13

3622 Words
Gabby "Bakit ka umiiyak?" tanong ko kay Jade nang marinig ko ang paghikbi nito. "'Cause of Ari!" she shouted at nandito ako, natulala na lang sa screen ng cell phone ko. "I'm happy kasi nagrelease na siya ng new album! I got the copy; kakaship lang kanina. I woke up and I saw this baby!" "Aren't you being too emotional over an album?" Probably iyong preggy hormones niya ang nagkick in kaya siya ganiyan. I understand that she's a big fan kasi kahit ako, fan rin ako ni Ari pero not to the point na iiyakan ko ang album na nirelease nito. I'll just jump because of joy, ganuon lang. "How dare you?! Hindi lang ito album, Gabby!" "Okay- okay. Chill. Iyong baby mo." Napaikot ako ng mga mata saka bumuntong hininga nang marinig ko ang pagsigaw ni Drew mula sa kwarto. "Kailangan ko na muna umalis." "What? Whyyyyy?" "Iyong damulag rito, kailangan ng tulong ko." Bigla siyang tumigil sa pag-atungal at suminghot ng isang beses bago nagsalitang muli. "Kung hindi niyo lang klinaro na hindi kayo, iisipin ko talaga na kayo at naglilive in kayo. Well what's the diff? As to what Drew said, ikaw na lang naman hinihintay niya." "Sira. Sige na. I need to go." I ended the call saka tinungo ang kwarto ko. I saw Drew, sitting in the middle of the room, papers scattered around him. He looks frustrated but cute with his faux glasses on. Hindi ko maintindihan rito sa taong ito; hindi naman malabo ang mata pero gusto niya nakasalamin siya kapag nag-aaral para daw sapian siya ng talino. "What?" Tumingala siya para tignan ako saka iniayos ang salamin. "May hindi kasi ako maintindihan rito. Baka alam mo." He signaled na lumapit ako and I obliged. Tumabi ako sa kaniya saka tinignan ang itinuturo niya. My god. Math. "Ginagago mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. "Math? Talagang iyan ang itatanong mo sa akin?" He pouted saka inabot ang ballpen sa gilid niya bago nagsulat ng kung ano-anong number sa papel na ipinakita niya sa akin. "Gusto ko lang naman na katabi ka habang nag-aaral ako, eh." Napataas ang kilay ko habang pinanunuod siya sa pagsagot sa problems na nakasulat sa papel. And it looks like hindi niya kailangan ng tulong dahil tuloy-tuloy siya sa pagsusulat, na parang sigurado siya sa bawat numerong isinusulat niya. At bakit ang landi niya? "Mag-aral ka na nga lang riyan. Huwag kang puro kalandian." Umiling ako bago nagtangkang tumayo pero hindi pa man rin ako nakakabuwelo nang bigla niyang iniyakap ang kanang braso niya sa bewang ko habang ang kaliwa ay patuloy sa pagsusulat. "Stay." bulong niya saka hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko. "Fine." I sighed bago ko inialis ang pagkakapulupot ng braso niya sa akin saka ako pumunta sa likuran niya at sumandal ruon. Hindi ko na lang siya inintindi at hinayaan na sa pag-aaral niya. Hindi ko na nga lang kinwestiyon ang dahilan kung bakit siya nanggagambala na naman sa unit ko kahit pa alam niyang kauuwi ko lang galing opisina dahil alam ko na may hindi na naman magandang nangyari sa bahay nila. His family might look like a perfect one but it isn't. Si Tito, sobrang strict; kaya nga maagang nag-asawa ang kuya nitong si Drew, si Kuya Daniel, at least that's what he told me. Si Tita naman, madalas silang bungangaan dahil lang sa simpleng bagay, na siyang nagiging dahilan ng pagtatalo nilang mag-asawa. I don't blame him kung bakit mas gusto niya pa madalas tumambay rito sa unit ko. Siguro nga, kung papipiliin siya, mas gugustuhin niya na lang magstay rito kaysa sa bahay nila. Iyan naman palagi ang complain niya sa akin kapag magulo na naman sa kanila. Isa pa, he looked really exhausted nang pagbuksan ko siya ng pinto kanina. I offered him foods pero tumanggi siya. Knowing him? Patay gutom siya kaya you'll really know kapag wala siya sa mood. Base sa nakikita ko sa bintana, na hindi man lang isinara nitong kasama ko, gabi pa rin. Nasa sahig pa rin ako pati na rin siya. Tulog na tulog ito habang ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Balot na rin kami ng kumot at may unan kaming hinihigaan kaya hindi ko maiwasang mag-isip. Kaya naman kasi niya akong buhatin. Ilang beses niya na akong binuhat kapag nakakatulog ako na wala sa kama. Ngayon, instead na buhatin ako, hinayaan niya lang ako sa sahig habang katabi siya pati na ang notebooks, mga libro at mga papel sa likuran niya. Buti na lang carpeted ang sahig dahil kung hindi baka sumakit na ang katawan namin. Aalisin ko na sana ang kamay ko na hawak-hawak niya pero bahagya itong humigpit kaya hinayaan ko muna at nang kumalam na ang sikmura ko, hinila ko na nang tuluyan ang kamay ko. Kinuha ko ang cell phone ko na nakakalat lang rin sa sahig saka tinignan ang oras, only to find out na madaling araw na. It's 4AM. I only slept for 6 hours. Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng almusal. I need to prepare breakfast. Hahayaan ko na muna magpahinga ang isang iyon. Gustuhin ko man siya buhatin papunta sa kama, hindi ko kaya dahil ang laki niyang tao. "Good morning," bati ko rito nang lumabas ito mula sa kwarto. Nasa salas lang ako habang nanunuod ng random Vines sa YouTube. I just want to start my day with a smile kaya naisipan ko manuod nito. Kaya lang, sa itsura pa lang ng lalakeng naglalakad papalapit sa akin, grabeng ngiti na ang umuukit sa mga labi ko, eh. Paano ba naman, para siyang sinabunutan dahil ang gulo-gulo ng buhok niya tapos ang likod ng palad niya, ginagamit niya para kusutin ang mga mata niya at ang isa, nakapasok sa loob ng sando niya para kamutin ang tiyan niya. "Good morning," bati nito pabalik matapos humikab. Iniwas ko ang tingin ko dahil sa isang bagay na nakita ko, na siyang nagpainit ng mukha ko. Evident na evident sa suot niyang pajama ang morning wood niya. My god. Why do You bless me this early, God? "Magcr ka na muna." "Ha?" Inilapag ko ang cell phone ko sa center table para magpalaman ng margarine sa tinapay. "Look down." sagot ko kahit nag-iinit na ako sa loob-loob ko. I hope he gets what I'm trying to say dahil kapag hindi niya pa ico-conceal iyan, baka wala sa sariling talunan ko na lang siya bigla. "Ah." balewalang sagot niya saka humiga sa sofa na inuupuan ko. Ginawa niyang unan ang hita ko saka hinablot ang kamay ko na may hawak na kutsara. Inialis niya ang kutsara sa kamay ko saka sinakop ang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya. "What are you doing?" "Don't English-ing. Ang aga." Tumungo ako para tignan siya dahil naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin. At tama nga ako, nakatitig siya sa akin at para siyang nagtataka base sa ekspresyon niya. "Hindi ko gets." "Ang?" "Kung bakit sa rami ng tao at babae na naging girlfriend ko, sa iyo pa ako na-in love." Unti-unti niyang isinara ang mga mata niya bago bumuntong hininga. "Ang weird talaga." "Ikaw ang weird. Ang aga-aga, ang landi-" "I'm not complaining though." Muli niyang iminulat ang mga mata niya saka ako tinignan sa mga mata habang nakangiti ng bahagya. "I'm happy kasi sa iyo ako na-in love." Binitawan niya ang pagkakasakop ng mga kamay niya sa kamay ko saka bumangon para umupo. "Sorry. Ang aga, sobrang corny ko." Nagkamot siya ng batok saka tumayo at dumiretso papunta sa banyo. Nakatulala lang ako sa likod niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko habang dina-digest ng utak ko ang mga salitang binitawan niya. Sobrang bilis na rin ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy, tumakbo sa marathon dahil bukod sa puso ko na sobrang bilis ng t***k, para na rin akong hinihingal dahil paulit-ulit na malalalim na paghinga ang binibitawan ko. Hindi pa rin talaga ako nasasanay sa ka-sweet-an niya. Alam ko sa sarili ko na sweet siya pagdating sa akin kahit noong hindi ko pa alam na may gusto siya sa akin pero ngayong nalaman ko, parang iba na impact sa akin ng sweetness niya. Para na akong hinihila palapit sa kaniya. I decided to text Tita about her son. Katext ko ito kanina at alam niya na dito pumunta ang anak niya. Humingi lang ito ng pasensya dahil sa pangbubulabog ng anak niya at itong bagong message niya ay pakiusap na sabihin na kay Drew na umuwi na ito. -- "Ganuon ba?" sagot ko habang nakatingin sa mga mata ni Seb. Tumango ito habang malungkot na nakatingin sa akin. "Pasensya na talaga. Hindi kasi pumayag ang mga kapatid ko na pumunta rito si Mama dahil sa layo; natatakot kasi sila na baka atakihin ito kapag ibinyahe papunta rito." Hinawakan ako nito sa magkabilang kamay habang kagat ang ibabang labi. "I'm so sorry." "Nah, that's okay. Iniiwasan lang naman nila na mapahamak ang mama mo. Ako nga dapat magsorry kasi kahit na sinabi mong malayo, sinabi ko pa rin na papuntahin rito." Ikinalas ko mula sa pagkakahawak niya ang mga kamay ko saka siya tinapik sa balikat. "Wait here." Bumaba ako mula sa rooftop at bumalik sa unit ko. Nadatnan ko sina Mama at Papa na nakaupo sa sofa ko habang nanunuod pero hindi ko na lang muna sila pinansin at dumiretso sa kwarto ko para kuhanin ang regalo ko para sa magulang ni Seb. "Gabriel, akala ko ba pupunta rito?" tanong ni Mama pagkalabas ko sa kwarto. Patakbo akong lumapit sa kanila saka kinuha ang mga dala nilang regalo. "Be right back po!" Hindi ko na lang muna pinansin ang pagkalito nila saka ako lumabas para bumalik sa rooftop. "Ito. Ibigay mo sa kaniya kapag nagkita kayo." Inilahad ko ang mga regalo namin saka siya nginitian kahit medyo hinihingal pa ako. "Nako. Sana hindi na kayo nag-abala." He still took it though with hesitation. "Pero maraming salamat. For sure, magugustuhan niya ang mga ito; lalo pa't galing ang dalawa rito sa mga magulang mo." Inilapag niya muna ang mga regalo sa paanan namin saka ako niyakap ng mahigpit. "Thank you so much, Gabby. Kung alam mo lang gaano niyo mapapasaya si Mama." Gamit ang isang kamay, tinapik ko ng ilang ulit ang likod niya hanggang sa kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. "No worries." Naghiwalay na kami pagkalabas niya sa elevator at ako naman ay pabalik na sa unit ko. Inaaya ko nga siya kaya lang nahihiya raw siya kina Mama dahil sa istorbong dinulot niya. Sabi ko nga, wala naman siyang dapat ikahiya dahil ako naman ang gumawa ng mga ito para sa Mama niya. Kaya lang iniinsist niya talaga na nakaistorbo siya sa schedule ng mga ito dahil alam niya raw na mahalaga ang oras ng mga artista. Bukod kasi sa regalo ko sa magulang niya, nanghingi ako ng oras nina Mama at Papa para lang masurprise ang mama niya. Isa pa, kaya ko rin pinush ang surprise na ito dahil alam kong namimiss niya na ang mama niya. Nahalata ko kasi na sobrang sigla niya kapag nagkukwento siya tungkol sa pamilya niya. Sobrang family oriented niya, na sobrang kabaliktaran ko dahil ako nga, iniwan ko ang pamilya ko dahil lang sa pride; dahil lang may gusto akong patunayan. "Akala ko ba imemeet namin iyong mama ng kaibigan mo?" tanong ni Papa pagkaupo ko sa tabi ni Mama. Inialis ni Mama ang pagkakayakap niya kay Papa at inilipat sa akin kaya nakangiting niyakap ko rin ito pabalik. I missed her; I missed them. "Hindi raw po pinayagan pumunta. Matanda na kasi; mahihirapan daw kapag ibinyahe." "Sayang naman iyong plan mo." Kumalas si Mama sa pagkakayakap sa akin saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Boyfriend mo?" Nanglaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. How did she come up with that idea? "Hindi po. Bakit niyo naman naitanong?" "Ang effort mo, eh." sagot ni Papa bago ako nito tinaasan ng kilay. "You wouldn't do this kind of surprise if that guy is not just someone for you." Oo nga naman. Now that I think about it, ang eksaherada nga ng surprise ko para sa magulang ni Seb, to think na hindi ko pa ito nakakausap or nakikita. Isa pa, with my actions, hindi ba parang pinaasa ko iyong tao? I mean, I know how he feels for me. With his actions, it justifies how much he loves me. He's not just a guy that wants to get into my pants. He doesn't want to tap my ass; he wants to tap my heart. Ang gago ko pala kung iisipin. He's been nothing but good to me pero heto ako, pinaaasa siya. Sinagot ko pa naman siya na pag-iisipan ko nang tanungin niya ako kung puwede ba niya akong ligawan. Parang lumalabas tuloy na pinagsasabay ko ang pagpapaasa sa kanila ni Drew. I know to myself na hanggang kaibigan lang ang kaya kong i-offer kay Seb. I already established that simula nang magkaroon na ako ng super kaonting nararamdaman kay Drew. Let's say that nasa 10% na ang nararamdaman kong pagmamahal sa kaibigan ko nang i-establish ko ang pag-iisip na hanggang kaibigan lang ang kaya ko ibigay ko kay Seb. Noong una, gusto ko siyang jowain. Siguro dala na rin ng kasabikan. Pero recently, naiisip ko, hindi ko na gusto iyong idea na may iba akong boyfriend. Mas natutuon na ang pag-iisip ko kay Drew bilang other half ko. I've been in denial; I know that. Ang rami kasi ng mga bagay na umiikot sa utak ko kaya hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto ko. -- "Emergency meeting." I pressed send saka ako bumalik sa pagbibihis pero nakatutok pa rin ang mga mata ko sa groupchat namin nina Lory, Mads, Jade at Drew. "Bakit? Punta na ako, Gab." tanong ni Drew kaya nabitawan ko ang shorts ko at dali-daling hinablot ang cell phone ko. "No, don't. Girls talk." "Bkt? Ano bang meron?" "Emergency bebe?" "May place kayo? I need to talk to you guys." "Why not sayo Jade tutal pumasok naman asawa mo at kagabi ka pa bored." suhestiyon ni Lory kaya hinintay ko ang reply ni Jade. "I don't know." sagot ni Jade kaya napasimangot ako. "Ateng emergency daw hindi ako pede ngayon nasa office ako." "Free ako. Sasama ako sa meeting na yan." "Mads, thanks." Ipinagpatuloy ko ang pagsusuot sa shorts ko matapos ko magpasalamat. Sunod na hinablot ko ang tshirt ko habang hindi pa rin iniaalis ang paningin sa screen ng cell phone ko. "Sige na nga. Kung hindi ko lang kayo mahal." "So... OP ako? Ganuon?" Hindi ko mapigilang matawa dahil sa message ni Drew at hindi ko mapigilang asarin ito. Isinend ni Jade ang address ng bahay niya kaya nang makapagbihis na ako, umalis kaagad ako sa condo. Inuna kong kitain si Mads para maisabay na at nang hindi na siya mag-aksaya ng pamasahe at para na rin may makausap ako habang papunta sa bahay ni Jade. Tinatanong niya nga ako nang tinatanong kung ano iyong pag-uusapan pero hindi ko muna ipinaalam at sinabing malalaman niya rin kapag magkakasama na kami. We arrived at Jade's house kaya binayaran ko na ang taxi driver bago ako nagdoorbell. Napansin ko na medyo uneasy si Mads pero hindi ko na lang inintindi dahil inisip ko na lang na baka nababanyo na. Jade opened the gate for us at namangha naman ako sa laki ng bahay. May front yard sila na sobrang daming tanim na iba't-ibang klase ng halaman. The house itself is huge. It's not as big as ours pero enough ang laki para sa dalawa o tatlong pamilya. Pagkapasok namin, hindi ko inaasahan na sobrang dull ng itsura ng bahay. Glass wall ang pader sa harap kaya iniisip ko na maganda rin ang loob. Isang malaking ceiling fan ang nasa gitna ng kisame. Creamy white ang kulay ng bawat pader ng bahay. Ni walang portraits sa mga dingding. Sala set ang nasa gilid at kusina naman ang sa kabilang sulok. At ang likod ng counter ng kusina ay hindi gaanong kalaki na glass table pati na dalawang upuan sa magkabilang gilid nito. Sa sobrang dull ng bahay, mapagkakamalan mong walang nakatira dito. I don't want to offend Jade kaya minabuti ko na lang na huwag magsalita. Ewan ko kung maarte lang ako o talagang ganuon ang bahay. Ultimo si Mads na sobrang daldal, tahimik rin habang inililibot ang paningin. "So what's the emergency meeting all about?" tanong ni Jade matapos niya iabot sa amin ang orange juice. Nakapaglapag na rin siya ng wafer and cookies as snacks dahil mukha raw kaming matatagalan sa pag-uusap. "And why isn't Drew with you guys?" Umupo siya sa gilid ko habang hawak ang tiyan niya kaya napagitnaan na nila akong dalawa. "Tungkol sa kaniya, actually." pag-amin ko saka ako uminom sa basong hawak ko. "Kaya nga sabi ko, girls talk." "May nangyari ba?" Kumuha si Mads ng wafer saka ito ipinasak sa bibig niya. "I'm confused kasi." "My god. Pinalilibutan ako ng dalawang conyo." Sinamaan siya ng tingin ni Jade bago tinawid ang distansya nila saka kinotongan kaya sinamaan niya rin ito ng tingin. "Saan?" sabay na tanong nila. I exhaled bago inisip kung dapat ko pa ba itong sabihin sa kanila pero dahil kaibigan ko na sila, okay lang naman siguro. Isa pa, mabibigyan nila ako ng payo kung sakali. "I love Drew back then. Second love ko siya." Shock registered in their faces but I dismissed thinking about their reaction and continued. "I moved on dahil akala ko wala naman patutunguhan ang feelings ko sa kaniya. He was as straight as a ruler back then-" "Pero nabebend ang ruler kahit gaano pa ito kastraight." pagpuputol ni Mads sa sinasabi ko. "Okay. As I was saying, straight siya and as to what he said, I'm the reason why he's gay now. Sa akin lang siya nagpakabakla." "Which is nakakakilig-" "Mads, I swear to God, if you don't shut up, I'll kick you out!" sigaw ni Jade kaya inirapan niya ito. "Continue." "Long story short, he's now courting me. And with each passing day, sa mga pasabog niya, I can't help but feel something towards him. I'm starting to like him again." Tumayo saka pumihit para kaharap ko pa rin sila and they both look confused. "Isn't that good?" tanong ni Jade. "Anong kailangan mong tulong at nasabi mong emergency ito? Hindi naman emergency ito, kung tutuusin. He loves you at nagugustuhan mo na siya. What's wrong with that?" "To be honest? Natatakot ako. As you can see, biologically, I'm a guy. Paano kung hindi ko maibigay lahat ng pangangailangan niya?" "You have your ass and wand, Gabby-" "Oh, my god, Jade!" sigaw ni Mads habang nanglalaki ang mga matang nakatingin kay Jade. "Sa iyo pa talaga nanggaling iyan!" "What? He has an ass and his lightsaber if he's worried about their s*x life." Inikutan niya ito ng mata bago ako tinignan ulit. "I don't understand, Gabby. What are you worried about?" "I'm gay. What if kutsain siya ng mga tao sa paligid niya dahil pinatulan niya ako? I wouldn't be able to give him a child. What if magregret siya dahil mas pinili niya mamuhay kasama ang bakla kaysa sa totoong babae dahil sa mga masasamang bagay na ibabato sa kaniya ng lipunan? What if I wouldn't be able to give him what he wanted? What if hindi gusto ng parents niya ang idea na magkakaroon siya ng jowa or asawa na bakla? Hindi siya sanay na bakla ang jowa niya." "Babe," Tumayo si Jade saka ko hinila paupo bago siya naupong muli. "What he wants is you." "I know. Pero what if nga, hindi ba?" "Gets ko siya." Napatingin kaming dalawa dahil sa sinabi ni Mads. "Sa iyo lang naman siya nagpapakabakla, hindi ba? Hindi siya totally gay or bi para sabihin na kakayanin niya mamuhay kasama ang kalahi niya. What if maghanap nga naman siya ng iba dahil narealize niya na babae talaga ang gusto niya, hindi ba? Tandaan niyo, base sa mga kwento niyong dalawa ni Drew sa amin, para siyang 95% straight at 5% gay dahil sa iyo lang naman siya nabakla. Ni hindi nga siya attracted sa mga lalake, sabi niya." Natahimik kaming tatlo dahil sa sinabi ni Mads. Hindi dahil sa number na binanggit niya kung hindi dahil may punto siya at nakuha niya ang ibig ko sabihin. Sobrang bothered kasi ako sa magiging future namin ni Drew kaya siguro hindi ko totally mai-give in ang sarili ko sa kaniya. Madali naman kasing magustuhan si Drew kaya kaonting pasabog lang nuon sa akin, alam kong mababaliw na naman ako rito. Hindi niya pa nga ako nilalandi noon, hulog na hulog na ako. What more pa kaya ngayong gusto niya ako tapos panay pa ang panglalandi sa akin? "Pero, Gabby, life is short." Napatingin ako kay Jade nang magsalita siya ng sobrang hina. "Enjoy your life right now without worries. If you're starting to love him, then be with him; give in. I'm sure kinakabahan rin iyon sa magiging desisyon mo para sa iniyo. I know that he wants to be with you. He loves you so much kaya pati kami nina Lory at Mads, kinukulit niya para tulungan siya for him to get you." "Pero..." "Stop with the peros. Baka dahil riyan, magsisi ka sa bandang huli. Be selfish for him. Be selfish for your happiness." I guess... I guess I'll be selfish just this once. I'm sorry in advance if I'll ruin your life, Drew. But I decided; I'll give in.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD