Gabby "Kinakabahan ka ba?" mahinang tanong ko matapos ko hawakan ang kamay niya. Naramdaman ko ang pagiging tense niya kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak rito. "Oo." Gamit ang isa niyang kamay, inihawak niya iyon sa dibdib niya, siguro para pakiramdam ang pagtibok ng puso niya. "Sira ka talaga. Huwag ka kabahan. Gusto nila na maging tayo, hindi ba? Sila pa nga ang nagtutulak na sagutin na kita." Inilapit ko ang sarili ko sa kaniya saka ko siya hinalikan sa pisngi. "Akong bahala sa iyo kaya huwag ka kabahan. It's not like papatayin nila kapag umamin tayo. Isa pa, this is what you really wanted to happen, hindi ba?" Nakangiting tumango siya tapos nagsimula na kaming lumabas sa kotse ko. We'll be meeting Jade, Lory and Mads to let them know na kami na. We could just tell it to them throu

