20

3075 Words
Gabby "Pasensiya na talaga." paghingi ng babae sa akin ng tawad habang pinakakalma ang kasama niya. "Medyo nakainom na kasi ito at kanina ka pa niya gustong lapitan. Hindi naman namin alam na may kasama ka." Kimi ko itong nginitian saka tumango. "Iuwi niyo na lang iyan. At pagsabihan niyo na rin dahil baka kapag gumawa ulit iyan ng ganitong eksena, hindi na siya santuhin ng sunod na bibiktimahin niya." Ibinaling ko naman ang atensyon ko pabalik kay Drew, na ngayon ay nagpupunas ng panyo sa labi niyang pumutok dala ng suntok na natamo. "Halika na. Hayaan mo na." Nahawi ang mga tao nang inakay namin siya ni Madz papunta sa uupuan namin. Medyo tumahimik na ang mga buong paligid, na ultimo pati DJ ay itinigil ang pinatutugtog. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa itsura ng boyfriend ko. Nandito kasi kami sa isang bar. Ito kasing kaibigan namin, dito kami pinapunta dahil nga ipakikilala kami sa boyfriend niya. Na-late ng dating si Drew kanina dahil may kinailangan siyang gawin at ang naabutan niya pa ay ang pangbabastos sa akin ng nakasapakan niya kanina. Wala naman kabastos-bastos sa suot ko dahil nakacivilian ako. Hindi ko nga alam kung paano nalaman ng lalakeng iyon na bakla ako. Nananahimik lang ako kanina habang nakaupo sa counter ng bar. Inagahan ko kasi ang pagpunta rito dahil nga nabibwisit ako sa condo. Nakipag-away kasi ako kay Seb. Paano, nagseselos raw siya kay Drew. Naturingang siya raw ang boyfriend ko pero laging ito ang kasama ko. Ang kapal ng mukha niya. Siyempre kinakabahan ako dahil nga hawak niya ako sa leeg. Sa totoo lang, sawang-sawa na ako marinig ang mga salitang iyan dahil ipinaaalala lang nito ang sitwasyon ko. I'm trying my best to be happy as much as possible pero pinapatay ng lalakeng iyon ang happiness ko. "Sorry talaga." paghingi ng paumanhin ni Madz kaya napatingin kaming parehas sa kaniya. "Kasi may ime-meet iyong boyfriend ko dito kaya sinabi niya na dito na lang tayo magkita-kita. Kung alam ko lang na mababastos ka, Gabby, hindi na ako papayag na dito tayo magkita-kita, eh." "That's okay, Madz." Hinawakan ko ang pisngi ni Drew matapos ko agawin sa kaniya ang panyong hawak niya. "Ikaw naman, Ramirez. Bakit ka pa kasi sumugod? Kaya ko naman pigilan ang lalakeng iyon." "So hahayaan ko na lang na bastus-bastusin ka ng gagong iyon?" hindi makapaniwalang tanong nito. Napalabi ako saka ko sinimulan ang pagpupunas sa mukha niya, especially sa galos niya sa gilid ng labi. Puro bangas tuloy ang mukha niya pero mas kawawa ang iysura ng lalake dahil duguan na ito. "Hindi mangyayari iyon hangga't kasama mo ako." Nahagip ng paningin ang pagtakip ni Madz sa mukha gamit ang dalawa niyang kamay. Kinikilig na naman ang gaga. Hindi ko na lang ito pinansin at pinag-igihan ang pagpupunas sa galos ng boyfriend ko. "Pero makukumbinsi ko naman iyon na hindi ako nandito para makipaglandian sa kung sino. Kita mo, nasakan ka pa nang dahil sa akin. Sinabi ko naman sa iyo dati na iwas-iwasan mo na ang pakikipagbasag-ulo, hindi ba?" "Alam niyo, bakit kasi hindi na lang kayo?" Napatingin kaming parehas ka Madz nang magsalita ito. Kinuha nito ang bag niya saka inilapag sa lamesa. "Ang lakas kaya ng chemistry niyo. Ang pabebe mo naman kasi, Gabby. Bakit hindi mo pa kasi sagutin itong lalakeng ito? Bagay naman kayo. Parehas kayong gwapo tapos mahal na mahal ka pa ng lalakeng ito so bakit hindi na lang kayo, hindi ba?" Mariin akong tinignan ni Drew kaya napalunok ako't nag-iwas ng tingin. "Exactly. Bakit nga ba hindi na lang tayo?" malamig na tanong nito. "Mahal kita. Alam kong gusto mo ako so bakit hindi na lang ako, Gab? May iba pa ba?" Biglang nagresume ang malakas na tugtog na nagmula sa speaker kaya mas lalo akong nabingi dahil dumagdag pa ito sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Alam kong nakaramdam rin ito ng inis bukod sa selos nang masaksihan niya ang paghawak-hawak sa akin ng lalake kanina. Hindi na nga ako nagulat nang bigla niyang itanong iyon sa malamig na tono. It's like he's back to his usual self. Parang biglang nawala ang cute and loving side niya, na lagi niyang ipinakikita simula nang magconfess siya sa akin. Paulit-ulit ko na lang sinasabi ito sa sarili ko pero hindi ko siya masisisi kung bakit ganiyan siya umakto ngayon. Isinisikreto ko na nga ang tungkol sa amin tapos lagi ko pa siyang nasasaktan kapag magkasama kami ni Seb. Dumagdag pa iyong lalake kanina kaya sasama talaga ang loob niya. Kahit siguro ako ang nasa kalagayan niya, magwala rin ako para maialis ang stress at sakit na mararamdaman ko, eh. Naisip ko na rin na hiwalayan siya pero hindi ko kayang gawin. Una, masyado ko siyang mahal para gawin iyon and I know it'll break him if I do that. Isa pa, malamang sa malamang ay hindi siya pumayag. I know how much he loves me. Naisip ko kasi na ayusin muna ang sitwasyon ko kay Seb bago ko ituloy ang relasyon namin kaya lang natatakot naman ako dahil alam kong matatagalan bago ko pa ito maayos. Baka kasi pagdating ng panahon na maayos na ito, makahanap na ng iba si Drew. That'll kill me. Dati nga na hindi pa kami at hindi ko pa maamin sa sarili ko na mahal ko ang best friend ko, nasasaktan na ako kapag nalalaman kong may nakakadate siyang babae. What more pa ngayong alam ko na mahal namin ang isa't-isa tapos bigla ko siyang papakawalan, hindi ba? Selfish na kung selfish pero ayokong pakawalan ang boyfiend ko at mas gugustuhin ko na lang na itago ito kaysa maghiwalay kami. He's the only man that I want to spend the rest of my live with. "Nice meeting you guys." nakangiting sinabi ni Lars, boyfriend ni Madz. "Sige, Madz. Mauuna na kami." Nakipagbeso ito sa akin at inilahad ko ang kamay ko sa harap ng boyfriend nito, na tinanggap naman nito at kaagad rin bumitaw. "Nice meeting you rin. Minsan sumama ka sa amin kapag maggagala kami." "Sure. Gusto ko rin naman kasi makilala ang mga tao sa buhay ng girlfriend ko." Umakbay ito kay Madz at ginawaran ang girlfriend ng saglit na halik sa sintido. "Alis na kami. Mag-ingat kayo." Nang talikuran na kami ng mga ito, walang sabi-sabi rin na pumihit si Drew para maglakad. Humabol naman ako rito at sinubukang hawakan ang kamay niya pero ibinitaw niya rin kaagad. Gusto ko magreklamo at magtampo dahil sa ginawa niya. Does he even know what he did hurt me? Pero sa pagkakataong ito, may karapatan siya dahil sinaktan ko siya. Nakarating kami sa sakayan ng taxi habang nakabuntot lang ako sa kaniya. Neither of us were talking habang naglalakad kanina and up until now, hindi pa rin kami nag-uusap. The silence between us usually is a comfortable one pero ngayon, para akong nabibingi sa katahimikan. I don't like this atmosphere between us. "Babe..." mahinang pagtawag ko sa kaniya nang hindi ko na makayanan ang tensyon. Hindi ako nito pinansin at nanatiling nakaupo sa ilalim ng shed na pinuntahan namin dahil nga dito ang sakayan ng taxi. "Can we please talk?" Then again, wala akong nakuha na kahit anong response sa kaniya kaya nadismasya lalo ako. "Dala ko iyong kotse ko, hindi ba? Ihahatid na lang kita. Huwag namang ganito." "Sa iyo pa talaga nanggaling iyan?" pabulong na sinabi nito habang nakangisi saka umiling. "Huwag ganito?" Finally, tinapunan niya na ako ng tingin pero salubong naman ang mga kilay niya. "Alam mo, these past few days hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon, kailangan pa rin natin itago itong namamagitan sa atin. Hanggang ngayon, ang dami ng tanong na umiikot sa ulo ko kung ano ba iyong ikinatatakot mo kapag umamin tayo. Huhusgahan nila tayo? Bakit tayo magpapaapekto? Mamaliitin tayo? Bakit natin sila pakikinggan?" Nag-iwas siya ng tingin saka hinugot ang panyo sa bulsa niya saka ito ipinangpunas sa ilalim ng mata niya. "Kaya kitang ipaglaban, Gab. Kahit sa parents ko pa. Kayang-kaya kita piliin at ipaglaban basta sabihin mo lang sa akin. Gagawin ko kasi lahat ng gusto mong gawin ko kaya bakit takot na takot ka?" Umiiyak na pala siya at kasalanan ko na naman. "Mahal mo ba talaga ako?" "Oo naman." mabilis na sagot ko rito. Akmang hahawakan ko ulit ang kamay niya pero iniwas niya ang mga ito kaya natigil ang mga kamay ko sa ere. "Mahal kita, Drew. Alam kong alam mo iyan." "Seriously, hindi ko na alam. Ayokong magdoubt sa nararamdaman mo para sa akin pero dahil sa mga tanong na umiikot sa utak ko, naiisip kong hindi kasing lalim ng nararamdaman ko iyang nararamdaman mo para sa akin. Kasi kung ganuon, bakit mo ako sinagot? Dahil lang ba sa kasabikan na magkaroon ka ng boyfriend at s*x partner? I'm thankful na ako ang pinili mo. God knows how happy I was nang sabihin mo na mahal mo rin ako. Pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko na kung boyfriend at s*x partner lang ang hanap mo, bakit hindi mo pinili iyong gagong Sebastian na iyon? Harapan-harapan ka niyang nilalandi kahit na alam niyang nasa tabi mo lang ako at mukhang nag-eenjoy ka kapag ginagawa niya iyon. So why, Gab? Kung hindi naman ganuon kalalim ang nararamdaman mo para sa akin, bakit ako ang pinili mo? Hindi mo ba naisip na masasaktan ako? And please don't tell me na mahal mo ako kung pilit mo akong itinatago kasi nakakaputangina na lang iyong rason na iyan." Tumayo siya nang biglang may pumaradang taxi sa harap namin. Dali-dali siyang sumakay rito nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin o ni magpaalam. Naiwan na lang ako na nakatungo habang umiiyak ng tahimik dahil tagos na tagos sa akin ang mga sinabi niya. This is really f****d up. He's now even doubting my feelings for him but then again, I can't blame him. I've been hurting him even if I don't want to. Nasakal ko na talaga siya at napuno na siya. Naipon siguro ang mga ikinikimkim niyang selos every single time na nakikita niya kaming magkasama ni Seb. Hindi na rin ako mabibigla kung iisipin niyang may namamagitan sa amin ng lalakeng iyon. Ilang beses na kaming namuntikanan mahuli, eh. Baka nga isa sa mga iniisip niya na tinu-two time ko siya. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos. Ang tanging naalala ko lang ay ang pagpark ko sa sasakyan ko sa parkling lot habang umiiyak at makatulog na hindi man lang nakapaglinis ng katawan. Kinabukasan, nagmessage ako kay Drew ng Good morning, Baby. Gising na. I love you like I usually do pero this time, wala akong nakuha ni isang reply sa kaniya. Sineen niya lang ako. I want to call him pero pakiramdam ko, hindi pa ako handa marinig ang mga sasabihin niya. Sobra akong nasaktan kagabi kaya talagang nakatulog na lang ako habang umiiyak. Isa pa, natatakot akong hindi niya sagutin ang tawag ko dala ng galit sa akin. Simpleng bagay pero kapag ang taong mahal mo ang gumawa nuon, talagang matatakot ka. And so, I did the only thing that I can think of doing right now. "Seb, please." pagmamakaawa ko rito matapos ko lumuhod. "Hindi ko na kasi kaya ito." He's casually sitting on the sofa while watching TV matapos niya ako papasukin sa unit niya. Tulad ng boyfriend ko, hindi rin ako nito pinapansin. He was excited at first nang malaman na ako ang tao sa harap ng unit niya pero nang sabihin ko ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito, sinimangutan niya lang ako at dinedma. "Ayoko." malamig na pagkakasabi niya matapos ang ilang minuto kong pagmamakaawa. Para pa rin siyang walang pakielam habang nakatutok ang mga mata sa TV. "Kahit anong pagmamakaawa mo, ayoko." "Alam mo, hindi ko alam kung bakit mo ako pinahihirapan ng ganito. Sinasabi mong mahal mo ako pero ganito ka ba magmahal? Nananakit ka?" Napahikbi ako kaya napatingin na siya sa akin. Siguro nga hindi lang dahil sa hikbi ko kaya niya ako tinignan; siguro dahil na rin sa sinabi ko. "If this is your way of loving someone then stop it. Nakakapanakit ka na. If you really love someone, you should let them be happy. At kahit anong gawin mo, hindi ko naman kayang ibaling sa iyo iyong feelings ko. Instead, you're pushing me away dahil napakasama mo." "I'm not pushing you away, Gabby." Sinamaan niya ako ng tingin saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Ginagawa ko ito para mapanatili ka sa tabi ko tapos sasabihin mo itinutulak kita palayo?" "Alam mo," Tumayo na ako't hinarap siya. Itinulak ko siya ng bahagya sa balikat kaya napaatras siya ng kaonti. "Sa ginagawa mo, mas pinatutunayan mo na dapat kitang layuan kaya ko nasabing itinutulak mo ako palayo. You are ruining me. Hindi ganiyan ang pagmamahal, Seb, and I hope you know that. Walang taong sasaya sa ginagawa mo." "As long as alam kong sa akin ka, wala na akong pakielam kung mali ang ginagawa ko. Ikaw lang gusto ko, Gabby, at alam kong alam mo iyon." Tumawa ako ng mahina saka ko sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. "If I can't be happy, then I'm better off dead. Ganuon rin naman ang ginawa mo sa akin, eh. You're pushing me to something I don't want. Kinukulong mo ako at pakiramdam ko, any moment, masisira ang buhay ko. Well what's the difference, hindi ba? Hindi ako malaya; I'm not happy; I'm not free to love someone else dahil ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa akin so anong ipinagkaiba ko sa patay na tao? I'm just a puppet to you, Seb, na kahit anong sabihin mo, gagawin ko dahil sa pesteng video na iyan." Kahit nagmamatigas, halata ang pagpipigil niya na ibuhos ang emosyon niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding lungkot dahil alam kong ganito rin ang ipinakikita ko ngayon. Wala na akong pakielam sa lahat. Hindi ko na dapat isipin kung nakakasakit ako ngayon dahil ano bang ginagawa niya sa akin? Hindi ba't sinasaktan? It's just fair that I do the same to him nang maramdaman niya ang galit ko. And it's true though. I'm really better off dead dahil tinanggalan niya ako ng kalayaan. Pakiramdam ko, lahat ng galaw ko, may nakamonitor. I don't like talking about death because it scares me. I don't want to die pero paano kung magleak iyong video? Paano kami ni Drew? Ayokong tumanda na nakakulong sa sitwasyon na ito. It's selfish to think about committing suicide. It's not something to talk about lightly. If you end your life, that's it; there's no going back and you're going to cause so much pain to those people who love you. Pain is infectious kaya ang sakit na mararamdaman mo, mararamdaman rin ng iba kapag nagpakamatay ka. I'm torned between two ideas; keep on moving forward or just end my life dahil ayoko na ng ganito. I'm weak-- all the people who knows me how weak I am. Siguro nga kung walang tumulong sa akin noong mga panahon na binubully ako, nagpakamatay na ako. That's how weak I am. I'd hate to take my own life pero wala na akong ibang maisip na sulusyon para makawala sa sitwasyon ko. Ayokong mabahiran ang tingin ng iba sa akin. Ayokong ipaalam sa kanila ang tungkol sa pinaggagagawa sa akin ng demonyong Seb na ito. Gusto ko na kahit papaano, malinis ang tingin nila sa akin kapag nawala na ako. His words are final. Hindi niya talaga ako pakakawalan kaya mas naging desidido akong tapusin na ang lahat ng ito. Ayoko man saktan ang mga nagmamahal sa akin, wala akong ibang alam na paraan para lang makaalis sa sakit na ito na unti-unti ring pumapatay sa akin. "I'm scared." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa ilang piraso ng sleeping pills na nakalagay sa container. Tumingin ako sa salamin saka ko itinaas ang hawak kong cutter. "Pero you need to do this, Gabriel. Ito lang ang alam mong paraan para makatakas." Huminga ako ng malalim saka ko tinignan ang talim ng cutter. Ilang saglit na lang, babaon na ito sa pulso ko. Takot ako sa ganito pero kailangan ko ito. Kinuha ko rin ang baso ng tubig na inilagay ko sa gilid ng sink pati na ang container ng pills. Nanginginig ang kamay kong may hawak na cutter dala ng takot pero naupo pa rin ako sa kama. Inilapag ko sa ibabaw ng bedside table ang mga hawak ko saka ko ito tinignan. In a few minutes, I'll be dead. "I'm so sorry, God." Napahikbi ako habang nakatingala. "Ayoko pong gawin ito pero wala na akong maisip na ibang paraan. Do save my soul; ayokong mapunta sa impyerno. I'm so sorry po sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ko. I regret all of those pero this time, kahit ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko na, kailangan ko po gawin ito para sa sarili ko." Tinignan ko ang note na inihanda ko para kapag may nakakakita ng bangkay ko, alam ng lahat kung anong gusto ko sabihin sa kanila. Talagang dito ko inilaan ang buong maghapon ko kahit na pagod ako galing sa trabaho. Kanina nga, naisip ko, nakakapanghinayang dahil magpa-Pasko na pero ngayon ko pa tatapusin ang buhay ko. Pero kasi alam ko na mangungulit na naman si Seb na sumama sa akin sa pagdiriwang ng Pasko at si Drew? Kahit hindi pa rin ako nito kinakausap, alam kong gusto rin ako nitong kasama. Ayokong magpang-abot silang dalawa dahil baka patayin ang demonyong iyon ng boyfriend ko. Hinablot ko ang cell phone ko saka ko binuksan ang group chat namin. I left a message, saying I love you guys saka ko ito pinatay. Alam kong magtataka sila dahil out of nowhere ko sinabi ang mga katagang iyon pero wala na akong pakielam. Nang masigurado kong patay na ang cell phone ko, tinake ko ang apat na pill saka uminom ng tubig para malunok ko ang mga ito. Ang isinunod ko naman ay cutter. Hiniwa ko ng bahagya ang pulso ko pero inilayo ko rin kaagad dahil sa sobrang sakit. Nang mailapit ko na ulit ang cutter sa pulso ko, itinuloy ko na ang hiwa saka ko ito dinagdagan ng isa pa. Ibinagsak ko na lang ang sarili ko at hinayang lamunin ng dilim ang buong paligid ko. At least I'm going to be free now. Kasalanan ko naman kung bakit ako nasa sitwasyon ito so I deserve to die.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD