Note: Continuation of the previous chapter. -- Naglabas pa ako ng hinanakit sa kausap ko, na inabot ng halos kalahating oras dahil sa dami ng sinabi ko. Masaya rin ako dahil sinusuportahan ako nito sa nararamdaman ko at sa mga gusto ko mangyari. Hindi ko alam kung nagiging mabait lang siya dahil pari siya o bukal talaga sa loob niya ang mga sinasabi niya pero malaking bagay para sa akin lahat ng salitang lumabas sa bibig niya. Ang problema lang, kahit naman nakapaglabas ako ng saloobin ko, gumaan man ang loob ko, hindi na mangyayari ang gusto ko; hindi ko na maibabalik ang relasyon namin ni Gab dahil ito ang umayaw, ito na ang nang-iwan. Gusto kong alamin kung ano ang pinakadahilan kaya siya nagdesisyon ng ganuon kasi kung hindi, paano ako makakalimot? Dadalahin ko ang pag-iisip ng mga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


