Gabby
Today is the day I turn 25. I can already feel the happiness that surrounds me.
Ang daming bumati sa akin through texts, messages on f*******:, call and video chats. But Drew beat them to it. Hindi kasi kami natulog ng maaga because he wanted to stay up late para mabati niya ako pagkatuntong na pagkatuntong ng alas dose.
We already had a super small celebration in his room. Naglabas kasi siya ng snacks and softdrinks. Sabi ko nga, masisira ang diet namin at masasayang paggygym pero binirahan niya naman ako na minsan lang naman raw kaya hayaan na at ang ironic ko daw kasi ako nga, maraming dinalang pagkain. We went all out yesterday sa mga pagkain and it was really fun.
I'm not sure what I would feel about the meetup with Sebastian though. In a way, I'm really excited pero half of me is somehow scared or should I say really nervous. Kasi ilang araw na kami nag-uusap pero hindi ko pa rin alam kung anong itsura niya but today, I'll find out.
"Good morning, Gabby. Happy birthday! I can't wait for our date today. I can't believe this is happening. Meet me at the condo's lobby by 11?"
I can't help but smile habang binabasa ang message niya. I noticed na hindi niya inindicate kung 11AM ba or PM pero I know that it's AM. Alam niya naman kasi na hindi kami puwede at night dahil by that time gaganapin ang gathering.
"Shet!" naisigaw ko pagkalabas ko ng banyo. Naghihilamos kasi ako kanina nang magmessage si Sebastian.
Gulat na napatingin sa akin si Drew. Napatigil rin siya sa pag-aayos ng kumot sa kama. Tinaasan niya ako ng kilay saka pumunta sa gilid para iyong part naman na iyon ang ayusin niya. "Anong nangyari?"
Dali-dali akong lumapit sa kaniya saka ko ipinakita ang message ni Sebastian. "I don't know. Kinikilig ako. What should I reply?" Nanginginig na tinap ko ang message bar para makapagcompose ng message pero hindi ko man lang magawang magtipa kahit isang letter.
Nabablangko kasi ako dala ng sobrang saya at kilig. I can't help but be happy dahil hindi ko naisip na mararamdaman ko ulit ito. Isang beses ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Noon pa iyon at si Drew pa ang dahilan kung bakit.
"Malay ko sa iyo." balewalang sagot niya habang inaayos na ang mga unan.
Ang KJ talaga nito. Naikutan ko na lang siya ng mata saka tinignan ulit ang cellphone ko while trying to come up with something as a reply.
"Good morning and thank you, Seb. See you later."
I pressed send and smiled. I wanted to compose a longer one pero baka macornyhan na sa akin iyong tao. Sabihin ang OA ko na. I don't know pero feeling ko naman hindi. "Ramirez, I need your help."
"Saan na naman?" Nilingon ako nito at sinamaan ng tingin dahil sa ginawa kong paghiga sa kama habang nakaspread ang mga braso ko. "Kaaayos ko lang niyan."
"May date ako mamaya and I don't know what I should wear. Tulungan mo ako. Ikaw iyong magaling sa fashion sa atin so I badly need your help." I asked and quoted the word date habang nakaspread pa rin ang mga braso ko.
Kinuha niya ang isang unan saka ito ibinato sa mukha ko bago ako hinila patayo gamit ang dalawang kamay niya. "Isama mo kaya ako sa date niyo?"
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa pag-iwas niya sa hinihiling ko pati na sa sinabi niya. Why would he want to come? "At bakit?" It would not be considered as a date na kapag isinama ko siya. It'll be more like a hangout.
"Wala talaga akong tiwala sa taong iyon. Baka kung anong gawin sa iyo, eh. Birthday mo tapos mapapahamak ka. I can't allow that to happen." he stated, concern laced on each word na sinabi niya.
I am really thankful dahil kaibigan ko siya. Sobra-sobra siya kung makaramdam ng concern sa akin, sa amin ng mga mahal niya sa buhay. Hindi niya man alam pero iyong mga paganiyan-ganiyan niya ang nagliligtas sa akin minsan sa kapahamakan. And most of the time, hindi siya aware na nailigtas niya na pala ako dahil lang sa pagiging concern niya.
His future wife will be so damn lucky to have him.
"Thank you, Drew, pero mukha naman siyang mabait so I think it'll be okay. Nothing to be worried about."
"Mukhang mabait." he said, quoting me. "Iyan. Indicating na hindi ka rin talaga sure kung mabait iyong tao o ano. Kung sigurado kang mabait iyong taong iyon, hindi iyan ang sasabihin mo. Sorry, Gab, pero I made up my mind. I need to go with you kung itutuloy mo iyang kalokohan mo."
I felt a nerve twitched dahil sa sinabi niya. Ayokong masira ang araw ko dahil birthday ko at lalong ayokong mag-away na naman kami. Hindi niya naman kailangang sabihing kalokohan itong gagawin ko. Is it wrong to follow what I feel is the right thing for me to be happy?
Kahit naman ako, natatakot rin ako sa outcome ng date na ito. Pagpalagay natin na 10% pa lang talaga ang pagkakakilala ko sa pagkatao ni Sebastian. The other 90% might be his bad side. It hurts to admit it but Drew, once again, has a f*****g point.
"What if I just invite him over sa unit ko para hindi na kami lumayo? Puwede naman kaming magdate na lang ruon."
"Tanga ka ba talaga?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Ramirez, birthday na birthday ko pero puro panglalait ang ibinabato mo sa akin." reklamo ko rito saka ko siya iniwan at pumunta sa balkonahe ng kwarto niya. Maliwanag na since it's already 9AM. May mga bata na rin na naglalaro sa harapan ng bahay nila.
I flinched nang umakbay siya bigla sa akin pero nakarecover rin naman kaagad ako. "I'm just worried. Kung kayong dalawa lang kasi, hindi magandang idea na sa unit mo kayo magdate. First of all, dalawa lang kayo ruon kung nagkataon. He can do whatever he wants to you. Puwede ka niyang patayin nang hindi siya naiistorbo. Second of all - again - hindi mo pa kilala talaga ang taong iyon. That fact alone is enough reason para layuan ito."
Natahimik ako. Right now, using his words, he doesn't have any idea na inililigtas niya na ako sa posibleng krimen na mangyari. He's right. As always, he has a massive point. Bakit ba kasi ako nabulag ng kilig at tuwa dahil sa araw na ito. Nakakaloko. Nagiging bobo na nga ako.
"I have an idea." Napatingin ito sa akin saka inialis ang pagkakaakbay niya. "Hahayaan kita na sumama." sinabi ko habang nakangiti. Nagliwanag naman ang itsura niya dahil ruon at ngumisi siya na parang demonyo na may masamang binabalak. "Maganda na rin siguro na magkakilala kayo. Lagi kitang ikinukwento sa kaniya. Malay mo, magclick kayo at maging magkaibigan. At least magkakaroon ka ng another friend."
"I doubt that'll happen."
We had breakfast bago kami umalis ng bahay nila at dumiretso sa unit ko. I asked him to pick what I will wear for my date bago ko siya iniwan para maligo. I need to look presentable dahil ayokong maturn off sa akin iyong tao. Ewan ko ba. Ngayon ko pa lang talaga makikita iyong tao pero iniiisip ko na kaagad na magiging kami.
Hindi naman siguro masama maghangad, hindi ba? I've been living myself alone - romantically speaking - sa buong buhay ko. Gusto ko noon magkaroon ng lovelife pero hindi naman ako nabiyayaan. I only had crushes pero hanggang duon lang iyon. I want to experience being taken care of by my other half. I want to cuddle, kiss, walk while our hands our intertwined; those simple yet romantic stuff.
I got out of the shower and walked towards my bed. Nakita ko kasi na naroon na ang isang plain white v-neck shirt. I don't remember putting that there so malamang si Drew ang naglagay. Naririnig ko pa rin siya sa loob ng walk-in closet ko, probably looking for stuff that I should wear.
Inialis ko ang pagkakatapis ng towel sa bewang ko at kinuha iyong shirt bago ako lumakad papunta sa vanity table with mirror ko. I'm just on my boxers but it doesn't matter. Wala naman kay Drew kung nakaganito ako. And yeah, I know na ang arte ko lang dahil may vanity mirror pa ako pero hindi naman mga makeup ang narito. All of the stuff that I have here are just lotions, combs and the likes.
Through the mirror, nakita ko na naglakad papunta si Drew sa kama habang may dalang shorts at iyong black leather boots na matagal ko nang hindi ginagamit. I think three months ago last na gamit ko ruon. It was something that he gave me noong birthday niya. I remember being mad at him dahil Dr. Martens ang tatak nito. Boots from that shop is ridiculously expensive. Well, worth it naman dahil hindi biro ang kalidad at ganda nito.
"Are you sure about this?" mahinang tanong niya bago siya nahiga sa kama ko. "May chance ka pa naman magbackout."
"Drew, I want to be happy." seryosong sagot ko sa kaniya saka ako nag-apply ng lotion sa braso at hita. "Alam mo naman na matagal ko nang gusto makaranas ng ganito, hindi ba? Alam mo na uhaw na uhaw ako sa bagay na ito. And for once, gusto ko pagbigyan ang sarili ko kahit alam ko na marami silang sasabihing negative sa akin."
"Bakit hahanap ka pa ng iba? Nandito naman ako, eh."
Napatigil ako sa paglolotion at napatingin sa kaniya mula sa salamin. Nakita ko siyang bumangon mula sa pagkakahiga saka tumingin sa repleksyon ko sa salamin. "What?"
Naguluhan ako sa sinabi niya. Kumabog rin ng malakas at mabilis ang dibdib ko dahil lang sa mga salitang iyon. What does he mean by that? May gusto ba siya sa akin? Pero that's impossible. He's straight.
"Iniisip ko lang iyong safety mo. Puwede naman tayo magpretend na magboyfriend kung iyon lang ang habol mo sa Sebastian na iyon. Natatakot lang ako na baka may masamang mangyari sa iyo. Natatakot rin ako na baka kuhanin ka niya at ilayo sa akin. Alam mo rin naman na wala akong kaibigan talaga, hindi ba? Kung umalis ka pa, sino na lang matitira sa akin?"
Sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. I know kung saan siya nanggagaling. I know he's somehow at fault kasi mas pinili niya na ikulong ang sarili niya para wala nang makapasok sa buhay niya at hindi ko rin naman siya masisisi dahil ang laki ng trust issues niya dala ng pangbubully sa kaniya noon. Kung may makasama man siya, walang feelings na involved. He even dated lots of girls pero nauuwi lang sa wala dahil ang reklamo ng mga ito, he's incapable of having a normal relationship.
Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga pagkatayo ko. Inilapag ko muna iyong bote ng lotion sa lamesa bago ko hinila palapit sa kaniya ang upuan ko. Nginitian ko rin siya saka ko ipinatong ang kamay ko sa kamay niyang magkadaop. "Drew, hindi naman kita iiwan. Nangako ako sa iyo noon na magiging kaibigan mo ako habang buhay, hindi ba?"
Nakatingin lang ito sa akin at napansin ko na medyo bumilis ang paghinga niya. His eyes hold so many emotion na parang pinipigilan niya lang ilabas. That's probably because he's scared of losing me. "Promises are meant to be broken."
I'm happy that he's feeling like that pero hindi ko makuhang matuwa sa kaniya ng sobra dahil para na naman siyang bata kung umasta. It's given na mas bata talaga siyang aasta dahil mas bata naman talaga siya sa akin pero for f**k's sake, he's already 22. Gagraduate na nga siya ng college, eh.
"Pero iyong promise ko sa iyo, wala akong plano baliin."
"I know." mahinang tugon niya habang nakasimangot. Tumingin rin siya sa gilid para umiwas sa pagkakatitig ko sa kaniya. "Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganiyan ka sa taong iyon."
"Ito na naman ba, Drew? Hindi ba't sinabi ko na nga-"
"Alam ko naman kung anong habol mo sa kaniya, eh." Tumingin siya sa akin ng masama then let out a frustrated sigh. "Gusto mo siya maging boyfriend kahit hindi mo pa siya lubos na kilala. If it's the commitment, bakit hindi na lang sa akin, hindi ba? Bakit hahanapin mo pa iyon sa taong hindi mo naman kilala."
"Hindi lang nga kasi dahil ito sa title or commitment, Drew. Hindi mo na naman iniintindi, eh. I want affection. I want someone to take care of me. I want to feel loved - romantically-"
"Mahal naman kita, ha?" natigilan ako sa sinabi niya. Dati ko inaasam na marinig mula sa kaniya iyan. Gusto kong sabihin niya sa akin noon na mahal niya ako hindi lang bilang kaibigan. Alam ko na mahal niya ako pero ibang klase ng pagmamahal ang hinahanap ko. "Affection lang ba? Kaya ko naman iparamdam sa iyo iyon habang nagkukunwari tayo, ha? Kaya rin naman kitang alagaan. I can show you na mahal kita-"
Binitawan ko siya saka sinamaan ng tingin dahil hindi niya pa rin yata ako magets. "Ayoko ng peke, Drew. Sana naman maintindihan mo ako."
"Is it because you want to have s*x with him?" natahimik ako dahil sa akusasyon niya. Ganiyan ba ang tingin niya sa akin? Ganiyan ba ang tingin niya sa mga taong naghahangad ng pagmamahal mula sa iba? "Bakit hindi ka makasagot? Tama ba ako? Gab, kung s*x lang naman, kaya kong ibigay-"
"Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin?" Tumayo ako habang nakatitig pa rin sa mga mata niya. Parehas kaming nagsusukatan ng tingin at walang may balak magpatalo. Umurong siya sa pagkakaupo habang nakatitig pa rin sa akin saka ako hinila paupo. Tatayo sana ulit ako pero pinigilan niya ako. "Drew, birthday ko pero pinasasama mo loob ko. I can't believe na akala mo libog lang itong nararamdaman ko. Bakit? Dahil sa nakita mo sa search history ko? Dahil alam mo na wala akong s*x life? Dahil bakla ako? Iyon ba? Iyon ba ang mga dahilan kaya ganiyan ang tingin mo sa akin? Tao ako, Drew. Bakla man ako pero tao ako."
Hindi ko mapigilang hindi lumuha dahil sa sakit ng katotohanang ang baba ng tingin sa akin ng kaibigan ko. It's true that I wanted to experience s*x again pero hindi sa pagkakataong ito. I wanted someone to love me kaya kahit nag-aalangan, sobra kong nilolook forward ang date na ito dahil baka si Sebastian na iyong tao na para sa akin.
Kahapon lang kami nagkaayos pero nag-aaway na naman ulit kami. Lagi na lang ba kami mag-aaway? Kailan niya ba kasi ako iintindihin ng lubos? Bakit hindi niya na lang ako suportahan sa mga desisyon ko? Alam ko naman na iniingatan niya lang para hindi ako mapahamak and I'm f*****g greatful for that. Ang hindi ko lang malunok ay ang katotohanang ang baba ng tingin niya sa akin.
Kagat labi niyang iniangat ang kamay niya saka pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya. Nawala na rin ang galit sa mukha niya at napalitan ito ng lungkot. "I'm sorry. Pero gusto kong malaman mo na sobrang taas ng tingin ko sa iyo."
Tango lang ang naisagot ko sa kaniya at nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya. Ang babaw man pero para niya kasi akong sinampal ng katotohanan na ganuon ang pag-iisip niya sa akin. Parang nakuha niya ang mentalidad ng komunidad, na porque bakla ka, s*x lang ang habol mo.
"Tangina lang, Drew. Tangina lang talaga."
Then again, he let out a frustrated sigh saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi para maiangat niya ang paningin ko. "Ayokong mag-away ulit tayo kaya lang I'm sorry kung masisira nito ang araw mo pero, Gab, nalilito na ako."
Kunot noong natitig pa rin ako sa mga mata niya habang pinupunasahan niya ng daliri niya ang mga luha ko. "Ha? Saan?"
"Sa dapat kong gawin." Sa itsura niya ngayon, mukha na rin siyang iiyak pero pinipigilan niya lang. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya saka nagsalita. "I don't know kung aagawin ba kita sa kaniya o ano. Bakit pa kasi siya dumating, eh."
Aagawin?
Bumilis ang paghinga ko dahil sa mga naiisip ko. "What do you mean?"
"Gab, you know na okay tayo noong wala pa iyong gagong iyon. I was fine with the way how things are. Hindi ako natatakot noon dahil alam kong kahit may mga umaaligid sa iyo, walang makakapasok pero iyong taong iyon, nakapuslit, eh."
"Ano bang pinagsasasabi mo, Ramirez? Alam mo, ang gulo mo."
"Gab, can't you see na gusto kita?!" inis na tanong niya sa akin, na siyang nagpatigil sa buong katawan ko. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Gustuhin ko man magsalita pero wala akong maisip na sabihin.
"Ha?"
"Ano ba? Huwag mo akong pahirapan, Gab. For the longest time, I've been in love with you. I know that you're thinking what the f**k dahil straight ako. And I get you. Pero sa tingin mo ba, ginusto kong mahulog sa kapwa ko? Anong tingin mo sa akin? Gago para gustuhin ang bagay na iyon? Alam mo, kusa ito, eh. Kusa ito. Binago mo lahat nang pumasok ka sa buhay ko. Tang ina, ang tagal kitang pinagpantasyahan simula noong may nangyari sa atin. I had so many f*****g date with girls na nauuwi sa kama just to make myself believe na lalake ako, just to lie to myself na babae ang kailangan ko, hindi tulad mong lalake pero tang ina nitong puso at utak ko dahil kinokontra lagi ako. Putang ina kasi nitong mga nararamdaman ko, laging tungkol sa iyo. I can't stop myself from thinking about you kasi every single fiber of my being, ikaw hinahanap."
"Wha..."
I got dumbfounded dahil sa sinabi niya. Gusto niya ako? How did that even happen? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Kasi ako, hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig niya. All along, I thought he was straight dahil iyon rin naman ang sinasabi niya.
I feel my heart beating fast habang nakatingin kami sa mata ng isa't isa. Hindi ko mai-explain ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung masaya ba ako o ano. Pero one thing's for sure, naguguluhan ako sa mga nangyayari.
I felt my heart dropped nang ilapat niya ang mga labi niya sa akin habang nakapikit. Hindi ako makaalis sa puwesto ko habang gumagalaw siya para mahalikan ako ng husto. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa mga mata niyang nakasara ngayon kaya ang nakikita ko lang ay ang mahahabang pilik mata niya.
In one swift move, naialis niya ang pagkakahawak niya sa magkabilang pisngi ko saka ipinulupot ang isang braso niya sa bewang ko at ang isa, sa likod ng ulo ko. Gulat pa rin ako sa mga pangyayari kaya hindi ko makuhang magreact. Kinuha niya ang pagkakataong iyon at hinila ako sa bewang para maihiga kaya nakapangibabaw na siya sa akin habang maharang kinakagat kagat ang ibabang labi ko.
Natauhan ako't nilamon ng sensasyon ang buong katawan ko nang inilapat niya ang ibabang bahagi ng katawan niya sa hinaharap ko. Sa posisyon namin, I can already feel how hard he is. I wanted to protest pero hindi ko magawang maikilos ang katawan ko at ang tanging naigalaw ko lang ay ang mga labi ko para tugunin ang halik na ipinauulan niya sa bibig ko.
I felt him smile nang halikan ko na siya pabalik. Napapikit ako at dinama ang mga nangyayari sa pagitan ng mga labi namin at pati na ang isang kamay niya na naglalakbay papunta sa ibabang parte ng katawan ko. "I f*****g love you, Gab."