil ako sa paghagod sa likod niya at isinandal ko na lang ang likod ko. Gusto ko na muna magpahinga. "So okay tayo?" Nilingon niya ako at matapos itigil ang pagpupunas ng damit ko sa mukha niya. "We're good." pag-aassure ko rito saka ko tinapik sa balikat. Tumayo ako't pumasok sa kwarto para magbihis. Nagbasketball shorts lang ako at white tshirt, with We Bare Bears print. Sobrang comfy talaga ng basketball shorts kaya halos lahat ng basketball shorts ni Kuya Dane, kinuha ko. Bumalik rin naman ako sa salas dahil duon ko balak magpahinga. Nanduon pa rin si Drew, na mukhang may malalim na iniisip dahil nakatungo lang siya. "Okay ka lang?" tanong ko rito. Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa at ipinatong ang mga paa ko sa kandungan niya. Nabalik naman siya sa katinuan niya dahil sa ginawa ko. Tinignan niya ako pero pinasadahan niya ako ng tingin mula shorts hanggang mukha, na siyang ipinagtaka ko. "Anong ginagawa mo?" "Magpapahinga ako. Naggym ako kanina bago makipagkita kina Jade kaya medyo may aftermath pa akong nararamdaman sa katawan." "Massage kita, gusto mo?" nakangiting alok niya. "No way. Hindi ka marunong; baka mas lalo lang mabugbog katawan ko." Natahimik siya habang nakatitig lang sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ang weird niya talaga ngayon. And after a minute or so, nagbalik na naman siya sa katinuan dahil tumikhim siya. "Gab, ano... sineseduce mo ba ako?" "Gago ka ba?" Inikutan ko siya ng mata saka niyakap iyong kinuha kong throw pillow na nalaglag kanina sa sahig. "I mean, okay lang naman kasi effective pero magsabi ka lang kung gusto mo. Gusto ko naman anytime." "Siraulo ka talagang manyak ka." Inialis ko kaagad ang mga paa ko saka siya sinipa, na naging dahilan ng pag-aray niya. Kaya siguro niya inisip na sineseduce ko siya dahil iyong paa ko pala kanina, napunta banda sa package niya nang hindi ko nararamdaman. Paano ko ba naman kasi iisipin pa ang nararamdaman ng paa ko kung nananakit na naman ang balikat ko. "Gab," pagkuha nito sa atensyon ko saka ibinalik ang mga paa ko sa kandungan niya. "Naalala mo, hindi ba, tinanong kita kung okay lang ba na mangligaw ako sa iyo?" I nodded dahil naalala ko. Kailan niya lang naman sinabi iyon para malimutan ko. "Naalala ko lang kasi na hindi ka pa sumasagot pero napagdesisyunan ko na hindi na lang ituloy." Hindi ko alam kung bakit pero nabother ako kaya napatingin ako sa mga mata niya. Sobrang seryoso niya habang nakatitig sa mga mata ko kaya iyong puso ko, ang bilis na naman ng t***k. "Ba... Bakit?" "Hindi ko na itutuloy iyong paghihintay ng approval mo. Siguro, ipapakita ko na lang na deserving ako para mahalin mo ulit." Nginitian niya ako saka ibinagsak ang sarili sa akin kaya ang mukha niya, nakabaon na ngayon sa tiyan ko. Umiling siya habang nakabaon pa rin ang mukha sa tiyan ko at kasunod nuon ay ang pag-amoy niya sa damit ko. "Ang bango mo talaga." Bigla niyang ipinulupot ang mga braso niya sa bewang ko kaya naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. "Pahinga muna tayo." Iniangat niya saglit ang ulo niya para tignan ako saka ako nginitian. "Sige na; matulog ka kung gusto mo. Ganito lang muna ako." Muli niyang ibinaon ang mukha niya sa tiyan ko bago hinigpitan ang pagyakap sa akin. "Gustong-gusto ko talaga na niyayakap ka." How am I not going to fall in love with this guy again if he keeps on saying and doing these kind of stuff?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD