16

4657 Words
Gabby Kagat-labi kong iniangat ang sarili ko saka sumandal sa headboard habang pinanunuod ko siyang bumangon mula sa pagkakadapa sa kama. Hindi rin ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa kaniya; iniisip kung paano ba ako makakawala sa sitwasyon na ito. Wala talaga akong plano na patusin ang kalibugan niya pero wala akong nagawa dahil nang sabihin niyang hawak niya ako sa leeg right after saying na magsex kami, alam kong nagbabanta na siyang kapag hindi ko siya sinunod, ikakalat niya ang video namin. We just finished doing it at thank God dahil naka-isa lang kami. Iniinsist niya pa nga kanina na mag-isa pa kaming round pero sinabi ko na pagod ako at nakiusap talaga akong pagpahingahin niya ako. Mukha naman siyang naawa at hinayaan na lang ako. "Gusto ko nang matulog, Seb." Napatigil siya sa pagdampot sa mga damit niyang ibinato niya sa lapag kani-kanina lang. "Puwede ba na iwan mo na muna ako?" Bumuntong hininga siya. Alam niya kasi na kanina pa ako wala sa mood pero nagpumilit pa rin siyang ituloy ang kalokohan niya. "Okay." tugon niya. Habang pinanunuod ko ang pagbibihis niya, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano ba ang nakita nito sa akin. Bakit ganuon niya ako kagusto? I wasn't even a virgin nang may nangyari sa amin para ma-attach siya ng bongga sa akin to the point na ite-threaten niya ako. He's good looking and has the body kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagta-tyaga siya sa pangungulit sa akin para lang makuha ako. Kung tutuusin, kayang-kaya niya kumuha ng kahit sinong babae, bi or gay sa mukhang mayroon siya. Hell baka nga kahit straight maghubad para sa kaniya kapag lumandi siya. Ginawaran niya muna ako ng halik sa labi bago niya ako tinalikuran para lumabas ng unit. Nang wala na siya sa paningin ko, I grabbed my phone at nang marinig ko ang pagsara ng pintuan sa labas, alam kong lumabas na siya. I know that he'll lock the door kaya hindi na ako nag-atubili pa na tumayo para ilock iyon. "Hi, Drew." bungad ko nang sagutin niya ang tawag. I missed him kaya napagdesisyunan kong tawagan siya. I want to hear his voice. "Baby!" Napangiti ako dahil sa pagtawag niya sa akin at base sa tono ng boses niya, excited siya. At least he can ease my sadness even just a little. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kumot saka ito ibinalot sa katawan ko. "Missed me?" "Hello po." Napakunot ang noo ko dahil ibang boses na ang nagsalita sa kabilang linya. I even checked my screen just to make sure na wala akong natawagang iba but it still shows his number. Oh, my god. Narinig ba nitong taong ito iyong tanong ko? Nakakahiya! "Hi?" "Miss na po kayo-- pare, ano ba? Curious ako kung sino ito!" Naririnig ko ang paulit-ulit na pagmumura ni Drew habang sinasabing ibalik sa kaniya ang cell phone niya. "Ano mo po si Drew? Lagi ka kasing bukang-bibig." Wala na. Napangiti na ako ng tuluyan. "Ask him." Ibang tao itong kausap ko. Does this mean na may kaibigan na si Drew sa school nila? Kasi kung oo, masayang-masaya ako para sa kaniya. Hindi ko alam kung ilan ang bago niyang kaibigan sa iskwelahan nila pero kung isa lang itong lalakeng kausap ko ang naging kaibigan niya, that's okay kasi alam ko na mapapasaya nito ang kaibigan ko kahit papaano. "Boyfriend ko! Ano ba?! Akin na iyan, Daniel!" sigaw ni Drew, na narinig ko matapos itanong nitong kausap ko, na mukhang Daniel ang pangalan ayon sa narinig ko, kung ano raw ba ako ni Drew. I know for a fact that I'm blushing hard dahil nag-iinit ang mukha ko pati na ang mga tenga ko. Hindi na ako nagsalita at pinakinggan ang pag-aagawan nila sa cell phone. I'm just speechless kasi nakuha niya pang isigaw na boyfriend niya ako kahit wala pang kami. He has guts para ipagsigawan ang bagay na iyon while here I am, trying not to expose his feelings for me dahil ayokong malaman ng iba na may gusto siya sa akin. Hindi ko kasi gusto mapunta sa point na ulanin siya ng asar at panghuhusga dahil lang may gusto siya sa isang tulad ko. "Hey," Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses niya. "I'm sorry about that. Palagi na lang kasi akong kinukulit nitong hayup na ito tungol sa iyo kaya niya inagaw iyong cell phone ko nang malaman na ikaw iyong tumawag." pagpapaliwanag niya saka bumuntong-hininga. "Namiss kita." malambing na pagkakasabi niya. "Talaga?" I teased. "I heard what you said. Boyfriend mo ako? Sus. Mukha namang masaya ka riyan. You even have that guy. Paanong mo ako naging boyfriend kung may Daniel--" "What the hell?!" sigaw niya kaya natawa ako. "Wait. Lalayo lang ako." Ilang segundo ko siyang hinintay dahil mukhang naglalakad siya kaya hindi nagsasalita. "Baby?" "Ang cheesy mo. Baby talaga? Lagi mo akong tinatawag niyan." "Bakit? It's cute. Isa pa, matagal na kitang gusto tawagin ng ganiyan." I rolled out of bed saka dumiretso sa banyo. Gusto ko ulit maligo para burahin ang mga marka ni Seb. Ang gara nga, eh. I'm talking with the guy I like while removing another guy's marks on my body. Feeling ko, nagtataksil ako kay Drew. "Magsa-shower ka?" tanong niya matapos ko buksan ang shower. "Yep." sagot ko saka ko ipinatong ang cell phone ko sa rack na nakasabit na pinaglalagyan namin ng mga gamit na hindi puwedeng mabasa. "Video call! Gusto ko makita!" "Siraulo." I stepped under the shower head at hinayaan na lang na nakabukas pa rin ang cell phone ko. Nakaloudspeaker naman na kaya hindi ko na kailangan lumapit rito para lang marinig ang kausap ko. "Para namang hindi ko pa nakita iyan. Bilis na!" reklamo niya kaya hindi ko napigilang matawa. Napakamanyak, eh. "Manigas ka!" "I already am! Naiimagine kita kaya ganito--" "Ramirez, ano bang sinasabi mo?!" gulat na tanong ko rito. Nakakaloko itong lalakeng ito. Ang lakas-lakas ng boses kahit na nasa school siya! Hindi ba siya nahihiya?! "Bakit ang lakas ng boses mo?! Nasa school ka, hindi ba?! Hindi ka ba nahihiya?!" "Oo pero wala naman tao rito sa likod ng school." I sighed in relief. Diyos ko. Ako natakot para sa kaniya, eh. "Gabby?" "What happened to Baby?" biro ko habang natawa ng bahagya. Nagsimula na rin ako magsabon ng katawan. "Kotang-kota ka na. Baka himatayin ka sa kilig." Tumikhim siya saka bumuntong-hininga. "Baby?" "Hmm?" "I missed you." "I know." "Pati katawan mo." Napatigil ako sa pagsasabon at tumingin sa cell phone. What the heck? "Puwede ba... mamaya?" halos pabulong na tanong niya. Hindi niya man sabihin ng diretso, alam ko ang ipinepertain niya. I do want that to happen pero kasi kagagaling ko nga lang kanina sa ganiyan tapos heto naman siya, nagyayaya. Kung ni isang beses walang nangyari sa amin ni Seb, papayag ako sa gusto ni Drew. I do miss his touch and the way how his body move above me. This is seriously frustrating. "Pero Drew..." "It's okay. Hindi mo naman obligasyon sumunod sa akin." dismayadong sinabi niya. Nasense niya siguro ang hesitation sa boses ko. I am thinking about it, actually. Puwede ko siyang sundin pero hindi ba ako magmumukhang basura nuon? Dala-dalawang lalake ang gumagamit sa katawan ko? Hindi man niya malaman pero ako alam ko kaya nakakababa ng sarili. Hindi naman ako katulad ng ibang bakla na the more the merrier ang gusto pagdating sa lalake. I want to stick with Drew pero pinepeste ako ni Seb. Pinatay ko iyong shower nang matanggal na ang sabon sa katawan ko saka ko nilapitan ang cell phone ko. I want to make him happy at least kasi alam kong malungkot na naman ang lalakeng ito dahil sa pagtanggi ko. "I'm sorry." bulong ko. "Instead, let's have a date." "Talaga?! Talagang talaga?!" Bumalik ang ngiti sa mga labi ko dahil halatang-halata ang excitement sa boses niya. "Promise?!" Parang bata na naman ito na biglang bumalik ang sigla. I really like this side of him. He's really cute kapag ganito siya. "I promise." -- "Bigyan mo naman ako ng pahinga, Seb!" reklamo ko dahil nalaman niya na lalabas kami ni Drew but he knows that we're just going to hang out at hindi date. Habang nagbibihis kasi ako, tumawag siya sa akin para alukin akong kumain pero tumanggi ako. Of course he asked why. Nang sabihin ko na may gala kami ni Drew, bigla na lang siyang nagalit na ewan tapos binaba ako rito sa unit ko. Seriously, hindi ba siya magsasawa sa pagmumukha ko? Hindi naman ako ganuon kagwapo para gustuhin niya makita maya't-maya. There's a part of me na gustong sundin na lang lahat ng gusto niya dahil sa takot na baka kung ano na namang kalokohan ang gawin niya. As much as I like s*x, ayoko na siya ang maging partner ko pagdating sa bagay na iyon. I only want Drew. "Simula nang may mangyari sa atin, automatically, naging boyfriend mo na ako kaya ako ang dapat mong piliin! Mas gugustuhin mo ba na gumala kaysa kasama ang boyfriend mo?!" Akmang lalagpasan ko siya pero hinawakan niya ako sa balikat at itinulak ng bahagya paatras. "Pupuntahan mo pa rin talaga siya?!" hindi makapaniwalang tanong nito. Pumikit ako't huminga ng malalim dahil pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Natatakot rin ako na baka maabutan kami ni Drew ng ganito. Alam ko na magkakaidea ito kapag narinig ang sinasabi ng lalakeng ito at ayokong mangyari iyon and chances are, maibunyag pa ang video na iyon. That's the last thing that I would want to happen. And what the hell is he talking about? Boyfriend? Siya? Boyfriend ko? "I'll be back." pag-aassure ko rito. Medyo umaliwalas naman ang ekspresyon niya. "Gusto ko lang makasama ngayon ang kaibigan ko; ang tagal na naming hindi gumala." "Sorry." Tumungo siya saka nagkamot ng batok. "Nagselos lang ako. Pero alam ko namang magkaibigan lang kayo." Iniangat niya ang tingin niya saka ako ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya. "Huwag mo lang sanang sirain ang tiwala ko." Tumango na lang ako para matapos na kahit sa loob-loob ko, nanggagalaiti ako sa galit. Una, sobrang possessive niya na wala na sa lugar. Pangalawa, sino siya para utusan ako? Pangatlo, hindi ko siya boyfriend. Pang-apat, sino siya para sabihing huwag ko sirain ang tiwala niya kung iyon nga ang ginawa niya sa tiwala ko sa kaniya? Humalik lang siya sa labi ko saka sinabi na puntahan ko siya sa unit niya pagkauwi ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa elevator, gamit ang panyo ko, pinunasan ko ang labi ko. Hindi ko alam kung mangdidiri ako o ano. Nang makarating ako sa sinabing mall ni Drew, naupo muna ako sa isa sa mga upuan sa labas ng cafe at hindi ko mapigilang ngumiti dahil naalala ko na dito kami unang nagkakilala nina Jade. I took a selfie nang makabalik ako sa puwesto ko matapos ko bumili ng coffee shake. I sent it to our GC after. They just told me na sana raw kasama sila ngayon sa gala ko. Inasar pa nga ako na loner ako pero nang sabihin kong magde-date kami ni Drew, nakipagvideo chat kaagad ang mga ito. Buti na nga lang at nakaearphone ako dahil kung hindi, maririnig ng mga tao rito ang pagtili nila. "He's here. I need to go." pagpapaalam ko sa kanila. Tatlo silang nakangisi ng pagkalaki-laki kaya hindi ko maiwasang umirap ng pabiro. Kasi alam kong mang-aasar na naman sila. "Malandi ka!" pang-aasar ni Madz. "Good luck!" Isa-isa na silang nagpaalam kaya ini-off ko na ang cell phone ko para tumayo at salubungin si Drew. "Hi." bati ko rito. "Kanina ka pa?" tanong niya pagkalapit sa akin. Saglit akong natigilan dahil pagkalapit na pagkalapit ay ginawaran niya ako ng halik sa pisngi. Pumihit ako paharap sa kaniya dahil nilagpasan niya ako't naupo sa kabilang upuan ng puwesto ko kanina. Umupo rin naman kaagad ako saka siya sinamaan ng tingin. "Bigla-bigla kang humahalik. Paano kapag may nakakita sa iyo? Baka kung anong isipin nila." "Ikinahihiya mo ako?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. "Hindi naman." mahinang tugon ko. Why would he think that? Never ko siyang ikahihiya. "Bakit naman kita ikahihiya? If anything, ako dapat ikahiya mo." "Tumigil ka nga." he scoffed. "At dapat lang na huwag mo ikahiya." Mukha namang satisfied siya sa sinabi ko, except sa latter part, kaya napangiti na siya saka inayos ang pagkakalapag ng bag na dala sa likuran niya. "Kasi ako, hindi naman kita ikahihiya. So what kung malaman nila? Hayaan mo lang sila." Napangiti ako sa sinabi niya. Mukhang gusto niya talaga ako and I'm really happy because of that kasi alam ko na sa panahon ngayon, ang baba na ng tingin ng mga tao sa tulad ko at bihira kang makakakita ng lalakeng walang pakielam sa sasabihin ng iba basta masaya sila't kasama ang isang tulad ko. "Bakit nakauniform ka pa?" Suot niya pa rin kasi ang putting polo at slacks ng university na pinapasukan niya kaya hindi ko mapigilan magtanong. Hindi man lang ba siya umuwi sa kanila? "Ang hassle kasi kung uuwi pa ako. Isa pa, edi sana nagsabay na lang tayo sa pag-alis kung magbibihis pa ako sa bahay, hindi ba?" "Sabagay." Nagkibit-balikat ako dahil may point naman siya. "Nagugutom ka na ba?" Ngumiti siya ng bahagya saka tumango ng ilang beses. "Hindi ako kumain kanina." "Ano?!" gulat na tanong ko. Napalakas yata masyado ang boses ko kasi napatingin ang mga katabi namin. Tumango ako sa kanila as a way of saying sorry saka ko ibinalik ang tingin ko kay Drew. "Bakit?" "Kasi sabi mo magde-date tayo. Saktong vacant namin nang tumawag ka kanina." Napahugot ako ng malalim na paghinga dahil sa sagot niya. "So kasalanan ko pa pala." Umiling ako't iniabot sa kaniya ang coffee shake ko. He mumbled thanks as I stood up. "Tara. Kain muna tayo." Dumiretso kami sa Max's dahil gusto ko siyang mabusog. Nagce-crave nga raw siya sa fries at chicken ng Jollibee pero hindi ako pumayag. First of all, hindi masustansiya ang mga iyon at isa pa, hindi kami totally mabubusog ruon, unless sandamakmak ang bilihin namin. "Anong sa iyo?" tanong niya pagkababa ko sa menu. Kunot-noo ko siyang tinignan dahil nang tignan niya ulit ang menu, ginagawa niya na naman ang habit niya kapag nag-iisip pero this time, parang may mali. Bukod kasi sa ugali niyang dilaan ang ngipin at kagat-kagatin ang ibabang labi, mukha pa siyang problemado. Anong problema niya? "Drew?" Nabaling ang tingin niya sa akin dahil sa pagkuha ko sa atensyon niya. "What's wrong?" Kaagad siyang umiling saka ngumiti. "W-Wala. May napili ka na ba?" Tumango ako saka ibinalik ang tingin sa menu. "Iyong Spring Chicken Meal at Sinigang na Pork ang bilihin natin." Ibinalik ko ang mata ko sa menu saka tinignan kung tama ba ang pagkakasulat. Ang conyo naman kasi. Sinigang na Pork talaga. Hindi nga ako nagkakamali dahil iyon talaga ang nakasulat sa menu. "Ikaw?" Umiling siya saka tiniklop ang hawak niyang menu. Hanggang ngayon, halata pa rin sa kaniya na may problema siya. Kanina naman, hindi ganiyan ang itsura niya pero nang umalis na kami sa cafe, parang bigla siyang dinaganan ng isang milyong problema. "Okay na siguro iyan. Hindi naman ako ganuon kagutom." "No." madiing utos ko dahil alam kong gutom siya. Saksi ako sa pagkulo ng tiyan niya habang naglalakad kami kanina. "Kung may gusto ka pa, pumili ka lang." "I'm okay, Gab--" Hindi niya tinapos ang pagsasalita dahil sa matalim na tinging ibinabaon ko sa kaniya. Inorder niya ang mga napili ko at ang idinagdag niya lang ay dalawang slice ng chocolate cake. "May nangyari ba?" tanong ko pagkainom ko ng iced tea. "Kanina ka pa mukhang problemado." Umiling siya bilang sagot pero hindi ako satisfied dahil halatang-halata ko pa rin sa mukha niya. "Wala naman." "So you're courting me and we're having a date tapos hindi ka man lang nag-oopen up sa akin. Ayos iyan." Napasimangot siya dahil sa sinabi ko. Edi nahuli ko rin siya. Hindi siya sisimangot at ipagtatanggol niya pa ang sarili niya kung mali ang sinabi ko. Typical Andrew Ramirez. "Sorry." "Sorry for what? Huwag mo ako gawing manghuhula." "P-Puwede bang kumain muna tayo bago ko sabihin?" mahinang pakiusap niya at wala rin akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Ayoko naman sirain ang mood namin just because curious ako sa bumabagabag sa kaniya. Iniba ko muna ang topic nang magsimula na kaming kumain. Asked him about his school and stuff at sinabi niyang maayos naman niyang naitatawid ang challenges sa studies nila. He took business ad dahil sa family company nila na gustong ipamanage sa kanila ni Tito. At first nga noon, ayaw niya dahil gusto niya talaga maging chef. Gusto niya raw kasi kaming ipagluto at makapagtayo ng sariling restaurant balang-araw. Ang problema, hindi pa siya totally marunong magluto kaya masakit man sa kaniya, kinuha niya ang second choice niya, which is his current degree. Sabi ko nga, puwede naman siya mag-aral magluto along the way pero inisip niya rin ang company na pinaghirapang itayo ni Tito kaya kahit papaano, okay lang sa kaniya. Hindi pa ganuon kalaki ang kumpanya na pagmamay-ari nila kaya talagang tinututukan nila ito dahil gusto nilang palakihin. Isa pa, maraming umaasa rito kaya ayaw nilang bumagsak ito. "Okay, Drew. Spill it." Pinunasan ko ng tissue ang labi ko saka ako humalukipkip. Huminga siya ng malalim saka ako tumungo. He obviously doesn't want to look at me in the eyes because of his problem. "Hindi ko kasi ano..." Hinawi niya ang bangs niya saka kinamot ang kilay kahit nakatungo pa rin. "Napag-isipan iyong expenses para sa date natin." Iniangat niya ang tingin niya at mukha ngang napalitan pa siyang tignan ako. "May binili kasi ako tapos 1k na lang natira sa pera ko. Plano ko sanang ilibre ka ng marami ngayon kaya lang nawala sa isip ko na kakapusin ako dahil sa pagkasabik na bilihin iyong nakita ko. Iyong sukli rito na lang ang magiging pera ko kaya hindi na kita madadala sa kung saan mo gusto." "D-Drew--" Napaayos ako ng upo saka ko hinablot ang tissue sa lamesa. Iniabot ko sa kaniya ito para punasan niya ang luha niya. Nakakaloka itong lalakeng ito, dito pa umiyak! "Huy, don't cry." mahinang pakiusap ko dahil ayoko naman isipin ng mga tao rito na pinaiyak ko ito. Buti na nga lang at nasa pinakadulo kami at good thing na walang tao sa katabing table namin. Pero kahit na, ano. "Bakit ka umiiyak? Wala naman problema kahit hindi mo ako madala sa kung saan." "Kinakabahan ako. Palpak kasi ako, eh." "Nako naman, Drew." I clicked my tongue saka ko kinuha ang isang kamay niya. Ramdam ko ang panginginig nito. Talagang kinakabahan siya? Nakakaloka. "Kinakabahan ka talaga?" tanong ko dahil mukhang hindi na talaga siya mapakali. "Don't be." "I'm with the person I like on our first official date. Natural kinakabahan ako. Ayokong masira ang araw na ito dahil sa katangahan ko pero look, palpak ako." "Ano ka ba? Hind ka palpak." Lumipat ako sa tabi niya saka ko hinagod ang likod niya para mapakalma siya kahit papaano. "Drew, I want you to stop crying." "P-Pero... palpak ako." "Gusto mo magalit ako?" tanong ko na parang nagbabanta. Umiling kaagad siya dala ng takot. "Then stop crying." Ipinagpatuloy ko ulit ang paghagod sa likod niya at gamit ang isang kamay, iniabot ko sa kaniya ang baso niya na may lamang tubig. "Hindi problema ang pera, okay? Para saan pa't nandito ako, hindi ba? Kaya huwag mo alalahanin iyon. Mas lalong masisira ang date na ito kung iiyakan mo ako. So stop crying, okay?" Tumango siya ng isang beses matapos inumin ang tubig na binigay ko saka niya pinunasan ang magkabilang pisngi niya. "Sorry ulit." "Okay ka na?" Then again, tumango siya. "Good." Tumayo na ako't bumalik sa puwesto ko saka ko ininom ang iced tea ko. Diyos ko, medyo kinabahan ako. Akala ko kasi pagtitinginan kami pero buti na lang at walang nanuod sa amin dahil wala naman akong nakitang nakatingin sa gawi namin. "Ako na magbabayad." suhestiyon niya nang makarecover na sa pag-iyak. "Huwag na-- ako na." Estudyante pa lang kasi siya at ako ang may trabaho kaya gusto kong ako ang gumastos. Isa pa, umiyak nga siya dahil wala na siyang pera para ipanggastos sa akin tapos pagbabayarin ko pa siya? "Ako ang lalake kaya dapat ako ang gumastos." Napaikot ang mata ko dahil mukhang bumalik na siya sa normal dahil okay na ulit ang tono ng boses niya. "Drew, last time I checked we both have d***s kaya parehas tayong lalake. Why don't we just split the bill?" "Ako ang top sa atin kaya ako ang magbabayad." he insisted, finality noted on his tone. "Excuse me!" pagkuha niya sa atensyon ng naglalakad na waiter. Napanganga ako habang nakatingin sa kaniya. I just can't believe na sinabi niya iyon. Parehas kaming may ngiti sa labi nang makauwi mula sa date namin. He decided na ihatid muna ako bago siya umuwi. We had lots of fun at pinagkasya talaga namin ang natirang pera niya. Ang gulo nga niya kanina kasi ayaw niya akong paglabasin ng pera at kahit na limited ang natira sa kaniya, tanong pa rin siya ng tanong kung gusto ko ba ng ganito ganiyan. Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa at tumabi naman siya sa akin. "Thank you, Drew." "Did you have fun?" Pumikit ako't kagat-labing tumango. Kinikilig lang kasi ako dahil sobrang saya ng araw na ito tapos hanggang ngayon, kasama ko pa rin siya. I honestly want him to stay and cuddle with him all night pero baka may importante pa siyang gawin at isa pa, baka kapag nakita siya ni Seb rito, mag-away pa sila at magkabunyagan. Ayoko naman mangyari iyon dahil ayokong lumayo sa akin ang lalakeng ito. I fell for him again. Now I'm sure of that. This date made me realize many things. "Drew," mahinang pagtawag ko sa kaniya. Naramdaman ko ang dahan-dahang paggapang ng kamay niya para maipagdaop ang mga kamay namin. Mas lalo akong napangiti at ang puso ko, mukhang lalabas na sa dibdib ko dahil sa sobrang kilig at saya. "Ano iyon?" I've been thinking about this habang nagde-date kami kanina. Gusto ko na siyang sagutin dahil sa takot na may makakuha pa sa kaniyang iba. Ang problema ko na lang talaga ay ang pamilya niya pati na si Seb. Kasi siyempre, kapag sinagot ko siya, malalaman at malalaman nila. Ayoko namang itago ang relasyon namin kung sakaling tanggapin ko na talaga siya dahil siya nga, hindi nahihiya na sabihin ng malakas sa public na wala siyang pakielam sa mga nakakakita sa amin. Hindi ko alam kung paanong tago ang gagawin ko sa relasyon namin kapag sinagot ko na siya. Alam kong masasaktan siya kapag sinabi kong itago namin ang relasyon namin kasi sino ba namang hindi, hindi ba? Partner mo, ipinagsisigawan ang pagmamahal sa iyo tapos ikaw, gusto mong itago ang namamagitan  iniyo? Nakakagago iyon. Pero kasi, ayoko namang maghiwalay kami dahil sa mga tao sa paligid namin kaya naiisip ko na itago ito. Kailangan ko siyang makausap tungkol rito. "Gusto kita." Naramdaman ko ang paglingon niya at alam kong nagulat siya dahil sa sinabi ko. "I love you. I really do." "T-Talaga? So... tayo na?" mahinang tanong at halata sa boses niya ang kaba. Iminulat ko ang mga mata ko saka ko siya tinignan. Tama nga ako; kinakabahan siya. "Gusto ko pero tatanungin muna kita." Nanatili siyang nakatingin sa akin habang hinihintay ang kasunod ng sasabihin ko. "Okay lang ba sa iyo na itago natin?" Bahagya siyang napaatras at halatang nadismaya dahil sa sinabi ko. I knew it. Nasaktan ko siya. "Bakit? May... may mali ba sa akin?" Umiling ako habang nakangiti ng bahagya, hoping na sana humupa ang nararamdaman niyang pagkadismaya. "Wala, Drew. You're perfect. Ang problema ko kasi, iyong parents mo pati iyong ibang tao." By ibang tao, I mean si Seb. "Alam mo naman na kahit magulo sila minsan, relihiyoso pa rin sila. And for sure, against sila sa same-s*x relationship. Ayoko namang idisown ka or what dahil lang sa akin." "First of all," hinawakan niya ang magkabilang kamay ko saka sinimangutan. "Huwag mong nilalang ang sarili mo." "Pero, Drew, look at me. I'm gay. Mababa ang tingin sa amin." "Pero hindi ibig sabihin na totoo ang sinasabi nila. Huwag ka magpaapekto. What matters is wala kang sinasaktan sa pagiging bakla mo. Regardless of your gender or preferences, you're still human. It's their problem for not accepting someone as awesome as you." Sinimulan niyang paglaruan ang mga daliri ko saka tumungo. "Second of all, kaya naman kita ipaglaban basta huwag ka lang umalis sa tabi ko. Kahit ano pa sabihin nila, ikaw pa rin pipiliin ko." "Paano kung--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinila niya ako at binuhat para maiupo sa mga hita niya. Nakakulong na tuloy siya sa pagitan ng hita ko habang nakasandal siya sa sofa. Sa itsura namin, para ko siyang kinakabayo. "Pangatlo, hayaan mong sumaya sarili mo. Susubukan ko ibigay lahat sa iyo para hindi ka magsisi na maging boyfriend ako. At pang-apat," Ibinitaw niya ang isang kamay sa pagkakahawak sa kamay ko saka dinukot ang bulsa niya. Nakasunod lang ang tingin ko rito at nanglaki ang mga mata ko nang humugot siya ng singsing mula ruon. Nakangiting itinapat niya ito sa akin saka ito isinuot sa palasingsingan ng kaliwang kamay ko. "Pang-apat... tiwala. Tiwala lang hinihingi ko pati pagmamahal mo. Okay na sa akin ang mga iyon basta itatak mo sa isip mo na hindi kita sasaktan na sasadyain ko." I can't help but cry habang nakatingin sa mukha niyang seryoso na nakatingin sa akin. Unti-unti siyang ngumiti saka tinignan ang singsing sa daliri ko bago ito sinimulang paglaruan. I honestly don't know why God gave Drew to me. Wala naman akong ginawang tama masyado pero grabe iyong reward ko. Kahit na maraming nagsasabi na ang pagiging bakla ay isang malaking kasalanan, bakit Niya ibinigay sa akin ang lalakeng ito? Hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin pero ang mahalaga ngayon, masaya ako. Masayang-masaya ako at alam kong ganuon rin si Drew dahil parehas kami ng nararamdaman. "Paano natin sasabihin ito sa kanila?" tanong ko matapos ko humikbi ng ilang beses. Naiiyak pa rin ako hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na sa akin na ang lalakeng pinapangarap ko lang dati. "Sa totoo lang? Hindi okay sa akin na itago ito. Gusto kitang ipagmalaki." Itinaas niya ang mga kamay niya para hawiin ang bangs ko saka pinunasan ang magkabilang pisngi ko. "Gusto ko malaman ng lahat na sa akin ka-- akin ka lang. Pero kung ito ang gusto mo, rerespetuhin ko dahil alam ko na may rason ka at may tiwala ako sa iyo. Pero sana lang, someday, maipaalam natin sa lahat." Tumango ako habang nakangiti ng bahagya. Salamat naman at naiintindihan niya ako. Hindi rin naman okay sa akin na itago ito pero kailangan ko mag-ingat. Ayoko siyang mawala sa akin kapag nalaman ng mga hindi dapat makaalam. Kailangan ko muna unti-untiing linisin ang problema na nakapaligid sa amin. "I'm sorry, Drew." paghingi ko ng tawad saka ko ibinaon ang mukha ko sa gilid ng ulo niya matapos ko siyang yakapin sa leeg. "Basta tiis lang muna." "Pero... tayo na talaga? Official na tayo?" Natawa ako ng mahina dahil sa tanong niya. Talagang gusto niyang sabihin ko pa, eh, ang ipinararating ko na nga sa kaniya sa mga sinabi ko, kami na. Iniangat ko ulit ang sarili ko saka ko siya hinawakan sa mukha. "Tayo na." Mamasa-masa na naman ang mga mata niya kaya mas lalo akong napangiti. "Promise?" Tumango ulit ako para lang mapanatag na siya. "God!" Bigla niya akong hinila palapit saka hinalikan. Masaya ko naman itong tinugon dahil uhaw na rin talaga ako sa halik niya. Kung puwede lang talagang pumatay para maging masaya na ako, papatayin ko na si Seb nang mawalan na ng sagabal sa love life ko, eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD