Gabby
Hindi ko maiwasang matuwa pero may halong inis habang nakatingin sa screen ng laptop ko. I have an idea kung ano at saan galing ang singsing na ibinigay sa akin ng boyfriend ko kagabi dahil matagal ko na itong gusto at ilang beses na yata siyang narindi sa akin dahil kahit kaya ko itong bilihin, hindi ko ginawa dahil ayokong galawin ang pera ng mga magulang ko at ang perang galing sa trabaho ko, ginagamit ko para sa pang-araw-araw na pangangailangan ko.
I blushed at the thought at napangiti ng bahagya. I love the fact that he's officially mine now and how he remember details about what I want at ang sarap lang sa pakiramdam na tawagin siyang boyfriend ko pero mali. Hindi dapat ako matuwa ngayon dahil sa ginawa ng magaling kong boyfriend. I should be mad.
I picked up my phone saka ko sinagot ang tawag niya. He's been calling me nonstop simula nang magresearch ako para lang makumpirma ko ang hinala ko. I know he's worried dahil kanina ko pa siya hindi sinasagot at hindi nagrereply sa messages niya. If he didn't bought this ring for me, baka sinagot ko na kaagad ang messages at mga tawag niya in a heartbeat pero I don't like the situation he is in right now because of this ring.
"Baby--"
"Hindi pa rin ako natutuwa sa ginawa mo." pagsapaw ko sa kaniya.
"Hindi ko magets. Ano bang ginawa ko? Ang alam ko lang, hinalikan kita kagabi and that's it. Kanina pa ako kinakabahan at ayaw mo sagutin mga tawag at messages ko tapos magsesend ka na lang ng message sa akin, hindi ko pa magets kung bakit. What's with huwag akong pumunta diyan?"
Huminga ako ng malalim dahil sa realization nang marinig ko ang sinabi niya. Right. Maguguluhan nga naman talaga siya dahil ang labo ng minessage ko. Now I'm the one who's at fault. "Why, Drew?" pabulong na tanong ko rito.
"Anong why? Puwede ba diretsahin mo na ako. Wala talaga akong maintindihan sa mga nangyayari sa atin. Kasasagot mo lang sa akin kagabi tapos ganito?"
"Andrew Ramirez, you've spent all your money para sa singsing na ito--"
"Pero promise ring ko iyan para sa iyo. So what kung ginastos ko lahat ng pera ko para diyan? Para sa iyo naman iyan so anong problema?"
Right. He did mention that this is a promise ring. As to what he said, it contains his promise that he will not hurt me intentionally. I find that sweet and honestly, nang marinig ko iyan mula sa bibig niya, pakiramdam ko, sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya na hinaluan pa ng matinding kilig.
But still. I don't want him to spend so much para lang sa akin. Kahit naman mapera sila, mahigpit pa rin sina Tito pagdating sa pera kaya limited ang nahahawakan nila.
"Drew, I get that you want to give me gifts pero please know your limits--"
"Why would I limit myself sa pagbibigay ng regalo sa iyo?" he asked, confusion laced on every word. "Boyfriend kita so anong problema?"
I am honestly touched dahil sa sobrang sweetness niya pero why don't he listen to me first? Gusto ko ang ganitong side niya pero ayoko naman na nang dahil lang sa kabibigay niya ng mga bagay-bagay sa akin, wala na siyang makain. It's not like nagtatrabaho na siya. Sina Tita pa rin ang nagbibigay ng pera sa kaniya and as to what I said, limitado pa rin ang ibinibigay sa kaniya.
"Listen to me first." pakiusap ko at mukhang makikinig naman siya dahil hindi na siya nagsalita pa. "Thankful ako sa ginawa mo. I really am. Biruin mo, inubos mo pera mo para dito? Who wouldn't be thankful for that? Ang ayoko lang, iyong mauubusan ka ng pera nang dahil lang sa akin."
"Pero... boyfriend kita."
"I know." I chuckled dahil para na naman siyang bata na hindi maintindihan ang mga sitwasyon. He's so adorable. "I love you, okay? I don't need these material things; ikaw ang gusto ko."
"Aaaahhh." he groaned na parang nafu-frustrate. Anong nangyari sa kaniya? "Gusto ko tuloy pumunta diyan para yumakap sa iyo. Pinakikilig mo ako matapos mo akong takutin."
"Siraulo ka kasi." matawa-tawang sinabi ko saka ko isinara ang laptop. Gumulong ako sa kama saka ibinalot sa akin ang kumot ko. "But next time, don't do that again unless marami kang naitagong pera, okay?"
"Okay po." Mas lalong lumaki ang ngisi ko dahil sa pag-po niya. Simpleng bagay lang pero grabe ang impact sa akin. Ang landi ko, diyos ko.
Bumangon ako't pumunta sa bintana to check if malakas pa rin ang ulan. It still is. "Sige na. I need to go. Papasok pa ako. Mag-ingat ka sa school niyo; masyadong malakas ang ulan."
"Gab?"
"Yeah?"
"Bakit hindi mo ako tinatawag na baby or babe or what? Naiilang ka ba? Hindi ka sanay?"
"Ang cheesy mo." biro ko dito kahit alam kong seryoso ang tanong niya.
"Medyo disappointed lang ako kasi ang tagal ko na talagang gusto itawag sa iyo iyan pero hindi ka yata kumportable. But that's okay. Ayos lang kung hindi mo ako kayang tawagin niyan. As long as you're mine, that's all that matters--"
"Babe." pagsapaw ko sa kaniya kaya napatigil siya sa pagsasalita. Ilang segundo siyang natahimik sa kabilang linya at tanging ang sunod-sunod na paghinga niya lang ang naririnig ko.
"Thank you." pabulong na sinabi niya pero alam kong sincere ang pasasalamat niya. Another thing I love about him is simple things can make him happy.
I really love everything about him.
--
Tamad akong tumango habang nagkukwento si Seb. He's laughing his heart out dahil sa joke na akala niya ay nakakatawa. To be completely honest, hindi ako natawa sa joke niya. Ang corny kaya. Hindi ko rin alam kung hindi ako natawa dahil sa galit ko sa kaniya o talagang corny lang ang joke niya.
We're having a date at a mall. I ditched my boyfriend for this ass and I feel guilty. At the back of my mind, gusto ko sabihin kay Drew ang kalagayan ko pero kapag sinabi ko naman iyon, alam kong malaking gulo ang mangyayari.
Alam kong ang initial reaction niya ay magagalit at syempre, hindi maaalis ang sakit na kakain sa kaniya. Takot ko na lang rin na baka sugurin niya itong lalakeng ito. Ayoko namang makapatay ang boyfriend ko. At ang pinakakinatatakutan kong mangyari, hindi niya ako pakinggan at magmatigas, na most probably ay mauwi sa hiwalayan. For Pete's sake, kalian lang nagkaroon ng kami tapos maghihiwalay kaagad kami? I don't want that to happen.
"Gabby?" pagkuha nito sa atensyon ko kaya ko ito nilingon. "May problema ba?"
Oo. Ikaw ang problema ko.
"Wala naman." nakangiting sagot ko rito. "May iniisip lang."
"I see." naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at matinding pagkailang ang naramdaman ko. We're out in public at sigurado akong pandidirihan kami ng mga makakakita sa amin. Isa pa, natatakot ako na baka may makakilala sa akin gayong anak ako ng sikat na mga artista.
Marahan kong binawi ang kamay ko pero humigpit ang pagkakahawak niya. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya nakita ko ang pagtataka sa mukha niya na sinabayan pa ng pagtaas ng isang kilay. "Sorry," pabulong na sinabi ko saka ko tuluyang hinila ang kamay ko. "Baka may makakita."
His hand is warm and all pero hindi ko ito gustong hawakan. Pakiramdam ko talaga nagtataksil ako kay Drew kahit pa labag sa loob ko ang mga ginagawa sa akin ng kasama ko ngayon.
"So?" Akmang hahawakan niya ulit ang kamay ko pero umatras ako kaya natigilan siya. "Ganuon mo ba kaayaw sa akin?"
If I have feelings for him, I would feel hurt dahil parang todo siyang nasaktan sa ginawa ko. Sa tono rin ng boses niya, sobrang hina, to the point na parang hindi niya kayang bigkasin ang mga katagang iyon.
I understand that he loves me but I want him to understand na, oo, nagkamali ako dahil na-lead on ko siya dala ng kasabikan ko pero bakit ayaw niyang ipasok sa kokote niya na hindi ko siya gusto, at hindi ko siya magugustuhan lalo dahil sa pagkukulong niya sa akin sa isang sitwasyon para lang mahawakan ako sa leeg at mapasunod sa lahat ng gusto niya. Tulad ngayon, tinakot niya na naman ako gamit ang video para lang pumayag ako sa date na ito.
Hinila ko siya hanggang makarating kami malapit sa cr. Sakto kasi na wala masyadong tao rito kaya naisip kong dito kami mag-usap. "To answer your question, Seb, oo. Kasi hindi tama iyong mga ginagawa mo sa akin. Hindi mo man lang ba kino-consider ang nararamdaman ko? Are you that selfish?" mahinahong sagot ko dahil ayoko naman na magtaas ng boses at baka magalit siya. Gusto ko lang makarating sa kaniya ang mga nararamdaman ko kasi sa totoo lang, gabi-gabi akong napaparanoid dahil baka kung anong ipagawa niya sa akin o baka naman magsawa siya bigla at mabore, na siyang maging dahilan para ikalat ang video namin. Lugi ako kung sakali kasi puwede niya itong i-edit at takpan ang mukha niya so ang ending, ako lang ang mapapahiya.
"Sorry." nakatungong sinabi niya pero kaagad niya rin binalik ang tingin sa akin. "Ginagawa ko lang naman ito dahil gusto talaga kita. Alam kong mali itong ginagawa ko pero kung sa ganitong paraan, magkaroon ako ng chance para mapunta ka sa akin, then itutuloy ko ito. Desperado ako, Gabby. I hope alam mo kung anong nagagawa ng desperation sa tao."
"So wala ka talagang balak tumigil?"
Umiling siya't binigyan ako ng maliit na ngiti. "Wala."
Nagpahila na lang ako sa kung saan-saan. Enjoy na enjoy siya mga ginawa namin. Wala naman akong kawala kung kaya't inenjoy ko na lang rin habang iniisip na si Drew ang kasama ko. Ayoko man magtaksil sa kaniya - kung pagtataksil ngang matatawag ito - ay wala akong magagawa. Puwede akong magmatigas pero kapalit naman nuon ay ang kahihiyan ko at ng pamilya.
I'd rather suffer than see my family hurt because of the shits that surround me.
Last stop na ginawa namin ay sa grocery store. As usual, wala sa sarili akong nakasunod sa kaniya dahil napagod talaga ako sa kalilibot namin sa mall. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang nakita ko.
It's my brother.
He's been gone for so long at wala kaming balita tungkol rito. I know na kahit sino sa amin, walang nakakaalam kung saan ito nagtatago kaya himalang nakita ko ito ngayon.
I contemplated kung lalapitan ko ba ito o hindi na lang papansinin pero may sariling buhay yata ang mga paa ko dahil dinala ako nito sa tabi ng kapatid ko. At bago ko pa man matuloy ang tangka kong pag-alis, nahawakan ko na ang laylayan ng damit nito.
Natigilan ito sa pagtingin sa mga pagkain na nasa rack at gulat na napatingin sa akin. "Gabby?" pabulong na tawag nito sa akin.
Hanggang ngayon ay galit pa rin ako dito. Hinayaan niyang malungkot sina Mama para lang makaalis siya sa bahay namin. He only left a note that day and he didn't even bother na magpaalam kung saan siya manunuluyan.
Well I'm no different dahil umalis rin ako para sa pangsariling dahilan.
Lahat kami, nalungkot at nasaktan dahil iniwan niya kami. Alam ko naman na may kinalaman sina Kuya Dane at Ate Ella kung bakit siya umalis. Magmamahal na lang kasi silang dalawa, iisang babae pa. Kung puwede nga lang hatiin si Ate Ella para lang maibigyan rin ito si Kuya Travis, ginawa ko na nang sa gayon hindi na ito umalis noon sa bahay namin.
"Kuya Trav," Parang may bumara sa lalamunan ko habang nakatingin ako sa kaniya. Hindi ko naman maiiwasang maiyak dahil kahit na barumbado ang kapatid kong ito, mahal na mahal ko ito.
"Gabby, sino siya?" Napatingin ako kay Seb na biglang nagsalita sa gilid ko. Nakatingin ito ngayon sa kamay kong nakahawak sa laylayan ng damit ng kapatid ko. Nakakunot ang noo nito at alam kong hindi niya gusto ang itsura ko ngayon.
"Kuya ko." medyo kumalma na ang ekspresyon niya. Talagang sinagot ko kaagad siya dahil ayokong magkaroon pa ng kung anong gulo rito. Baka isipin niya nilalandi ko ito. Tinapunan ko ng tingin si Kuya bago ko ibinalik ang tingin ko sa kaniya. "Puwede bang mauna ka na? Kailangan ko lang kausapin ang kapatid ko."
He hesitantly nodded kaya nginitian ko ito ng bahagya bilang pasasalamat. Buti naman at nakaramdam siya. Kahit papaano pala, may matino pa rin siyang pag-iisip.
Napunta kami ni Kuya sa Sbarro. Naupo lang kami sa table na nakalaan para sa mga customer ng restau. Sobrang tahimik niya at kahit alam kong hindi niya gusto sumunod, sumunod pa rin siya.
Alam ko na kahit matigas siya, kinakabahan pa rin siya. He isn't his usual self-- the chatty one. And to justify my thoughts, I saw him tensed as he sat down. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa akin.
Hindi ko alam pero mukha siyang kawawa base sa itsura niya ngayon. He has stubbles on his face, na ayaw na ayaw niya magkaroon dahil gusto niya talaga ang shaved. Medyo pumayat rin ito at nakapangbahay lang, which is weird dahil hindi ito pumupunta ng mall na hindi nakapang-alis.
"Gabby?" tanong niya saka iniangat ang tingin pero may panaka-nakang pag-iwas pa rin. "Anong pag-uusapan natin?"
"You know what we need to talk about, Kuya." madiing tanong ko rito saka ko ipinagdaop ang mga palad ko. "Saan ka ba nagpunta? Two years, Kuya. Two years ka naming hinanap."
"That's none of your business, Gabby."
"That is my business, too, Kuya. Kapatid mo ako. Isn't that enough reason para ipaalam sa akin kung saan ka napunta?"
"I need some time alone, okay?" asik nito saka ako inirapan.
"For two whole years?!" pabalang na tanong ko. "Two years na since they last saw you! You only communicate with them through email! Kung hindi ka pa nag-eemail, iisipin naming patay ka na! You could've at least called us but no! Napakasadista mo pa rin kaya kahit ang bagay na iyon, ipinagkait mo pa sa amin!" I don't care kung pagtinginan kami dahil halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. "Do you know kung gaano kasakit para sa amin iyon? Iyak nang iyak si Mama nang umalis ka."
"Look," Humugot siya ng malalim na paghinga saka sinapo ang noo niya matapos ipatong ang braso sa lamesa. "I'm sorry, okay? Kinailangan ko iyon para sa sarili ko."
"So you're still selfish? What about us, Kuya? Iniisip mo ba kung anong nararamdaman namin while you are away?! Kung hindi pa kita nakita rito, hindi ka pa ba magpapakita sa amin?"
"You don't understand, Gabby. I need to move on dahil ayokong guluhin pa sina Kuya."
"So instead of facing your problem, you just ran away."
"I did not run away, okay?" Napabuntong-hininga ako nang medyo tumaas na ang tono ng boses niya. "I need to run away. Natatakot akong baka kung anong magawa ko kapag hindi pa ako umalis. You know how obsessed I was with Ella. Ilang beses akong nasaktan noon and you know the things I did just to break them up. Ang dami ko nang kasalanan kay Kuya at wala akong mukhang maiharap sa kanila, lalong-lalo na kay Ella."
"Pero Kuya--"
"Oo, aaminin ko na ang duwag ko pero wala naman akong choice, Gabby. Wala akong choice kung hindi magpakaduwag kasi ayokong nakawin iyong kasiyahan ng kapatid natin. Marami na ako masyadong kasalanan sa kaniya at ayoko nang dagdagan pa ang mga iyon."
"Alam mo, Kuya, gusto kitang intindihin pero hindi ko magets kung bakit--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang ginulo niya ang buhok ko saka ngumiti ng bahagya. "Sorry, Gabby, pero takot lang talaga ako. Hindi ko na gustong balikan ito at walang nakakaalam nito bukod kay Kuya pero baka sakaling maintindihan mo ang pinaghuhugutan ko kapag ipinaalam ko ito sa iyo."
"Ha?" Napasandal ako't tinignan siya ng may pagtataka dahil sa sinabi niya.
Lumingon muna siya sa paligid para tignan kung maraming tao. Well iyon ang interpretation ko sa ginawa niya. "You know what I'm afraid of? Baka kapag nagkita ulit kami, mademonyo na naman ako. Up until now, I still like her at natatakot akong baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko. Ginapang ko siya noong hindi pa sila ni Kuya. Kung hindi ko pinigilan ang sarili ko noon, baka mas malala pa ang nangyari. I even acted like si Kuya ang nanggapang sa kaniya. That was the time na nakipagsuntukan ako sa kapatid natin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero pagkagising na pagkagising ko, suntok niya kaagad bumungad sa akin. And that time na nagpunta tayo sa resort? Iyong second time na nagsuntukan kami? I saw how they made love and how she gave Kuya her first. It killed me, Gabby. Sa sobrang selos ko, I tried to r**e her. I thought that she wasn't being fair. Bakit si Kuya palagi? Bakit hindi ako? Gabby, that's the second time. Kung hindi ko na naman napigilan ang sarili ko, who knows what could've happened. Alam ko na sobrang uncomfortable na pag-usapan ito para sa iyo dahil kapatid na kung ituring mo ang Ate Ella mo pero gusto ko lang ipaintindi sa iyo kung anong nagagawa ko kaya kinailangan ko umalis. I'm a sick f**k, Gabby. I'm sick in the head. I'm disgusting and I don't even know if I'm still human."
Napakagat ako sa ibabang labi ko at hinayaan ang sarili ko na umiyak. Hindi ko naman alam na ganito ang pinagdadaan niya. I would love it if umuwi na siya pero kung kailangan niya talaga ng time para ayusin ang sarili niya, then I guess I have no choice. We have no choice rather. We have no choice but to let him fix himself dahil ayoko namang mas mahirapan siya lalo pa't kapag umuwi siya, makikita niya ang dalawang tao na nakakapanakit sa kaniya.
I love my brother to bits and if this is his decision, wala akong magagawa. Mas lalo namang hindi ko kakayanin kung makikita ko araw-araw ang kapatid ko na nasasaktan dahil sa pagmamahal niya.
Maling-mali na nagalit ako sa kaniya, to the extent na hindi ko na siya inisip bilang kapatid. I literally erased him from my world by killing him in my mind dahil sa ginawa niya. Ang hindi ko alam, mabigat pala ang pinagdaraanan niya. I guess Ate Ella is his greatest love. Hindi naman niya ilalayo ang sarili niya ng ganuon katagal para lang makalimot, makapanakit at hindi na makapanggulo.
Nakakagulat nga rin na ang dating sisiga-siga, na nagkaroon pa ng gang, tumiklop dahil sa isang babae. Itinago niya man sa amin, I still knew about his gang. Well I accidentally learned about it nang marinig ko siyang nakikipag-usap noon sa telepono.
"Can we still get in touch, Kuya?" tanong ko matapos ko punasan ang magkabilang pisngi ko. Basang-basa na kasi ang mukha ko gawa ng luha. "I promise na walang makakaalam nitong pagkikita natin and I won't give them your number. Gusto ko lang masigurado na okay ka."
"Halika nga rito." Tinapik niya ang katabing upuan niya saka ako niyakap ng mahigpit. With this hug, I can feel how sad he is; I can feel his longing to be back in our family; I can feel how much he loves me, how much he loves us. "Ikaw talaga. Kaya ikaw pinakafavorite ko sa mga kapatid ko, eh."
We ended the day with another hug before we bid good bye. I got his number kaya mas nakampante ako sa kalagayan niya. He might not be okay for now but I hope he will be someday. Sana lang may dumating na babaeng magpapasaya sa kapatid ko dahil alam kong marami na siyang sinayang na oras dahil sa ginawa niyang paglayo sa amin.