14

3229 Words
Gabby "Hi." nakangiting bungad ko kay Seb. Katatapos lang ng shift niya at sinadya ko talaga na puntahan siya sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya. Kinailangan ko pa nga agahan ang lunch ko para lang maisabay sa lunch niya. Kaya kahit isang oras pa lang ang nakakalipas nang dumating ako sa office, nagpaalam kaagad ako kay Robin na aagahan ko ang lunch ko dahil may kailangan akong gawin at super urgent nito. Yeah. Urgent. Since I already decided to give Drew and I a chance, I want to make thing clear between Seb and I. He's a good friend kaya hindi kakayanin ng kunsesya ko kapag pinagpatuloy ko ang pagpapaasa rito. He's a good guy; he doesn't deserve to get hurt. "Gabby," Ngumiti ito pabalik sa akin at inaya ako sa gilid ng shop dahil may mga upuan naman na puwedeng pagpwestuhan ruon. I obliged dahil kailangan ko rin ng sariwang hangin para makahugot ako ng lakas ng loob. "So..." Naupo siya sa kaharap na upuan ko kaya naupo na rin ako. Bakas sa mukha niya ang matinding saya dahil sa pagbisita ko sa kaniya rito. Ang hindi niya alam, narito ako para saktan siya. "Ano iyong sasabihin mo? Mukhang importante, ha? Napasugod ka pa talaga rito." matawa-tawang sinabi niya. "It's about us." panimula ko saka ako napalunok ng laway dahil sa kaba. Hindi ako sanay sa ganito. Pakiramdam ko, pagpapawisan na ako anytime soon. Lalo siyang napangiti saka ako hinawakan sa magkabilang kamay. "S-Sasagutin mo na ako?" Oh, my god. Dahil sa karupukan at kalandian ko, makakapanakit ako ng tao. Unti-unti kong hinihila ang kamay ko pero mas hinihigpitan niya ang paghawak sa mga ito. Ang magkabilang kilay niya ay nagsalubong na rin matapos niya tignan ang mga kamay ko. Ang buong sigla na ekspresyon niya kanina ay napalitan ng pagtataka kaya nang tignan niya ako sa mga mata, salubong pa rin ang mga kilay niya. "Anong problema? Masama ba pakiramdam mo?" "N-No." Nang mahila ko ang mga kamay ko, nailabas ko ang hanging hindi ko alam na hindi ko pa pala naibubuga. "Nandito ako kasi gusto kong itigil mo na iyong pangliligaw-" "No." matigas na sinabi niya saka umayos ng upo. "What do you mean no?" "No." Sarkastiko siyang tumawa saka umiling ng bahagya bago ako tinapunan muli ng tingin. "Wala akong gusto marinig sa iyo ngayon. Kung gusto mo ako kausapin tungkol sa atin, duon tayo sa unit ko." "Pero, Seb, importante-" "Hindi importante iyan. At kahit magsalita ka riyan, wala akong pakielam dahil hindi kita pakikinggan." Sinamaan niya ako ng tingin at akmang tatayo na siya pero pinigilan ko sa pamamagitan ng paghawak sa magkabila niyang kamay. Tinignan niya ang mga kamay ko saglit bago itinapon ang atensyon sa akin. "Hindi ka ba nag-iisip, Gabby? Talagang sa oras ng trabaho mo sa akin ibabato iyang bomba na iyan?" Lumuwag ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya kaya kinuha niya ang oportunidad na iyon para tumayo at iwanan ako. Naisapo ko ang magkabilang kamay ko sa mukha ko saka ko napagdesisyunang bumalik na sa opisina ko. Sa buong pagsstay ko sa trabaho, siya lang ang nasa isip ko dahil alam ko na tulad ko, ang pag-uusap mamaya ang iniisip niya. Mali naman kasi talaga ang ginawa ko. Bakit ko ba naman kasi siya pinuntahan habang may shift pa siya? Minsan talaga ang sarap saktan ng sarili ko. Alam kong kailan ko lang talaga nakilala si Seb kaya marami pa akong hindi nakikitang ekspresyon niya pero iyong ipinakita niya sa akin kanina? Para siyang nag-ibang anyo dahil hindi ko halos makilala kung siya ba ang kaharap ko o ano. Hindi niya pa ako tinitignan ng ganuon kasama; talagang kanina lang dahil may karapatan siya. Sugurin ko ba naman siya para lang sabihing tumigil na, magagalit talaga siya. Kahit sino naman siguro, magagalit. Baka nga pumatay pa ang makaranas ng pinaranas ko kay Seb. Gabi na nang makauwi ako. Nagmessage na rin ako kay Seb na nakauwi na ako at magbibihis lang bago ako pumunta sa unit niya dahil duon niya sinabi na mag-usap kami. Wala akong nakuhang reply mula sa kaniya kung hindi isang blank message kaya hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Alam ko kasi na alam niya na ang pag-uusapan namin at alam ko rin na ngayon pa lang, nasasaktan na siya. Sometimes I wonder why I tend to hurt the people around me. Kasi kung ganito nang ganito, hindi ko na talaga maiaalis sa isip ko na burden ako sa lahat ng tao. Dahil lang sa mga katangahan at desisyon ko, nakakapanakit at nakakapagpahirap ako. Kinakabahan man, alam kong kailangan ko harapin si Seb at ang galit niya. Hindi ko siya huhusgahan; pagsalitaan man niya ako ng masasakit na salita, tatanggapin ko at hindi ako manlalaban dahil kaparatan niyang gawin ang mga iyon sa akin. "Pasok." balewalang bungad niya matapos niya ako pagbuksan ng pintuan. Nakaset sa dim ang mga ilaw kaya hindi ganuon kaliwanag ang kabuuan ng unit at tanging ang sala lang ang may ilaw dahil ang parteng kusina ay madilim. Nang paupuin niya ako sa sofa, nakita ko ang dalawang klase ng inumin; hindi ko alam kung alak o wine, pati na ang dalawang champagne glass. "Mag-iinom tayo?" takang tanong ko dahil alam kong parehas kaming may pasok kinabukasan at pagod sa kani-kaniyang trabaho kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya naglabas ng ganito. "Pareho tayong may pasok bukas, ha?" Nagkibit balikat muna siya bago umupo sa katabing umupan ko, iyong pang-isahan. "Ayos lang." Nagsalin siya sa isang baso bago iniabot sa akin. "Heto." "Pero, Seb-" "Kuhanin mo na." mahinang pakiusap niya. At dahil sa awa sa hitsura at tono ng boses na ginamit niya, wala akong choice kung hindi tanggapin ang inaalok niya. "Okay lang ba na pag-usapan na natin?" tanong ko matapos ko ibaling ang atensyon ko sa kaniya. "Puwede bang uminom muna tayo kahit kaonti bago natin pag-usapan?" Napaawang ang bibig ko at napansin niya ang hesitation sa mukha ko kaya dinala niya ang palad niya papunta sa hita ko. "Please?" I sighed in defeat. Sasakyan ko na lang ang gusto niya para matapos na ito at nang matigil na siya sa pag-aasam na may kahihinatnan ang pangliligaw niya sa akin. Tinignan ko muna muli ang baso ko bago ko ito ininom. At nang malasahan ko ito, nalaman kong alak pala ang pagsasaluhan namin ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit para siyang lasing kahit kaonti pa lang ang iniinom namin. Panay kasi ang kuwento niya habang ako, nakatungo habang nagkukunwari na nakikinig. Ni hindi ko nga sinasagot ang tanong niya dahil gusto ko na talaga pag-usapan ang tungkol sa amin. Hindi naman porque patitigilin ko na siya sa pangliligaw ay hindi ko na siya kakaibiganin. Again, wala naman siyang ibang ipinakita sa akin kung hindi kabutihan. Kapag kailangan ko siya, nagmamadali lagi siya pumunta sa tabi ko. Alam ko rin na sa parteng ito, frine-friendzone ko siya pero that's still better than nothing, right? Alam kong masakit sa part niya kaya kung hindi niya tatanggapin, wala akong magagawa kung hindi respetuhin ang desisyon niya. "Nakakalahati na tayo, Seb." pagpuna ko habang nakatingin sa bote ng alak. "Ayos lang iyan. Uminom pa tayo." Tumawa siya ng bahagya saka muling ipinatong ang palad sa hita ko. Nakashort lang ako kaya nararamdaman ko ang init ng palad niya. Mula sa pagpatong, napunta sa paghagod ang kamay niya kaya hindi ko mapigilan ang umatras. Alam ko na ang ibinibigay niyang signal pero hindi iyon ang ipinunta ko rito. Mukha siyang dismayado habang nakatingin sa kamay niya na ipinanghawak niya sa akin bago ito binawi. Hindi ko maiwasang maawa lalo sa kaniya dahil sa itsura niya. "Seb," Muli akong lumapit sa kaniya matapos kong ilapag ang baso ko sa center table. "Let's talk." Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago ako tinignan sa mga mata habang nakangiti ng bahagya. "Puwede bang ikuha mo muna ako ng tubig?" Nagtaka ako dahil may isang pitsel kami ng tubig sa lamesa. Akmang sasalinan ko siya sa isang baso nang pigilan niya ako. "Iyong maligamgam sana." Tumango ako pagkalapag ko ng hinawakan kong pitsel saka ako tumayo para pumunta sa kusina. Medyo natagalan ako sa dahil nakapatay ang dispenser kaya kinailangan ko pa itong buksan at hintaying uminit ang tubig rito. Nang makuha ko ang pakay ko sa kusina ay bumalik na ako sa sala at iniabot ang baso sa kaniya. "Here." Nakangisi niya itong tinanggap saka inilapag sa lamesita. "Thanks." Iniabot niya sa akin ang baso ko na ngayon ay halso kalahati na ang laman. "Inom na." "Seb-" "Inom na. Mahaba pa ang gabi; puwede pa natin pag-usapan ang ipinunta mo rito. Promise, makikinig ako. Sa ngayon, uminom ka muna." Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na baso saka ito dinala sa harap ng bibig ko para inumin ang alak na ibinigay niya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang inumin ito. Why does he keep on avoiding the reason as to why I came here? Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis sa kaniya o ano pero naalala ko na ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako manlalaban dahil kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi sana ako lumandi, edi wala kami sa sitwasyong ito ngayon. I drank another glass bago ko naramdaman ang tama ng alak. Pakiramdam ko rin, sobrang lutang na ako at ang paligid ko, parang umiikot na. Unti-unti ako nakaramdam ng matinding init kaya naisipan kong alisin ang tshirt ko pero bago ko ito hinawakan para hubarin, tinignan ko muna si Seb. Nakatingin lang ito sa akin habang nakangiti. "Ang init, Seb. Hubarin ko lang, puwede?" "Oo naman." Pabulong ko itong pinasalamatan bago ko hinawakan ang laylayan ng tshirt ko at tuluyan ko na itong hinubad. Wala na akong pakielam kahit topless ako sa harap niya; gusto ko lang mapreskuhan dahil ang tindi ng init na nararamdaman ko, to the point na gusto ko na lang maghubo't hubad dahil parang hindi ko na kinakaya ang init na bumabalot sa buong katawan ko. Tumayo ako pero napaupo rin dahil sa pagbagsak ko. Naiihi ako; kailangan ko ng tulong. Hindi ko kayang tumayo mag-isa dahil umiikot na ang paningin ko. "Help." Nakangiting inilahad ko ang dalawang braso ko sa kaniya. Halos pikit na ang mga mata ko, sa pag-aasam na mabawasan ang pakiramdam kong ito. Naramdaman ko ang pag-akay niya sa akin; ipinatong niya ang braso ko sa balikat niya bago ako inalalayan tumayo. "Kaya mo pa ba?" matawa-tawang tanong nito habang inaalalayan ako sa paglalakad. "Ang init, Seb. Bakit ganito?" Mahinang tawa lang muli ang narinig ko sa kaniya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya pilit kong iminulat ang mga mata ko para hanapin ang bowl dahil sasabog na ang pantog ko. "Kaya mo bang umihi mag-isa?" Tumango ako kahit hindi ko rin sigurado sa sarili ko kung kaya ko sa lagay kong ito. Sinubukan ko siyang itulak palabas pero nang bitawan niya ako, muntikan na akong tumumba kaya kaagad rin niya akong kinapitan para alalayan. "Hindi ko kaya." He just stood there, looking at me. Para akong pagkain na gustong-gusto niya sunggaban base sa pagtingin niya sa akin. Or maybe I'm just so drunk kaya ganuon ko nakita ang mukha niya. I don't care anymore. I need to release this pee. "Help." Ngumisi siya saka inilapat ang palad niya mula sa dibdib ko pababa hanggang sa basketball shorts ko. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan dahil hindi iyan ang tinutukoy ko sa paghingi ng tulong. Umiling ako pero hindi niya ako inintindi at ibinaba ang short ko, leaving my brief exposed. Matinding init ang lalong bumalot sa akin nang ilapat niya ang palad niya sa hinaharap ko. Halos magmakaawa na ako para lang ibaba niya na ang brief ko nang makaihi na ako at laking pasasalamat ko dahil marahan man, ibinaba niya rin ito. Inahawak ko ang isa kong kamay sa pader para may kaunting suporta ako. Hindi ko na inintindi na siya na ang humawak sa ari ko at pinakawalan ko na ang dapat pakawalan. Nang matapos na ako, nanatili lang siyang nakatayo habang ganuon pa rin ang puwesto namin. Naramdaman ko ang unti-unting paggalaw ng kamay niya habang hawak pa rin ang ibabang bahagi ko kaya napakunot ang noo ko dala ng pagtataka. "Gabby," pagkuha niya sa atensyon ko kaya ibinalik ko sa kaniya ang mukha ko at saktong pagkaharap ko, sinalubong niya ako ng halik. Nawala lalo ako sa katinuan dahil sa halik na iginawad niya. Para siyang sabik na sabik at habang tumatagal ay hindi ko magawang itulak siya dahil ang tanging nasa isip ko lang ay kung gaano ito kasarap sa pakiramdam at kung gaano ko gustong ilabas ang init na kumakain sa buong sistema ko. Kinaumagahan, hindi ko siya nadatnan sa tabi ko. Nanatili akong nakaupo habang iniinda ang sakit ng ulo ko. Gusto kong ibagsak ulit ang katawan ko sa kama pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay makakatulog ako. Mas mahalaga ngayon ay kung ano bang nangyayari ngayon. Parang binura sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. Ang natatandaan ko lang ay ang pagbato niya sa akin sa kama at kung gaano siya karahas habang inaangkin ako. Alam ko na nakatulugan ko siya, dala siguro ng pagod at kalasingan. Pero ang ipinagtataka ko, mataas ang alcohol tolerance ko kaya paano ako nawala sa sarili nang ganuon-ganuon na lang? Nakalahati lang namin ang alak kaya paanong wala ako sa sarili matapos ko inumin ang alak na ibinigay niya pagkatapos niya ako utusang kumuha ng tubig. Kaagad akong napatayo at parang nawala ang hilo ko dahil sa naalala ko. Ibinalot ko ang kumot sa ibabang parte ng katawan ko at pumunta sa sala. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin mula sa kusina pero hindi ko siya pinansin dahil may kailangan akong hanapin. Nang makita ko na malinis na ang center table, nadismaya ako dahil alam ko sa sarili ko na may kakaiba akong nakita kagabi, na siyang isinawalang bahala ko dala ng impluwensya ng alak. "Where is it?" tanong ko nang makalapit siya sa akin. "Iyong ano?" Iniwan niya ako saglit para isara ang mga bintana bago bumalik sa harap ko. "Alam kong may ginawa ka kaya para akong lantang gulay na nag-iinit kagabi." Namuo ang galit sa dibdib ko dahil pinakitaan niya ako ng ekspresyon na parang wala siyang alam tungkol sa sinasabi ko. "Don't play stupid, Seb! Anong ginawa mo?!" "Nakipagsex sa iyo?" patanong na sagot niya saka ngumiti na parang nakakaloko. "Napasaya mo ako. Hindi ko alam na sobrang wild mo pala." Hinawakan niya ang pang-upo ko kaya nanlaki ang mga mata ko. "Masakit pa ba?" Itinulak ko siya kaya napaatras siya ng bahagya at kasabay nuon ay ang pagsasalubong ng mga kilay niya. "Don't touch me." "C'mon. Alam ko namang hindi ka na virgin para umarte ng ganiyan. At alam kong nagustuhan mo rin ang mga ginawa natin." "Anong ginawa mo?" Gusto kong umiyak dala ng sama ng loob. Pakiramdam ko, niloko ako ng buong mundo pero in reality, siya lang ang nangloko sa akin. "How can you take advantage of me like that?" "Hindi kita tinake advantage. Ginusto mo iyon." madiing sagot niya. Wala na rin ang ngiti sa mukha niya. "Alam kong may ginawa ka kaya umamin ka na!" Muli ko siyang itinulak sa dibdib kaya napaatras siya. Akmang itutulak ko ulit siya dala ng galit pero hinawakan niya ang mga kamay ko. "Anong ginawa mo?! Anong inilagay mo sa inumin ko kagabi?!" Binitawan niya ang pagkakahawak sa mga braso ko saka bumuntong hininga bago ako tinignan sa mata. "Fine. May inihalo ako sa alak mo. Pero sana, maintindihan mo na ginawa ko iyon para sa atin-" "Gago ka, Seb! Kaibigan kita- bakit mo ginawa iyon?! Ginawa mo iyon para sa sarili mo so don't you f*****g say na para sa atin iyon dahil hindi ko ginusto ang nangyari kagabi!" "Kung hindi ko ginawa iyon, hindi ka mapapasa akin at ayokong mangyari iyon." Pilit kong pinakalma ang sarili ko kahit balot na balot na ako ng galit at pagkamuhi sa tao sa harap ko. Alam ko kasi na hindi ko masusulusyunan ang problemang ito kung dadaanin ko sa galit. Naupo ako sa sofa at pati siya ay naupo na rin pero sa kabilang dulo ng inupuan ko. "Seb, look..." Pinunasan ko ang pisngi ko na nabasa na ng luha bago ko siya hinarap. "I'm sorry kung pinaasa kita-" "No. Hindi mo ako pinaasa dahil alam kong may gusto ka rin sa akin. Ipinakita mo lang kung anong nararamdaman mo para sa akin." I groaned out of frustration dahil sa tigas ng ulo niya. "Pinaasa kita, Seb. Wala akong gusto sa iyo-" "Then ano iyong mga ipinakita mo? For show lang? I don't believe you. Alam kong ginawa mo ang mga iyon dahil may gusto ka sa akin. Wala ka namang dapat ipag-alala dahil parehas tayo ng nararamdaman, Gabby. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit nag-iinarte ka ngayon pero kung makasigaw ka sa pangalan ko kagabi, wagas; kulang na lang lamunin mo ako ng buo. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin kagabi, alam mo ba iyon? Kaya anong inaarte mo, Gabby?" "Hindi ako nag-iinarte dahil hindi ko gusto ang nangyari kagabi, Seb. Alam kong mali na pinaasa kita pero hindi ba parang sobra naman iyong ginawa mo kagabi? I know that you know kung anong gusto kong pag-usapan natin kahapon. Seb, I went here because I want to make things clear. Ayokong paasahin ka dahil hindi kita magugustuhan-" "Dahil may iba kang gusto?" "That doesn't matter-" "It does." Umusog siya palapit sa akin saka ako hinawakan sa pisngi para maiharap sa kaniya. "Who is he?" "Seb-" "Sino siya?!" Napapikit ako dahil sa pagsigaw niya. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na kainin ng takot dahil kailangan ko ipamukha sa kaniya ang nararamdaman ko. Marahas kong inialis ang pagkakahawak niya sa mukha ko saka ako tumayo. "Alam mong sa ginawa mo, puwede kitang ireklamo!" "Hindi puwede." pabulong na sinabi niya habang nakatingin sa akin ng masama. "Hindi mo puwedeng gawin iyan." "I can, Seb. Believe me- I can. Kilala mo ang pamilya ko; hindi kami basta-basta." "Exactly. Kilala ko ang pamilya mo. Pero hahayaan mo bang malaman ng pamilya mo na may scandal ka?" "What?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Ang masamang tingin niya sa akin ay napalitan ng ngiti. Hindi ito iyong ngiting magpapagaan sa pakiramdam mo; ito iyong klase ng ngiti na alam mong ikasisira ng buhay mo. "What do you mean? Wala akong scandal." "Mayroon." Tumayo siya at may kinuha sa bulsa. Mula ruon ay dinukot niya ang isang flashdrive saka ito itinapat sa mukha ko. "Nandi-" Hindi niya natapos ang pagsasalita niya dahil hinablot ko kaagad ang flashdrive sa kamay niya. Success naman pero hindi nito nabura ang ngiti sa labi niya. "May kopya pa ako. At hulaan mo kung sinong co-star mo riyan?" Hindi ko siya sinagot dahil nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Alam kong halata sa mukha ko na sa kabila ng galit ay nagmamakaawa na ako na tumigil na siya. "Ako." "Bakit mo ba ginagawa ito?" Nanghihinang napaupo ako saka ko tinakpan ang mukha ko gamit ang magkabilang kamay ko matapos ko bitawan ang flashdrive. Hindi ko na napigilan at umiyak na ako ng tuluyan. "Ano bang ginawa ko sa iyo?" "You made me love you, Gabby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD