Gabby "Wala akong pakielam sa practice mo, Daniel. Nagpapatulong lang naman ako, pinagdadamutan mo pa ako." Napapikit ako dahil sa pagkadismaya. Napahigpit rin ang hawak ko sa baso at sa seradura ng pinto. "Hindi nga kasi ako magaling sa Science, ano ba? Magkita tayo bukas ng umaga bago kami umalis. So what? Edi dalahin mo rin si Andrea. Mas okay nga iyon, eh." Napagpasyahan ko nang pihitin ang seradura saka binuksan ang pinto. Nang makita niya ako, nagpaalam kaagad siya sa kausap at dali-daling itinago ang cell phone sa ilalim ng unan. Inialis ko kaagad ang tingin ko sa kaniya saka ko inilapag sa bedside table ang baso, na naglalaman ng gatas, saka ako umupo sa harap niya. "Hindi ka pa rin ba lalapit sa akin?" mahinang tanong ko saka ko tinignan ang laptop na pinagigitnaan namin. "Sabi

