15

3228 Words
Gabby Wala sa sarili akong naglakad pabalik sa unit ko. Ang rami ng bagay na umiikot sa isip ko dahil sa mga nangyari. Sa sobrang sama ng loob at bigat ng dinadala ko, iniwan ko na lang si Seb habang ipinaiintindi niya sa akin kung gaano niya ako kamahal; kung bakit niya nagawa sa akin iyon. Hindi ko naman talaga siya maintindihan dahil kahit saang anggulo ko tignan, siya at siya pa rin ang nakikita kong mali. Hindi sa sinasabi kong bibigay ako pero kung nathreaten siya dahil sa may iba akong gusto, puwede niya naman akong kulitin hanggang sa makuha ko siyang mahalin. Pero anong ginawa niya? Ginamitan niya ako ng dahas dahil alam niyang matatalo siya. Hindi ko alam kung bakit niya ako nagustuhan, to the point na ginawa niya pa ang mga bagay na iyon para lang mahawakan niya ako sa leeg. Hindi naman ako kagusto-gusto. Never in my life I imagined someone would go crazy for me like that. In fact, para na ngang obsession ang mayroon si Seb sa akin. Kanino ako lalapit ngayon para humingi ng tulong? Ang problema, kapag nanghingi ako ng tulong, siyempre kikilos ang tumulong sa akin at kapag nangyari iyon, there's a big possibility that he would leak our video. My phone's dead kaya ichinarge ko kaagad ito at binuksan. I better leave this and let it charge. Wala ako sa mood para magbasa ng messages, which is what I usually do every morning. I need to clear my mind first before doing that. "Why is this happening to me?" tanong ko sa sarili habang hinahayaang tumulo ang mga luha ko. Pumasok na ako ng banyo para maligo dahil gusto kong burahin lahat ng bakas na iniwan ni Seb sa akin. Kung kailan napagdesisyunan ko nang ipush kami ni Drew, saka pa umeksena ang lalakeng iyon. I'll stop considering him as a friend dahil hindi tama ang ginawa niya sa akin. He took advantage of me. He r***d me, kahit pa alam kong kabaliktaran ang iisipin ng kung sino man ang makanuod sa video na iyon. He showed it to me to make me realize na ginusto ko ang nangyari. In the video, para akong uhaw na uhaw sa s*x dahil grabe ako kung makaungol at makatawag sa pangalan niya. There was even a scene that I was riding him. Now tell me if matatawag ba na r**e iyon? Heck, if I showed it to the authorities, baka tawanan lang ako at sabihang p****k. Drew will seriously get hurt if he sees that video. Nakakainis naman kasi si Seb. I know he has feelings for me pero iyong aabot na siya sa ganuon? That's too much. I don't care if he's good looking; I don't care if he's sweet. Dahil sa ginawa niya, nalaman ko kung anong klase ng tao siya. Hindi tama na gawing excuse ang pagmamahal niya sa akin para lang magkaroon siya ng ticket so he can do that to me. Plus, my family. I've done so much to protect our name. I even had to sacrifice my happiness and freedom to secure our name. And just because of one mistake, I ruined it all. I don't want to drag them into my stupidity. I don't know what I should do. Napansin ko ang pag-sindi ng mumunting ilaw sa cell phone ko, indicating I receieved a notification from something. I sighed after picking it up. It's a bunch of texts and missed calls from Drew, a flood of messages in our GC and Seb saying he loves me. "Nasaan ka?" "Gigisingin sana kita pero wala akong nadatnan sa unit mo. I'm worried. Where are you?" "Gabby, nasaan ka ba? Wala ka sa bahay niyo nang pumunta ako duon." "May nagawa ba akong mali? Please tell me." "Kagabi pa tayo hindi nakakapag-usap." "Baby?" "Drew naman, eh." Napaupo ako sa tabi gilid ng kama ko at isinubsob ang mukha ko sa mga palad ko. Hindi ko lang napigilan dahil sa panghihinayang. We could've been good together. Kahit alam kong hindi okay sina Tita sa idea na magkaroon ng karelasyon na lalake ang anak nila, that's another problem that we can probably solve easily. Pero dahil sa kalandian at kakatihan ko, ito ang napala ko ngayon. This is my punishment. I decided not to tell him about what happen dahil hindi imposible na mapatay niya si Seb once he find out. Masyado siyang impulsive for his own good. Ayoko naman na makulong siya kapag nangyari iyon. Kahit late, pumasok pa rin ako. Siyempre, napagsabihan ako. Ang problema, ang pagpasok ko na inaasahan ko na magdivert sa akin sa mga iniisip ko, hindi nangyari dahil panay ang message ni Seb sa akin, telling me that we should talk about us. "Gago." bulong ko habang nagcocompose ng message. Once done, isinend ko kaagad ito sa kaniya. I just told him I'm busy at wala akong time para sa gusto niyang mangyari. Gusto ko lang talaga siya iwasan dahil baka magbago ang isip niya't tigilan na ako. "Look, I'm sorry pero mali naman kasi ang ginawa mo." Napatingin ako kay Robin dahil sa sinabi niya. "Being late is one thing but you've been gone for half of your shift. Wala ka man lang advise o ano. Akala nga namin, hindi ka papasok kaya nanghiram pa ako ng tao sa ibang department para lang mapunan iyong load mo." "Sorry, Sir." paghingi ko ng paumanhin rito. Tumawa ito saka isinubo ang kutsara niyang may lamang kanin. We're having lunch, apparently. Sumabay na siya sa akin dahil ang tagal na raw kasi noong last na kain namin ng magkasama. Wala akong panahon para intindihin ang chismisan na gagawin ng mga katrabaho ko kaya nang tanungin ako nito kung okay lang sumabay sa lunch ko, pumayag na lang ako. "What's with the sir? Sabi ko sa iyo, tawagin mo na lang ako sa pangalan ko." "You're still my boss so dapat pa rin kitang igalang." balewalang tugon ko at nahalata niya yata ang aura ko dahil nagsalubong ang mga kilay niya. "May problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na tahimik ka." "Tahimik naman po talaga ako." Si Kate lang naman kasi ang nakakausap ko rito bukod sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay malayo pa rin ang loob ko sa mga katrabaho ko. "No. What I mean is, you've been extra quiet. C'mon, I'm your friend as well as your boss. You can tell me everything. I'll listen." I don't really trust him pero gusto kong sabihin sa kaniya ang problema ko. Maybe I can para kahit papaano, mabawasan ang bigat na kumakain sa dibdib ko. Isa pa, baka mabigyan niya ako ng payo sa sitwasyon ko. Luminga-linga muna ako para icheck ang mga tao. Medyo marami pa rin kaya hindi magandang sa public na lugar ko sabihin ang problema ko. "Robin, puwede ba na sa office mo na lang tao mag-usap?" "Bakit duon pa?" tanong niya habang patuloy sa pagkain at hanggang ngayon ay salubong pa rin ang mga kilay niya. Napayuko ako saka ko pinaglaruan ang kinakain kong pasta. "Tungkol kasi ito sa problema ko." Napansin ko ang pagmamadali niya kumain kaya napaangat ang tingin ko. At oo nga, sunod-sunod ang subo niya, na parang hindi niya na nginunguya ang mga isinusubo niya. "Tara." seryosong sinabi niya saka tumayo at nauna nang maglakad. Napabuntong-hininga ako saka ako sumubo ng isang beses bago ko ito iniwan kahit na may laman pa ang plato ko. Nang makapasok ako sa loob ng office niya, he signaled me to sit down kaya heto ako ngayon, nakaupo sa harap niya habang siya ay nasa likod lang ng lamesa niya. Pikit mata akong naglakas ng loob para sa desisyon kong ito. Matapos ang ilang segundong katahimikan, napagpasyahan ko na siyang tignan. "I... was a r**e victim." panimula ko. Nanglaki ang mga mata niya at bakas ang gulat sa kaniyang mukha. "What the f**k?!" I was expecting that kind of reaction kaya hindi na ako nagulat. Siguro nga rin ang unusual na may lalakeng magconfess na narape sila kasi, majority naman yata ng lalake, gusto ang s*x. And with today's society, baka tawanan ka pa nga ng iba kapag sinabi mong narape ka. Rape do happen with men. Bakit ba hindi nila matanggap iyon? r**e isn't something to make fun of kaya hindi ko talaga makuha ang mentalidad ng iba patungkol rito. "By my friend." "Sinong kaibigan?!" Napatayo siya dala pa rin ng gulat. Nang maisip niya siguro na medyo napasobra ang reaksyon niya, tumikhim siya saka bumalik sa pagkakaupo. "Sige na, Gabriel. Sino? Sabihin mo sa akin." "It's better not to. What matters right now is my situation." Pumikit ako't huminga ng malalim para humugot ulit ng lakas ng loob. Grabe na kasi ang kaba at panginginig ko. Hindi rin nakakatulong ang sobrang lamig na kwartong ito sa nararamdaman ko. "Ang problema, may video." kagat-labing pag-amin ko. "May video pa?! Diyos ko. What have you gotten yourself into?" Napahilot siya sa sintido saka bumaba ang tingin at nakipagtitigan sa lamesa. "Why not tell it to the police?" "Sa tingin mo ba, hindi ko pa naisip iyan? At sa tingin mo, anong magiging reaksyon ng mga pulis kapag napanuod nila iyong video? Pag-iisipan lang nila ako ng masama." "I don't understand, Gabriel. May proof na nirape ka yet pag-iisipan ka nila ng masama?" "In the video, while we're having s*x, it looked like I was having fun." "If you were having fun then bakit mo sinasabing narape ka?" Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko dahil sa frustration. He's also not helping at all. "Oh, my god. It looked like nga, eh. And I was drugged, okay? Wala ako sa sarili ko ng mga oras na iyon. Poproblemahin ko ba ito kung natuwa ako sa s*x na iyon?" Itinaas niya ang dalawang kamay niya na parang nasurrender saka umatras ng bahagya. Pinilit kong huminahon nang makita ko ang reaksyon niyang iyon. Nagulat kasi siya sa inakto ko. "Hoy, Gabriel, I'm still your boss. No need to shout at me. Nagtatanong lang ako." "Sorry." nakasimangot na tugon ko. Ibinaba niya na ang dalawang kamay niya saka lumapit muli. "Nagets ko na. Hindi mo naman kasi sinabi kaagad na drinoga ka. Pero matanong ko lang." "Ano iyon?" "Do you fully know that friend of yours?" "Ex friend of mine and... to be honest, hindi. I don't know him that much." Nanglaki ang mga mata niya saka pumunta sa likuran ko. "Get up." "H-Ha? Bakit?" tanong ko habang patuloy niya akong hinila patayo nang makatayo na siya sa harap ko. "Nirape ka niya. At hindi mo pa siya ganuon kakilala. It's not impossible for him to have a disease so you need to go see a doctor or someone to check up on you." "W-wait. Disease?" Biglang kumabog ng malakas at mabilis ang puso ko dahil sa narinig ko. Why didn't I think of that?! Tumayo kaagad ako nang marealize ang ipinaparating niya sa akin. "HIV. Aids. Whatever. Kailangan mo magpacheck up. I'll allow you to leave early today." Tumango ako saka siya tinitigan sa mata. "Please don't let anyone know about this. Kasi seryoso, magpapakamatay ako kapag kumalat ito. Ikaw lang ang pinagsabihan ko nito." I immediately went out of the office dahil na rin sa utos ng amo ko. Saktong pagkalabas ko, nagring na naman nang nagring ang cell phone ko. I looked at it to see who's calling at napahigpit ang hawak ko rito dahil sa pangalang lumabas sa screen. Seb. Nakailang message na ito sa akin through text and messenger pero hindi ko man lang tinitignan kaya siguro nainis na at tinawagan na ako nang tinawagan. Is he this possessive? "Ano ba iyon?!" pasigaw na tanong ko nang makasakay ako sa taxi na pumarada sa harap ko. "Kuya, sa alam niyong pinakamalapit na clinic po." "Clinic?" tanong ni Seb mula sa kabilang linya. Umupo ako ng maayos nang paandarin na ng driver ang sasakyan. "May nangyari ba sa iyo, Gabby?" "Wala kang pakielam so please don't act like you care, Seb." "I do care, Gabby! Ano bang nangyari sa iyo?!" "You don't need to know, okay?!" "I'm warning you. Hawak kita sa leeg ngayon kaya kung ako sa iyo, sabihin mo na kung anong nangyari sa iyo." Realization struck me. Oo nga pala. Hawak niya ako sa leeg at kahit anong gustuhin niya, dapat sundin ko dahil kung hindi, ilalabas niya ang video namin. It's better not to resist him dahil baka magdilim ang paningin niya dala ng galit at wala sa sarili niyang ileak ang bagay na iyon. Nakakainis naman. "I... I just need to do some test, okay? So don't worry." "Pupunta ka ng clinic tapos sinasabi mong huwag ako mag-alala?" Tumawa siya ng sarkastiko saka muling nagsalita. "Anong test ba kasi iyan?" "Seb, not now." pakiusap ko matapos ko pasadahan ng tingin ang driver. Nakakahiya naman kasi kung marinig pa ni manong ang test na gagawin ko. "No, Gabriel. Sabihin mo sa akin. Anong test iyan?" I sighed in defeat saka ko pinress ang home button sa cell phone ko. I then composed a message on Messenger and sent it to him. "Isinend ko sa iyo." Ilang segundo natahimik sa kabilang linya at ang naririnig ko lang ay ang sunod-sunod at malalalim na paghinga niya. "HIV test?" tanong niya matapos ang katahimikan. "Gabriel, bakit ka magte-take nito?! Nakipagsex ka ba sa iba?!" Nanglaki ang mga mata ko dahil sa narinig kong accusation niya. Ako? Nakipagsex sa iba? He's the last guy that I had s*x with tapos tatanungin niya ako ng ganuon? "Siraulo ka ba?!" sigaw ko at napansin ko na bahagyang nagulat ang driver dahil bakas sa mukha nito matapos ako nitong tignan. "Sorry po." paghingi ko rito ng paumanhin. "What do you think of me? A w***e?" Sinilip ko ulit ang driver dahil baka naintindihan niya ang sinabi ko pero muhkang hindi naman dahil diretso pa rin ang tingin nito sa daan. Wala rin bakas ng kahit anong emosyon sa mukha nito kaya ligtas naman siguro ako sa kahihiyan. He chuckled kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Nakukuha niya pang tumawa sa lagay na ito? Kanina lang galit siya, ha? "You were my w***e last night, baby." Ginaya niya pa si Drew na baby ang tawag sa akin! Nakakagigil na talaga itong lalakeng ito! "f**k you, Seb." "Lutong magmura, ha?" aniya habang tumatawa. "Nakakaturn on." "Alam mo, tigilan mo na ako. I need to go to the clinic kaya please lang, tumigil ka na." "Bakit ka ba kasi magpapatest? Ano bang akala mo? Positive ako? Malinis ako kaya huwag ka mag-alala." "I don't trust you. Hindi na nga ako magtataka kung ginawa mo rin sa iba ang ginawa mo sa akin." "Alam mo, palalagpasin ko iyang mga sinasabi mo sa akin dahil alam ko na upset ka pero this time, believe me, wala akong sakit pero kung hindi ka mapanatag, edi magpatest ka. Besides, kahit magpa-test ka, hindi kaagad lalabas iyan. It should be at least 3 months after your last encounter para lumabas iyong accurate na result. Gabby, nakaka-offend lang kasi iniisip mo na may sakit ako. Oo, marami akong nakasex dati pero sa iyo lang naman ako hindi gumamit ng protection at lagi akong nagpapatest every two months kahit na hindi na ako active sa s*x simula nang makita kita noon sa park." He sighed. "Mag-PreP ka if you're still scared.". Natigilan ako dahil sa mga sinabi niya pero kaagad ko rin inayos ang sarili ko saka nagpaalam matapos niyang sabihin na magkita kami after ng test ko. I sighed saka ipinikit ang mga mata ko at isinandal ang sarili ko sa sandalan. -- It took an hour of waiting before the result was given to me. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang envelope na naglalaman ng dapat ko malaman. Kung papipiliin kasi ako, hindi ko na ito bubuksan dahil sa takot na baka positive ang resulta. Ang problema, kailangan ko itong buksan at alamin dahil napakaimportante nito at isa pa, kaya nga ako sumugod rito ay dahil gusto ko malaman kung may sakit ba akong nakuha, hindi ba? Nonreactive Halos magtatalon ako sa tuwa at hindi ko rin maiwasang hindi maluha dahil sa sobrang saya ko. I'm free of any disease. I'm so happy. Napapatingin rin ang iba sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Kaagad rin akong lumabas at nagtaxi pauwi. I sent a message to my boss about the result at nagpasalamat na rin ako dahil pinayagan niya akong umuwi ng maaga to take the test. Kung kanina ay takot akong magpatest, ngayon naman ay masaya ako dahil tinake ko ang bagay na iyon. "Balita?" tanong niya pagkapasok niya sa unit ko. Isinara ko ang pintuan saka ako pumunta sa salas. Hindi na ako nag-abalang buksan ang tv dahil ang mahalaga sa akin ay ang makausap siya. Gusto kong kumbinsihin siya na idelete na ang mga video na hawak niya para wala na akong problemahin. "Nonreactive." seryosong sagot ko. Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo saka sumandal sa sofa. "That's good. At least nalaman mong malinis talaga ako." "Seb," Humugot ako ng malalim na paghinga saka siya tinignan. "Puwede bang idelete mo na iyong videos?" "Bakit ko naman gagawin iyon?" matawa-tawang sagot niya. "Kapag ginawa ko iyon, edi nakawala ka sa akin. Hindi ko gusto iyon." "Why are you even doing this? Alam mo naman na hindi kita gusto so anong makukuha mo sa mga ginagawa mo?" "Ikaw." mahinang tugon niya saka kinuha ang isang kamay ko. Inintertwine niya ang mga daliri namin saka niya ipinatong ang isang kamay niya sa ibabaw ng kamay naming magkahawak. "Sinabi ko naman sa iyo, hindi ba? Mahal kita, Gabby." "At sa tingin mo, magugustuhan kita dahil sa mga ginagawa mo?" "Alam ko naman mali itong ginagawa ko, eh. Maniwala ka sa akin. Kasi kahit ako? Masama rin ang loob ko sa sarili ko dahil alam kong iniipit kita. Hindi kita gustong pahirapan. Masyado kitang mahal para gawin iyon pero wala akong choice. Natatakot akong mapunta ka sa iba kaya ko ginagawa ang mga ito." Nakaramdam ako ng kaonting awa sa kaniya pero iwinaksi ko kaagad iyon dahil hindi siya dapat kaawaan. He's using our video to threaten me, to make me follow his commands. Matatawag bang pagmamahal iyon? Kasi para sa akin, hindi. If he really loves me, he should let me go. Alam ko na may kasalanan ako kung bakit ganito siya umakto ngayon. Pumatol ako sa signals na ipinakikita niya sa akin, eh. Aminado naman ako na noong una, talagang plano ko siyang patulan dahil malandi at makati ako. Kaya nga laking pagsisisi ko nang marealize ko na may nararamdaman ulit ako kay Drew tapos may isang tao akong pinaasa. Kung tutuusin pala, ako ang nagpasimula ng gulong ito. "Look, Seb, I'm sorry kung pinaasa ka. I really am. Ako may kasalanan ng lahat ng ito. But please, for me, burahin mo na iyong videos. I'll forget this happened. Let's go back to being friend." Marahan siyang umiling saka inialis ang pagkakahawak ng mga kamay namin. At gamit ang isang kamay niya, hinawakan niya ako sa baba para iharap ako sa kaniya. "Ayokong hanggang kaibigan lang ako sa iyo, Gabby." "Pero--" "Stop." pagsapaw niya sa akin. "Hindi ko alam kung gagana ito pero gusto kong subukan lahat ng bagay para lang magustuhan mo ako. Now, Baby, let's make love."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD