Gabby
Same rainy day. Wala akong magawa. I'm even thinking na sana pala pumasok na lang ako para may magawa ako. Gusto ko man gumala, wala naman akong mapupuntahan. There's the mall pero nakakatamad bumyahe na sobrang lakas ng ulan.
"Hey," I pressed send, hoping na sana hindi siya busy at magreply sa akin. Mula sa pagkakaupo sa silya na nasa tabi ng bintana, tumayo ako at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. Gusto ko lang labanan ang antok ko dahil ayoko namang masayang ang araw na ito na dahil lang sa pagtulog.
Iminax out ko na rin ang notification tone para malaman ko kung may nagreply na ba o wala pa. Minutes passed, wala pa rin kaya nadismaya ako. I just want someone to talk to. Dala-dala ang baso ng kape ko, dumiretso ako sa kama saka binuksan ang laptop. Manunuod na lang ako ng movies.
I was busy sipping my coffee when I got interrupted by a knock on the door. Kunot noong tumayo ako saka inilapag ang kape at laptop ko sa bedside table. Sino naman kaya ang bibisita sa akin?
I thought of Drew kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa salas. I'm really hoping it's Drew. Gusto ko nang magkaayos kami. Ang lungkot-lungkot kasi kapag wala siya. I ran up to the door then opened it but to my dismay, walang katao-tao rito. Tanging maliit na kahon lang na may drawing na smiley face at mga salitang Rainy Morning ang nakasulat kasama ito.
Bumuntong hininga ako dahil sa disappointment saka lumingon sa magkabilang direksyon, hoping na sana man lang makita ko si Sebastian dahil alam ko na sa kaniya galing ito. Pinulot ko ang kahon saka pumasok sa kwarto at dumiretso sa kama.
Tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha at binuksan ang message. Napangiti naman ako kahit papaano sa nabasa ko.
"Hey. Good morning. :)"
"Good morning rin. I thought busy ka. Usually kasi mabilis ka magreply. Kanina, ilang minuto na wala pa rin."
"Missed me?"
Ang kalandian ko, umiral na naman. Hindi ko kasi maiwasang kiligin kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. Itinabi ko ang kahon saka ko ibinagsak ang katawan ko sa kama. Paano kaya kung boyfriend ko ito si Sebastian at mga ganitong message ang mare-receive ko mula sa kaniya. Iniisip ko pa lang, natutuwa na ako.
Hello Kitty, siya na ba ang matagal ko nang hinihintay?
"Kapal ng mukha mo. Thank you for the chocolates pala. Hindi mo naman na kailangan gawin ito, eh." Feeling ko kasi, sa mabubulaklak na salita niya pa lang, mahuhulog na ako. Freebies na lang talaga itong chocolates.
"Wala lang. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na gusto talaga kita. Hayaan mo lang akong gawin ito."
Nakipag-usap lang ako sa kaniya buong magdamag through call. Nakakapagod kasi kung puro ako type sa message. Buti nga at nasaktong restday niya kaya may nakausap ako. I decided to open up to him dahil pakiramdam ko naman, puwede ko siyang pagkatiwalaan at genuine siyang tao.
I told him about my problems with Drew. Siyempre limited pa rin dahil ayoko namang exposed na exposed ang mga iniisip ko sa kaniya. He listened attentively and even gave me some advice, and I'm grateful for that.
"Ano ba talaga ang mayroon sa inyo? Kayo ba?" mahinang tanong niya.
I was caught off guard sa tanong niya kaya ilang segundo akong natahimik pero nang makarecover ako, kaagad rin naman akong sumagot. "No, hindi kami. Magbestfriend kasi kami."
"Well, it sounds like you guys are together. Good to know na hindi kayo. For a second, akala ko wala akong chance sa iyo."
"Sira, imposible naman mangyari iyang iniisip mo."
Imposible talaga dahil dati pa man, ginawa ko na ang lahat para hindi lumalim ang paghanga ko kay Drew. Buti nga at nabura na sa mundong ibabaw ang pagkakagusto ko sa kaibigan ko. Hindi kaya convenient sa pagkakaibigan ang one-sided feelings.
I remember, back then, isang linggo ko siyang hindi kinontak o ni magpakita the day after may nangyari sa amin. Siya ang paulit ulit na nagtext at tumawag sa akin. I admit, pakiramdam ko noon, babae ako at may lalakeng naghahabol sa akin dahil mahal ako pero lahat ng iyon, ibinasura ko dahil sa matinding pagsisisi sa ginawa ko.
Buong linggo rin akong hindi pumasok dahil sa pagsisisi at dahil na rin nalaman ni Drew kung saan ako pumapasok. Ni number ko nga, nakuha niya nang hindi ko ibinibigay. Siguro kinuha niya noong tulog pa ako nang may mangyari sa amin. Hindi naman uso sa akin ang lock sa phone dahil wala naman akong itinatago. Ang tanging hindi niya alam ay kung saan ako nakatira. Mabuti naman at mautak sina Izzy at Kuya dahil inalam nila sa akin kung sino si Drew kaya hindi nila ibinibigay ang address namin. Ilang beses nga nila ako inaway noon dahil nahihirapan na raw sila humahanap ng paraan para lang hindi sila masundan pauwi ni Drew.
Takang taka nga sila kung anong namamagitan sa amin noon. Umabot pa sa punto na akala nila stalker o boyfriend ko ito.
Naisip ko rin noon, ganuon ba siya kasabik magkaroon ng kaibigan? Ang sagot, oo. Nalaman ko rin kina Tita at sa kuya niya na nagkaroon ng insidente na muntik nang ikamatay ni Drew. Hindi raw ito nagsasabi sa kanila tungkol sa pinagdaanan nito sa iskwelahan nila. Nasagap lang nila ang balitang target ito ng bullying at umabot pa sa punto na binuhat siya ng mga kaklase niyang lalake para biruing ihuhulog siya mula sa 4th floor ng kanilang school. Kung hindi raw ito napakapit noon sa railing, malamang ay wala na si Drew. Kahit naman ako, mawawalan rin ng tiwala sa mga taong nakapalibot sa akin kung gawin rin sa akin ang bagay na iyon. Naging target ako ng bullying pero hindi umabot sa point na halos patayin na nila ako. Pinatay lang nila ang pagkatao ko gamit ang mga salita nila.
Hindi rin maialis sa isip ko na baka kaya siya naghahabol sa akin ay dahil naging hayok na siya makipagsex sa kapwa niya, na iyong pagiging straight niya, nawala nang dahil sa akin. Sa mga pag-iisip kong iyon kaya ako nilamon ng depresyon, stress at pagsisisi.
Kung hindi ko lang sana siya inakit, hindi ako magsisisi. Nanduon na, eh. Puwede ko na siya maging kaibigan nang walang nangyayari sa amin kasi pinapasok niya na ako sa buhay niya the moment na yayain niya akong maglaro sa kanila. Pero dahil sa katangahan at kalibugan ko, sinira ko siya pati na ang sarili ko.
Nakakadiri ako.
Kaya matapos ang isang linggo, napagpasyahan ko na makipagkita sa kaniya para humingi ng sorry dahil sa pag-iwas ko. Iniyakan niya pa nga ako noon kasi akala niya, ayaw ko rin sa kaniya. Nakakatuwa ang pagiging isip bata niya noon dahil simula nang maging magkaibigan kami, nalaman ko na kahit sa simpleng bagay, umiiyak siya - tulad na lang ng movies. Napakababaw ng luha niya.
Inaway niya ako nang inaway nang magkita kami noon pero tinanggap ko lahat ng salita niya. Kasalanan ko naman kasi. Nabringup niya lang noon ang nangyari sa amin para ipaalam niya sa akin na ginusto niya rin ang nangyari. Sinabi pa nga niya na kung gusto ko raw ay gawin ulit namin, huwag lang ako ulit umiwas kasi wala na siyang kaibigan.
Mariin ko namang tinanggihan iyon at simula nang magkaayos kami, kahit sobrang nahirapan ako burahin ang pagkakacrush ko sa kaniya, ginawa ko ang lahat para lang hindi na humigit pa sa pagkakaibigan ang tingin ko sa kaniya.
"Sa makalawa na ang birthday mo, hindi ba?" Sumagot naman ako ng oo sa tanong niya saka inubos ang natitirang kape sa mug ko. "May gusto ka bang regalo?"
Ang magkaayos kami ni Drew. Iyon lang.
"Nothing specific. Kahit ano naman, tatanggapin ko."
"That's good, then. Ireregalo ko na lang sarili ko sa iyo para tanggapin mo ako bilang boyfriend mo." Natawa naman ako sa banat niya kaya pati siya ay natawa na rin. Nagugulat pa rin talaga ako sa mga banat na bigla na lang niya pinakakawalan. Kung ganitong boyfriend ba naman ang ibibigay sa akin nina Lord at Hello Kitty, buong puso ko itong tatanggapin.
"Thank you." mahina at seryosong sinabi ko. Inilayo ko sa tainga ko ang cellphone ko saka ko pinress ang loudspeaker para marinig siya. 36 minutes na pala kaming nag-uusap.
"Para sa?"
"For making me happy. Sobrang down talaga ako ngayon and I need this."
"Wala iyon. I'm sure magkakaayos pa kayo ng kaibigan mo. Base naman sa kwento mo, mukhang hindi ka rin matitiis nuon."
"I hope."
Another day rolled in and tomorrow will be my 25th birthday. In a way, I'm excited kasi makakasama ko na ulit ang mga mahal ko sa buhay to celebrate a special day. Another thing is that, makikita ko na si Sebastian.
Yes, I decided to push through with the date. Sa umaga kami magkikita. Gusto niya sana sa gabi pero sinabi ko na magkakaconflict dahil sa gabi kami maggeget together ng pamilya ko. I decided to go with it because I want myself to be happy. Not that I'm not going to be happy with the get together. Ibang kind ng happiness naman itong meet up na gagawin ko.
I'll be happy in a romantic way, if there's such a thing.
Pero sa kabila ng excitement, may parte pa rin sa akin ang malungkot dahil hindi pa rin ako kinakausap ni Drew. I wanted to celebrate my birthday with him, too kaya lang ni magpakita, ayaw niya talaga. Izzy even asked me kung magkaaway kami dahil naikwento raw ni Drew sa kaniya.
The only answer that I can come up with is I don't know. Totoo naman. Hindi ko talaga alam. Kasi sa sarili ko, alam ko na hindi naman kami magkaaway. Siguro tampuhan pero hindi tama na tawagin itong pag-aaway.
"Izzy, can you help me out?" pakiusap ko habang iniaayos sa lamesa ang mga pinamili ko. Ang laki ng nawala sa natitirang pera na nasa akin dahil sa mga pagkaing binili ko.
Naisipan ko kasi na gawan si Drew ng mga paborito niyang pagkain. Waffles, leche flan, cupcakes at tiramisu. Hindi ko totally alam iluto ang mga ito kaya naisipan ko na magpatulong sa kapatid ko. Mas maalam kasi siya sa mga bagay na ito kaysa sa akin.
Gusto ko kasing humingi ng tawad kay Drew. Hindi na kasi ako makatulog dahil sa kakaisip sa kaniya. Hindi ako sanay sa ganitong lagay namin. Kapag nagtatalo naman kami noon, madali naman naming nasusulusyunan.
Napapaisip tuloy ako sa relasyon namin. Para kaming magsyota kung mag-away minsan. Kaya hindi maiwasan minsan nila Kuya na asarin kaming parehas dahil sa sobrang close namin. Hindi ako sigurado pero malamang, hindi ganito magturingan at magbuhos ng effort ang ibang magkakaibigan tapos dito pa siya natutulog madalas kaya mapagkakamalan talaga kaming magsyota nito.
"Kuya, alam mo naman na may date ako, eh." reklamo ng taong nagbukas na pinto, na alam ko namang si Izzy. "Bakit hindi na lang kay Kuya Dane? Or kay Mama at Papa?"
Napairap na lang ako habang papalapit siya nang papalapit sa kung nasaan ako. "Wala kang kwentang kapatid, alam mo iyon?"
"Kayo ni Kuya Drew ang may problema, bakit nadadamay na naman ako?" Nakalapit na siya sa tabi ko at sinimulang buksan ang mga plastic na naglalaman ng mga gagamitin namin. "Sakto lagi kayo ni Kuya Dane magrequest. Kung kailan may lakad ako, saka kayo hihingi ng tulong."
"Alam mo, tumahimik ka na lang riyan at nang makapagsimula na tayo para maaga itong matapos. Isa pa, magde-date kayo, ang lakas-lakas ng ulan? Mga baliw na ba kayo?"
"Tse. Bakit ba kasi hindi mo na lang siya puntahan sa bahay nila?" Tumigil siya sa pagbubukas ng mga plastic saka humila ng upuan. Naupo siya rito saka ako pinitik sa tainga kaya tinignan ko siya ng masama. "Landiin mo lang iyon, magiging okay na kayo, eh."
"Huwag mo kaming itulad sa inyo ng boyfriend mo. Isa pa, bestfriend ko si Drew, hindi boyfriend."
"Kuya, para namang hindi ko kayo kilala. Ilang beses na kayo nag-away. Ilang beses niyo na ako dinawit sa away niyo. Isang harutan niyo lang, nagkakaayos na kayo, eh."
"Alam mo, tigilan mo nga ako. Tumulong ka na lang. May ikukwento rin ako sa iyo mamaya. Hindi ko ikukwento iyon hangga't hindi tayo natatapos magluto."
Kaagad naman siyang tumayo at nagsimula sa pagluluto. Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil sa ginawa niya. Napakachismosa talaga nito pagdating sa akin. Alam niya kasi na bihira ako magkwento at kapag nagkwento ako, masyadong juicy.
Ikukwento ko kasi sa kaniya si Sebastian. Hihingiin ko na rin siya ng payo. Baka kasi may matino siyang masabi sa mga plano ko para bukas. Hihingi na rin ako ng tulong sa dapat kong suotin sa date ko bukas. Gusto ko naman magmukhang tao sa harap nito.
Ilang oras rin ang ginugol namin sa paghahanda. Pati nga si Jean na boyfriend ni Izzy ay pinapunta ko na rito dahil kanina pa tawag nang tawag. Hindi raw kasi ipinaalam ng kapatid ko na pinapunta ko ito rito. Minsan talaga, ang sarap saktan nitong kapatid ko. Mag-aaway pa sila nang dahil sa akin, eh.
She decided na magkwento ako at sila na raw ang magluluto. Hindi talaga siya makatiis na hindi makarinig ng chismis. Nagkwento naman ako tungkol kay Sebastian. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang boyfriend niya, masaya para sa akin samantalang siya, hindi.
"Kuya, lalandi ka na lang, sa maling tao pa."
"Hindi ako lumalandi. Nakikipag-usap lang naman ako ng normal. Siya itong lumalandi sa akin."
"Malandi ka. Kita mo, pupunta ka bukas sa date niyo. Kung ako lang, hindi ako papayag. Pero dahil desisyon mo iyan, wala akong magagawa. Alam mong kayo ni Kuya Drew ang shiniship ko, bakit sa iba ka lalandi?" Inilabas niya na sa ref ang ginawa naming leche flan saka tumabi sa akin. Pati si Jean, umupo rin sa tabi ko, so bale pinagigitnaan na ako ng malalanding magjowang ito.
Nakangiting bumaling ako sa kaniya saka siya hinawakan sa tainga. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi nga kami ni Drew dahil magbestfriend lang kami. Isa pa, gumalang ka nga. Mas matanda ako sa iyo."
"Whatever."
Gabi na rin nang maiayos ko nang lahat ng dadalahin ko para kay Drew. Umalis na rin naman ang dalawa para ituloy ang date nila. Pinagsabihan ko nga dahil malakas pa rin talaga ang ulan pero hindi sila nagpapigil at talagang pinush ang lakad nila.
Nagbook lang ako ng taxi dahil wala naman akong kahit anong auto na mayroon sa condo. Hindi ko kasi kinuha sa bahay iyong kotse na ibinigay sa akin ni Papa noong nag-18 ako. Medyo malabo ang daan dahil sa lakas ng ulan kaya naawa ako sa driver. Kahit kasi matanda na siya, nagagawa niya pa rin magtrabaho kaya ang ginawa ko, nang maihatid niya ako sa subdivision nina Drew, binigyan ko siya ng extrang isangdaan. Tinanong nga ako ng driver kung bakit pa ako nagpahatid kung sobrang lapit lang ng pupuntahan. Isang ngiti na lang ang isinagot ko sa kaniya kaya hindi na siya nagtanong pa.
Hindi kaagad ako nakapasok dahil kailangan pa may sumundo sa akin na nakatira sa subdvision. Hindi na rin ako matandaan ng isang guard dahil sa tagal ko nang hindi nakakabisita rito at iyong isang guard naman, mukhang bago lang.
Minessage ko si Tita, iyong mama ni Drew, at sinabing nandito ako sa guardhouse. Natawa naman ako dahil puro naka-uppercase ang letters ng message niya. Sinabi niya kasi na pasaway raw ako at bakit ako sumugod gayong malakas ang ulan.
Hindi rin naman nagtagal nang sunduin ako ng kapatid ni Drew, si Kuya Daniel. Hindi rin ako nakaiwas sa pangangaral nito habang naglalakad kami papunta sa bahay nila. Kahit naman kasi ako, pagsasabihan ko talaga ang gumawa ng ginawa ko kasi delikadong bumyahe ngayon dahil sa lakas ng ulan.
Medyo nabasa ako nang makarating kami dahil isang payong lang ang dala ni Kuya nang sunduin ako. Sakto namang pagkapasok ko, mula sa pintuan, nakita ko si Drew na paakyat sa second floor. Nakapajama lang ito at sando na fit na fit sa katawan niya. Lumingon ito, siguro para tignan kung sino ang pumasok. Nagtama ang mga mata namin ng ilang segundo bago siya pumihit at tuluyan nang umakyat. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang mga kamay niya dahil parehas nakaform ito ng "f**k you" sign.
Pasaway.
Kahit isang taon na ang nakalipas noong huli kong punta rito, despite the fact na sobrang lapit nito sa amin, wala pa rin halos nagbabago sa pwesto ng mga gamit. Marami pa ring mga pinggan na magaganda ang design na nakadisplay sa bawat sulok ng bahay. Nakasabit pa rin ang family portrait nila na pinagigitnaan ng pictures nila - graduation at random family pictures.
Kinausap lang ako saglit nina Tito at Tita habang si Kuya naman ay nagpaalam na aakyat dahil may kailangang gawin. Tinanong rin nila kung bakit ako nagdala ng mga pagkain pero alam kong alam nila na para ito sa anak nila. Siguro gusto lang nila na sa akin manggaling. Alam nila kung gaano kami kaclose ni Drew kaya hindi na bago ang mga ganitong bagay sa amin, iyon bang pagdalaw sa kani-kaniyang bahay habang may dalang pagkain.
Umakyat na rin naman ako dala ang mga container para makipag-ayos sa kaibigan ko. Sana lang talaga magkaayos na kami dahil hindi ko kaya iyong ganito kami.
"Drew?" pagtawag ko sa kaniya habang kinakatok ang pintuan ng kwarto niya. Ilang beses ko pa inulit ang pagkatok pero hindi pa rin niya binubuksan. Napabuntong hininga ako dahil alam ko kung gaaano katigas ang ulo ng lalakeng ito. Kaya ang ginawa ko, itinabi ko sa gilid ng pintuan ang mga container saka ako bumaba para hanapin si Tita. "Pahiram naman po ng susi sa kwarto ni Drew. Ayaw kasi ako pagbuksan." pakiusap ko kay Tita nang mahanap ko ito sa kusina. Nagpunas siya ng kamay dahil basang basa ito gawa ng paghuhugas niya ng pinggan.
"Nako, nasa kaniya iyong susi. Kinuha niya kanina sa papa niya nang malamang pupunta ka rito."
Hindi ko maiwasang sumimangot dahil sa nalaman ko. He's really clever. "Ganuon po ba?"
Tumango ito saka ako nginitian ng bahagya. "Ano ba kasing nangyari? Ayaw magkwento sa akin nuong kaibigan mo, eh."
Wala, Tita. Hindi niya pa rin kasi tanggap na pinagsisisihan ko ang nangyari sa amin noon.
As if naman na sasabihin ko iyan.
"Nothing big naman po. May topak lang talaga iyang anak niyo." matawa-tawang sagot ko. I need to get away from Tita. Kilala ko ito. Malakas mang-interrogate ito, parang si Mama. "Gawan ko na lang po ng paraan." Pumihit na ako patalikod at umakyat ulit. "Drew, please open up." pakiusap ko habang paulit ulit na kinakatok ang pintuan nito. "Dinala ko mga favorite mo. Hindi mo ba ako pagbubuksan?"
I still haven't got any response kahit ilang beses ko na siyang kinatok at tinawag. Lumabas pa nga si Kuya Daniel sa kwarto niya para tignan kung anong nangyayari dahil panay ang katok at tawag ko kay Drew. Pati siya, kinatok at sinabing buksan ang pinto pero hindi sumunod si Drew.
"Tigas ng ulo." Bumuntong hininga si Kuya saka ako tinignan. "Wala na akong magagawa dyan. Bahala ka na."
Tumango na lang ako kaya tumalikod na ito at bumalik sa kwarto. "Drew..." Kumatok ako ng isang beses saka ko hinawakan ang doorknob. Inikot ko ito kahit alam kong walang mangyayari. "Sorry na." halos pabulong kong sinabi. Balak ko na sanang umalis pero naalala ko na malakas ang ulan. Wala namang problema sa akin kahit lumakad ako pabalik sa condo kaya lang siguradong pipigilan ako nina Tita at baka ipahatid pa ako kay Kuya Daniel. Ayoko namang makaistorbo. Ilang segundo rin ang lumipas nang napagpasyahan kong bumaba para mag-isip-isip pero naramdaman ko ang paggalaw ng doorknob kaya nabuhayan ako ng loob.
Kahit kinakabahan, pinihit ko ito at laking pasasalamat ko na bumukas na ito. Bumungad sa akin ang dilim ng kwarto pero may mumunting ilaw na nanggagaling sa nightlight sa gilid kaya kitang kita ko si Drew na nakatayo sa gitna habang nakahalukipkip. Nakatingin rin siya sa mga mata ko habang naglalakad ako papasok sa kwarto niya.
"Close and lock the door." utos nito. Tumango naman ako saka ipinasok ang mga dala ko bago ko isinara ang pintuan. "Anong ginagawa mo rito?"
"Wala naman-"
"Wala pala, eh. Bakit nagpunta ka pa rito? Baka pati ito, pagsisihan mo pa. Sana hindi ka na lang pumunta."
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil grabe siya makatitig at para na rin tignan ang switch ng ilaw at nang lumiwanag na rito. Ang creepy kasi tapos nakatayo pa siya sa gitna habang nakatitig sa akin. Para niya akong papatayin.
"Can we talk?" Bubuksan ko na sana ang ilaw pero sinabi niyang huwag kaya nanatili na lang akong nakatayo.
"Tigilan mo ako sa kaka-English mo. Mag-Tagalog ka."
"Ang sungit mo." matawa-tawang biro ko pero mukhang hindi tumalab dahil ganuon pa rin siya. "Dinalahan kita ng pagkain." dadamputin ko na sana ang plastic ng mga container pero natigil ako nang nagsalita siya.
"Kumain na ako."
Natahimik kaming parehas at pakiramdam ko, ilang minuto rin kaming walang imikan at halos mabingi ako sa katahimikan. Mas lalong hindi ako sanay na ganito kami katahimik kasi never nangyari ang ganito sa amin.
Pero kailangan ko makipag-ayos sa kaniya. Hindi lang kailangan kung hindi gusto ko makipag-ayos sa kaniya kaya napagpasyahan kong magsalita ulit. "Mga matatamis iyan. For dessert." nakangiting sinabi ko saka ko dinampot ko ang isang container na naglalaman ng waffles.
"Sana hindi ka na nag-abala. Baka kasi napagod ka at pagsisihan pati iyang paghahanda mo para-"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil binitawan ko ng padabog ang container na hawak ko. Nahagip rin ng mata ko ang bahagyang pag-atras niya. "Can you please stop?" mahinang pakiusap ko rito. Bigla akong nagalit dahil sa mga pinagsasasabi niya. Alam ko naman na kaya siya paulit ulit sa word na pagsisisihan na iyan ay dahil, in a way, brini-bring up niya iyong pagsisisi ko. "Nandito ako para makipag-ayos at para makausap ka kaya huwag na huwag mo akong papaandaran ng pagiging sarcastic mo, Drew."
Tinignan ko siya sa mga mata pero nag-iwas siya at tumungo. Iyong kaninang mayabang na itsura niya, napalitan ng parang aping tupa. "Sor..." Kasabay ng paghakbang niya paatras ay narinig ko ang pagsinghot niya.
Pinakalma ko ang sarili ko nang marinig ko iyon. Alam kong malapit na siyang umiyak. Ganiyan naman siya, eh. Napakaiyakin. Hindi na yata niya mababago sa sarili niya iyan. "I'm sorry."
"Sorry..." pabulong na sinabi niya.
Napangiti ako ng bahagya dahil parang bigla nabaliktad ang sitwasyon. Instead na ako ang humihingi ngayon ng tawad, bakit siya ang gumagawa? Umatras siya hanggang sa mapaupo siya sa kama niya kaya hinila ko ang swivel chair na nakatapat sa PC niya papunta sa harap ng kama niya. "Ako nga ang dapat na nagsosorry, eh."
This time, humihikbi na siya at nagtataas baba na rin ang magkabilang balikat niya. Napabuntong hininga ako dahil naawa ako sa kaniya bigla. Kaya gustong gusto ko siya kasama dahil iyong sense of responsibility ko, sobrang taas pagdating sa kaniya. Napakaiyakin kasi pero kapag nakikipag-away at basag ulo naman, lumalamon ng buhay. Ang cute nga kasi sa mga ganito at maliliit na bagay, umiiyak siya, to the point na hindi na iyak dahil humahagulgol na talaga siya na parang bata.
This is one of the many things that I like about him. Hindi siya nahihiya ipakita iyong weakest or vulnerable side niya kapag kaharap ako o kung sino man na mahal niya sa buhay. Pero kapag ibang tao naman ang kaharap, kahit alam kong gusto niya na umiyak, hindi niya ipinapahalata.
"Bakit ka kasi nagsisisi? Ayaw mo na ba akong kaibigan?" tanong niya sa pagitan ng paghikbi.
Gusto, Drew. Gustong gusto.
"Gusto kitang kaibigan, Drew. Alam mo naman iyon, hindi ba?"
"Then bakit? Bakit mo pinagsisisihan iyong nangyari sa atin? Akala ko napag-usapan na natin ito dati."
Hinawakan ko siya sa tuktok ng ulo saka ko ginulo ang buhok niya. Mukhang kagagaling niya lang sa ligo dahil medyo basa pa ito. "Don't get me wrong. Alam mo na type kita noon kaya I'm happy na ikaw ang first time ko pero kasi... virginity mo iyon. Alam mo iyon? Kung hindi ako naging mapusok noon, edi sana naibigay mo sa gusto mong pagbigyan iyong first time mo. Hindi ka ba naba-bother? Straight ka pero sa bakla mo ibinigay iyong first time mo?"
"Wala naman sa akin iyon. Ginusto ko rin ang mga ginawa ko matapos mo ako halikan noon. At least sa taong gusto ko binigay first time ko. Kasi sa sinasabi mong nagsisisi ka, para mo na rin sinabing nagsisisi ka na naging magkaibigan tayo. Ayokong isipin na hindi mo ako gusto bilang kaibigan. Kaonti lang kayong malapit at totoo sa akin, ayokong mabawasan pa kayo. Kaya nga okay lang, eh. Okay lang na sa iyo ko binigay iyong first time ko kasi dahil naman ruon kaya ako nagkalakas ng loob na pakiusapan ka para maging bestfriend ko. Bihira ako humiling at magustuhan ang isang tao para kaibiganin kaya kapag sinasabi mo na nagsisisi ka, nasasaktan ako."
At first, I was taken a back dahil sa sinabi niya kaya hindi ako nakapagsalita kaagad. Sa taong gusto niya? So gusto niya ako? Pero malabo. He's straight. Also, si Drew ito. Madalas siyang maka-misinterpret dahil sa mga sinasabi niya. I don't want to assume or dive too deep on this dahil kilala ko ito si Drew. Iyong gustong sinabi niya, alam ko na walang deeper meaning iyon.
Aaminin ko na dati, iniisip ko na okay si Drew bilang boyfriend ko. Pero as time goes by, nawala rin ang way of thinking ko na iyon dahil paulit ulit ko itinatatak sa isip ko na para akong mag-aalaga ng bata kapag naging kami dahil sa ugali nito. Isa pa, noong mga panahon na iniisip ko na jowain siya, kaibigan ko na siya at nasa stage na ako ng pagmomove on sa pagkakacrush ko sa kaniya at pilit ko rin kinalilimutan ang ginawa kong kalapastangnan sa kaniya.
Thankful rin ako dahil sa pag-uusap naming ito, nabawasan na ang dinadala ko sa dibdib ko. Nawala na rin ang guilt ko dahil sa pagkuha ko sa first time niya. Ito siguro iyong pinakamalalang pag-aaway namin. Kahit ilang araw lang ang itinagal ng problemang ito, sobrang pinahirapan naman kami.
"Okay na tayo?" mahinang tanong ko after namin pag-usapan ang iba pang bagay. Tumango naman ito kaya napangiti ako.
"Puwede na kaya ako sumama bukas sa gathering?" tanong niya saka ako tinignan sa mga mata habang nakakagat labi.
"Oo naman. Bakit hindi?" takang tanong ko habang kinukuha ang mga container para simulan na naming kainin ang nasa loob ng mga ito. Kumakalam na kasi ang sikmura ko dahil hindi pa ako kumakain simula kanina.
"Alam kasi nina Tita na hindi tayo okay. Isinumbong kasi kita; sinabi ko na inaway mo ako." Tumungo siya at ako naman, napatigil sa pagbubukas ng container.
"Bakit mo ginawa iyon?" Napabuntong hininga na lang ako saka itinuloy ang pagbukas sa container ng waffle. It's weird though. Hindi pa kasi ako nakakatanggap ng text kina Papa. Baka busy sa trabaho.
"Kasalanan mo kasi." Hinablot niya sa akin ang hawak kong container saka nilantakan ang waffle. Nagliwanag naman ang mukha niya kaya napangiti lalo ako. Sa lahat kasi ng niluto namin, iyan lang ang ako ang gumawa. The rest, sina Izzy na. "Sleep with me." nakangiting sinabi niya matapos niya lunukin ang kinakain niya.
"What?" Sleep with him? Alam kong gusto ko maka-experience ulit ng s*x pero ayoko namang magkaconflict na naman kami dahil lang dito. Wala na akong pakielam kung mainis siya. Ang ayoko lang, may mangyari na naman sa amin na maging dahilan ng possible conflict. "Ayoko nga."
"Bakit naman?" Tumigil siya sa pagkain saka ako tinignan na may pagtataka.
"Kung nalilibugan ka, duon ka sa banyo. Huwag mo ako idamay." inis na tumayo ako saka kinuha iyong iba pang container saka bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair.
"Ano? Sinabi ko lang naman na sleep with me. Anong masama ruon? Anong connect nuon sa libog?"
Oh, my god. Iba pagkakaintindi ko. Oh, my god.
"Sorry- akala ko - sorry. Sorry. Huwag kasi iyang phrase na iyan gamitin mo. Alam mo, ang lakas mo maka-misinterpret, eh. Alam mo ba ibig sabihin ng phrase na iyan?"
"Parang... matulog tayo dito." balewalang sagot niya. Hindi niya nga alam.
"In other words, let's have sex."
Gulat na napatitig siya sa akin at nang makarecover, tumango siya saka ngumisi. "Then sleep with me."
Natawa na lang ako sa biro niya saka umiling ng bahagya bago kumain. "Gago."