Note: I had to cut this chapter in to two kasi may limitation ang per chap rito na 5k words. -- Drew Tulala akong bumalik sa unit. Hindi nagpa-process sa utak ko ang mga nangyari kani-kanina lang. Ilang tao na nga ang nabangga ko habang naglalakad ako pabalik rito at napatid rin habang papasok ng condo kaya kinailangan pa akong tulungan ng guard. Gusto kong magalit kay Gab pero hindi ko magawa. Una, masyado ko siyang mahal para makaramdam ng ni katiting galit sa kaniya at ang pangalawa, alam kong may problema siya kaya niya nagawa ang mga iyon. Kilala ko ang taong iyon. Alam kong hindi siya nakipaghiwalay sa akin dahil lang sa kung ano siya. Alam kong alam niya sa sarili niya ang nararamdaman ko para sa kaniya at hindi niya hahayaang dahil lang sa kasarian namin kaya kami maghihiwalay

