Gabby
Napangiti ako habang pinanunuod ang video na isinend sa akin ni Seb. It's his mother. Umiiyak habang pinanunuod ang palabas kung saan bida ang mga magulang ko. I know that; it's their comeback movie. Matagal rin kasi silang hindi gumawa ng palabas at talaga namang nagustuhan ito ng mga tao.
What would expect from my parents? They are really talented. Madalas, simple lang ang pag-arte nila pero ang emosyon, talagang makukuha mo. I admit; it's sometimes awkward watching my parents make out in a movie pero sa sobrang galing nila, nadadala na lang ako minsan. Kaya nga bihira ko lang rin panuorin ang movies or teleserye nila.
Yeah. I know. I'm that supportive.
"Big fan iyang nanay ko."
I thought of an idea dahil sa nalaman ko tungkol sa mama niya. I want to make her happy, lalo pa't malapit na ang birthday nito. Hindi naman na ibang tao para sa akin si Seb kaya hindi naman siguro masama kung isu-surprise ko pati ang magulang niya. Ang pamilya kasi niya ang pinag-uusapan namin kanina. We just got back to our units dahil nagsauna kami.
I feel refreshed kahit pa medyo nastress ang katawan ko dahil sa rami ng ginawa ko ngayong araw na ito. Naisip ko kasi, ayokong iditch itong si Seb dahil wala itong ipinakita sa akin kung hindi kabutihan lang. Drew wasn't too happy about the idea na magsa-sauna kami ni Seb pero, as to what he said, hindi niya raw ako co-control-in. But he did tell me one thing.
Sana hindi mo siya magustuhan.
He has always been paranoid about everything. I mean, I know that he's bothered and scared that I'll pick Seb instead of him but we're just hanging out. I know that Seb is flirting with me kaya ganuon siya katakot kapag nalapit o nakikipag-usap ako rito pero wala naman siyang dapat ikatakot. I know to myself na hindi ko ito gusto romantically. I admit na kinikilig ako sa mga pinagsasasabi nito pero hindi naman ako mahuhulog kaagad sa bitag nito.
Wait. Kapag kinikilig, doesn't that mean nagugustuhan mo rin talaga iyong tao? Kasi kung hindi mo gusto iyong tao, wouldn't you cringe or feel nothing kapag nilandi ka nito?
This is f*****g frustrating and confusing.
"Just to make things clear, this coming Tuesday na birthday ng mama mo, right?" Mula sa pagkakahiga, dumapa ako sa kama matapos ko isend ang message ko. I'll message my parents in a bit. Ipupush ko itong gift ko sa mama niya.
"Yep. Okay lang ba na magkita tayo sa rooftop? Nakakapagod rin pala magtype nang magtype sa cell phone. Isa pa, para mas maayos tayo makapag-usap."
"Kakahiwalay lang natin kanina, ha?"
"Alam ko. Gusto lang ulit kita makasama."
Bang!
Kinilig na naman ako kaya ang ibabang labi ko, nakagat ko ng hindi oras. Why do these guys f*****g know how to make me smile? And see what I mean? Isang linyahan lang ng mga lalakeng ito, mapapahubad talaga ng panty ang mga babae.
"Malandi. Lol. Meet me in 5 minutes." I rolled out of bed saka kinuha ang jacket ko sa walk-in closet. Madalas kasing malamig sa rooftop. Ayokong mabugbog ang katawan ko; to think na kagagaling ko lang sa sauna. Kaya nga pati aircon ng unit, pinatay ko.
Nakaupo na siya sa bench na katabi ng railing nang makarating ako sa rooftop. He's also wearing a jacket, a black one. May isang tao rin pero nasa kabilang banda naman ito habang nakaupo rin sa bench. Nang makita niya ako, ngumiti siya saka kumaway ng bahagya. Nilapitan ko rin kaagad siya at tumabi sa inuupuan niya.
"Hi." bati niya.
Tinawanan ko siya ng mahina saka umiling. "Hello."
"Masakit pa katawan mo?" tanong niya saka tinignan ang balikat ko.
"Medyo nawawala naman na iyong sakit."
"Napasama pa yata iyong pag-aalok ko sa iyo na magsauna." Napahawak siya sa batok niya saka ito kinamot. "Sorry." Ibinaba niya rin naman ang kamay niya saka sumandal.
Sumandal rin ako saka tinignan ang babae sa kabilang banda. Tahimik lang ito habang nagce-cell phone. "No worries. Humihinga pa rin naman ako." biro ko saka ko siya siniko ng mahina. "Pero iyong sa mama mo, do you have any plans na? Iyong family mo, may inihahanda na ba for her?"
"Yeah, pero simpleng handaan lang. Medyo tight na kasi ang budget."
"Seb, sorry pero if you don't mind me asking, bakit ka nagco-condo kung hindi kayo ganuon kapera? I don't mean to sound rude or anything; hindi kita minamata or minamaliit pero naguguluhan kasi ako sa iyo pati sa decision mo na magcondo."
He told me his story earlier while we were in the sauna. He's also working and hindi ganuon kalaki ang sinasahod niya to afford the units here kaya nagtataka talaga ako. To think pa na sinusuportahan niya rin ang pamilya niya so may iba rin na napupuntahan ang sinasahod niya.
"Hindi ko ba nasabi sa iyo?" I just him with confusion dahil naguluhan ako sa sinabi niya. "I think namiss ko iyong part na ito pero hindi ako iyong nagbabayad para sa unit na tinitirahan ko. Sa pinsan ko iyon at nakitira lang ako dahil mas malapit rito ang trabaho ko. Pumayag rin naman iyon para daw may tumao sa unit. Nasa States kasi iyon tapos siya iyong nagbabayad para sa unit. Hinuhulugan niya lang ruon sa previous owner para hindi raw mabigat." He sighed bago nagkibit balikat. "Kung iisipin, para pala akong domestic helper s***h OFW. Iniwan ko iyong pamilya ko para lang makapagtrabaho at nang may maisuporta sa kanila."
I see. So iyon iyong missing piece sa kwento niya. Kasi kung sakaling siya ang nagbabayad, hindi niya talaga kakayanin. Pagsuporta pa lang sa pamilya niya, mauubos na pera niya, eh.
"You're a good son." pagpuri ko dito.
"Hindi naman." Tumawa siya ng mahina saka nilaro ang bangs niya. "May mga mali pa rin naman akong ginawa so siguro so-so ang pagiging good son ko."
"The fact pa lang na tinutulungan mo ang pamilya mo, patunay nang mabait ka. Isa pa, sinacrifice mo iyong experience na makasama sila para lang masuportahan sila." Tinapik ko siya sa ulo habang nakangiti habang nakatingin lang siya sa akin na parang tuta. His eyes are really expressive. Ang angas. "By the way, may ireregalo ako sa mama mo sa birthday niya pero dapat sa hapon ko ipakita since may pasok ako that day. Maghalf day na lang ako para sa birthday ng mama mo. Tapos-" Natigilan ako habang tinitignan ang mukha niya.
Tumikhim siya matapos iayos ang sarili at tumingin sa ibang direksyon. "So-Sorry. Hindi ko lang napigilan."
Nakagat ko ang ibabang labi ko at ang kamay ko, unconsciously, naiangat ko para hawakan ito. "N-No. It's okay."
"Sorry talaga. Hindi ko dapat ginawa iyon." Regret is written all over his face habang nasa ere ang mga kamay niya. Hindi siguro niya alam kung hahawakan niya ba ako o ano kaya nanatili ang mga iyon sa ere. "You... You just look so good, sobrang bait mo, ang cool mo magsalita tapos... tapos..." He let out a frustrated sigh saka itinakip ang dalawang kamay sa mukha niya. "I'm sorry, Gabby. Nawala lang ako sa sarili ko. Hindi ko sinasadya."
Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto. Pinakikiramdaman lang ang presensya ng bawat isa; ang pagtama ng malamig na hanging sa balat namin at pinanunuod ang paggalaw ng mga ulap.
I know na pinagsisisihan niya talaga ang ginawa niya. Halata naman sa mukha niya. Wala naman sa akin iyon; nagulat lang talaga ako. I do have a crush on him pero paghanga lang talaga iyon dahil sobrang good looking niya. Nothing more. Kaya nga ang dali para sa akin idismiss ang one-second kiss na iyon kasi wala lang talaga sa akin iyon. I know that he likes me kaya hindi ko masabi sa kaniya na wala lang para sa akin ang halik na iyon. I'm still considerate. Ayoko namang saktan siya by means of saying that.
"Hey," pagkuha ko sa atensyon niya. Mula sa pagkakatungo, marahan niyang iniangat ang ulo niya saka ako tinignan. Regret is still evident on his face. "Don't worry. Hindi ako galit." Ngitian ko siya saka ko niyakap ang sarili ko. Tinatablan na ako ng lamig.
"Sorry, ha? Hindi ko lang talaga napigilan."
"That's okay." pag-aassure ko rito para kahit papaano, mabawasan na ang iniisip niya. Should I say let's forget about it? Kaya lang alam kong masasaktan siya kapag sinabi ko iyon. Gah. It sucks to be good. "Pero tuloy iyong regalo ko sa mama mo."
"Ano ba kasing ireregalo mo?" tanong niya matapos niya umayos ng upo. Buti na lang nacompose niya na ang sarili niya dahil para na ulit walang nangyari base sa mukha niya.
"Secret. Pero okay lang ba kung dalahin mo mama mo sa unit ko? Duon ko na lang sana ipapakita sa kaniya. Hindi ba malayo bahay na tinitirahan nila?"
Sobrang hassle kasi kung pupunta pa mama niya para lang sa regalo ko. Iniisip ko tuloy kung ako na lang ang magdala ng regalo kaya lang may pasok kasi ako kinabukasan pagkatapos ng birthday celebration. Well I hope my gift is worth the hassle.
"Medyo may kalayuan pero gagawan ko ng paraan. Curious rin kasi ako sa ireregalo mo."
We stayed for a few more minutes bago kami bumalik sa kani-kaniyang unit. Tinawagan ko na rin sina Mama after ko mag-ayos ng kakainin. Nang dumating ang kinabukasan, dali-dali akong nag-ayos para sa pagpasok sa opisina. Muntikan pa nga akong malate dahil sa sobrang traffic.
I'm taking my first break now habang ang iba, lunch na. Kung hindi siguro ako nagpamove ng schedule, malamang lunch ko na rin. Pero mas okay na rin ang ganito. At least I wouldn't feel that lonely dahil sa katotohanang wala naman akong makakasabay sa lunch. Unless tanggapin ko ang alok ng amo ko sa pag-aaya sa akin ng lunch.
I don't want to stir any more issue kaya kahit tinanggap ko na ito bilang kaibigan, dumidistansya pa rin ako sa kaniya pero I'm making sure na hindi niya ito napapansin. Hindi man kasi sabihin ng amo ko, alam kong kinukuha pa rin talaga nito ang loob ko. Probably for him to be able to f**k me in the ass. Hello naman kasi; paanong hindi ko iisipin iyon kung sobrang lagkit niya akong tignan minsan.
"Hi," bungad ng katrabaho ko. I think her name's Kate. If I remember it correctly, siya iyong nasa pinakadulo nakastation, iyong malapit sa water dispenser.
"Hey," matabang na pagbati ko pabalik rito saka ito tinapunan ng ngiting hindi man lang umabot sa mga mata ko. I just don't feel like talking to her. Hindi ko alam kung tama ang interpretation ko sa pagtingin niya sa akin pero pakiramdam ko kasi, kapag nadadaan ako sa station niya, hinuhusgahan niya ako.
Naupo siya sa harap ko saka ako nginitian. "Ano... Gabriel, ilang buwan ka na kasi sa office pero parang sobrang layo mo sa amin."
Why won't I distance myself kung lagi akong pinagchichismisan?
"Kate, right?" Tumango ito kaya nakumpirma ko na tama nga ako sa pangalan niya. "I don't want to sound rude pero bakit ka lumapit sa akin? May kailangan ka ba?"
Bahagya siyang natigilan dahil sa tanong ko pero umiling rin kaagad bilang sagot. "Wala naman. Nahihiya lang kasi ako lapitan o kausapin ka kaya hindi ko makuhang lapitan ka para kausapin. Ang intimidating mo kasi, sa totoo lang. Isa pa, gusto ko sanang kaibiganin ka kaya lang parang sinasabi ng mga mata mo na wala kang interes every single time na magtatama ang mga paningin natin."
"Ganuon ba?" Hindi ito sumagot, bagkus ay nanatili lang na nakatingin sa akin. "Hindi mo ba alam iyong mga issue na naririnig ko rito? Hindi ka ba natatakot na baka madamay ka?"
Saglit siyang nag-isip pero ibinaling rin kaagad ang atensyon niya sa akin. "May mga naririnig ako pero hindi ko naman iniintindi. Kasi sino ba kami, o ako para manghusga kung hindi ka pa namin talaga kilala, hindi ba? Ang alam lang namin, anak ka ng mga artista. Mayaman ka. Iyon lang."
Nakuha niya ang atensyon ko kaya naisubo ko ng buo ang kinakain kong oreo at napaupo ng tuwid. Nabulunan pa nga ako kaya napatayo siya para tapikin ako sa likod pero nang maiayos ko na ang sarili ko at nakamove on na ako sa pag-ubo, tinignan ko siya ng maigi, checking if nagba-bluff lang ba siya para kuhanin ang loob ko o ano pero wala akong makitang trace ng kahit na anong pangloloko or what sa expression niya.
"Pero... bakit ngayon lang? Bakit ngayon ka lang lumapit para kausapin ako?"
I can't help but feel upset with her kahit wala naman akong karapatan. It's her choice kung gusto niya ba ako kaibiganin o hindi. It's her choice kung kailan niya ako gusto lapitan. Pero kasi, bakit ganuon? Bakit ngayon niya lang ako nilapitan? Dati ko pa gustong may lumapit sa akin bukod sa amo ko.
"Nag-ingat lang ako kahit wala akong pakielam sa mga sabi-sabi. Alam mo naman siguro na may bali-balitang nilalandi mo si Sir Robin, hindi ba?" Tumango ako dahil alam ko at naiinis rin talaga ako kahit papaano sa ginawa nilang issue na iyan. "Ibang klase ang mga tao rito kaya hindi muna kita nilapitan. Kaya lang, nakausap ko iyong mga kaibigan ko; sina John at Bryan? Tulad ko, wala rin talaga silang pakielam sa issue; talagang dumidistansya lang dahil mas gusto nila ng tahimik. Pero nang sinabi ko na gusto kita makilala talaga at maging kaibigan, sinabi nila na go for it. Wala naman raw mawawala. Huwag ko lang raw intindihin kung may issue na namang lumabas dahil sa paglapit ko sa iyo."
"So..." Huminga muna ako ng malalim matapos ko pumikit dahil hindi ko inaakalang may mag-aapproach pa sa akin para kausapin ako. Ang buong akala ko kasi, outcasted na ako rito sa office. "Gusto mo ba akong... maging kaibigan?"
"Oo naman. Pero depende sa iyo."
Tumango ako habang nakangiti saka ko inilahad ang pakete ng Oreo. Nakangiting kumuha siya ng isa saka iyon isinubo.
Finally- another addition sa mga kaibigan ko.
I had friends back then pero sobrang babaw ng pagkakaibigan namin ng mga iyon. Hindi ko na nga alam kung nasaan na sila. Parang naging kaibigan ko lang sila dahil magkakaklase kami pero iyong sabihin mo na sobrang lalim, like Drew and I's friendship? Hindi. Para lang naming kinaibigan ang isa't-isa out of convenience. So technically, para kaming naggamitan ng mga kaklase ko noon.
I hope that Kate and I's friendship wouldn't end up like that. Posible pero sana hindi mangyari. Iba na kasi talaga kapag nasa corporate world ka na. Magkakaroon na kayo ng kani-kaniyang buhay, pamilya at priorities kaya talagang mawawalan na kayo ng oras sa isa't-isa and that leads to broken friendships.
Growing up is so sad. Ang daming nawawala na dating umiikot sa buhay mo.
Sabay kaming bumalik ni Kate sa office. As expected, nakatingin na naman sa akin ang ilan, na may pagtataka sa mga mata. Iniwas ko na nga lang ang mga mata ko dahil ayokong tignan ang expression nila na parang nagtataka kung bakit may kasama ako habang masayang nakikipagkwentuhan.
Aba. Anong gusto nila? Forever alone ako?
"Gusto ko siyang katabi." bulong ko sa sarili ko pagkaupo ko sa harap ng station ko. Naramdaman ko na nakatingin ang dalawa kong katabi kaya tinanguan ko sila bago ako humarap sa PC ko para magsimula na sa trabaho.
Hindi ko alam kung puwede akong magrequest na lumipat ng station para maging katabi ko si Kate pero kung gagawin ko iyon, parang aabusuhin ko lang ang pagiging magkaibigan namin ng amo ko. Isa pa, kapag nalaman ng mga katrabaho ko na pumayag ang amo ko sa paglipat ko sa tabi ni Kate, mag-isip na naman sila ng kung ano. Baka sabihin pa nila, nakipagsex ako rito para mapapayag.
My god.
"Gusto kitang katabi." message ni Kate sa Skype.
Me too, Kate. Me too.