Gabby
"Kuya, nasaan ka na ba?" Napapadyak ako dala ng inis dahil kanina pa ako naghihintay rito sa tapat ng studio nina Mama at Papa.
"Can you please wait, Gabby?!" singhal nito mula sa kabilang linya.
Hindi ko maiwasang mapataas ng isang kilay dahil sa gulat sa kapatid ko. Ibinalik ko rin kaagad ang cell phone sa tenga ko para sagutin ang bwisit na ito.
"Kuya Dane, anong wait?! How long am I going to wait here?! I've been waiting for like half an hour and you're telling me to wait some more?! Sobrang init dito! Bakit kasi hindi na lang si Izzy ang utusan niyo?! And I thought you're on your way here?! What happened?!"
"Hi Gabigabs," napakunot ang noo ko dahil ibang boses na ang narinig ko. I know who this voice belong to kaya bakit siya na yata ngayon ang may hawak sa cell phone ni Kuya?
"Ate Ella?"
"Oo. Ako nga ito." pagkukumpirma nito. "Sorry na sa paghihintay. Kinailangan kasi ako sunduin ng kuya mo. You know, parenting stuff."
Napabuntong-hininga ako. Narinig pa tuloy ako ni Ate Ella na nagrereklamo. "Ate, sorry. Kasi naman iyang asawa mo, kanina pa ako pinaghihintay. He didn't even mention that he's going to fetch you." pagsusumbong ko rito. Sumandal na lang ako sa gate dahil kilala naman ako ng guard kaya hindi ako sisitahin. Hello, anak ako ng artista na nagtatrabaho sa kanila. "Ang init kasi tapos ako pa pinapunta nila. Alam mo namang madali akong mahilo kapag ganitong panahon."
"I see. Sorry na, ha? Pagmamadaliin ko na lang siya para makapunta kami kaagad riyan, okay?"
"Wait, you're coming, too?" Sinagot ako nito ng oo kaya hindi ko mapigilang mapangiti. "Oh, my god. I'm finally going to see you again, Ate! Na-excite ako! Hurry up! Pero mag-ingat kayo! Tell him to drive safely."
Tawa lang ang narinig ko rito tapos ay nagpaalam na. Masaya man ako dahil magkikita na kami ni Ate Ella, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis dahil sobrang init. It's close to Christmas pero bakit ganito katirik ang araw? Shouldn't it be cool right now? Bakit ganuon? Global warming?
Napagdesisyunan ko nang pumasok sa studio para puntahan sina Mama at imessage na lang si Kuya na pumasok na ako dahil ang init sa labas. Alam kong dapat kanina ko pa ginawa ito pero kasi sinabi ni Kuya na maghintay ako sa labas dahil marami siyang dadalahin na gamit nina Mama na gagamitin sa shooting.
May iilang bumati sa akin nang mamukhaan ako. Not much changed sa studio. Last na bisita ko rito ay last year pa. Inalok kasi ako na mag-audition for a role but I suck at acting kaya hindi ako pumunta sa araw ng audition. It could've been a great exposure for me pero takot ako dati na makilala ng marami at mahusgahan. Maraming basher kasi ang mga LGBT peeps kaya gusto ko lang talaga ng tahimik na buhay that's why I stayed out of the spotlight.
But I do know someone na gusto ang spotlight.
Napangiti ako habang naglalakad. Naalala ko kasi si Drew. He always wanted to work here as model. He's a genius when it comes to fashion as well kaya hindi malabong makilala siya ng marami. It has always been his talent. Ang ironic nga kasi almost all of the human population knows how great LGBT peeps are when it comes to fashion. Sa aming dalawa, ako dapat ang may touch ng magic sa mga damit pero look, siya pa ang mas talented.
Marami nang kumontak sa kaniya pero hindi pa raw siya handa noong mga oras na iyon. I wonder what would happen if someone contact him now? Expose na expose ang pictures and works niya sa social media kaya hindi malabong may kumontak ulit sa kaniya.
Kahit naman kasi malakas ang distrust niya sa mga tao, gusto niya pa rin magkaroon ng career sa ganitong klase ng trabaho. Sobrang dami niyang pangarap na nahihirapan siyang buuin dahil nga sa takot na baka mabully siya or what. Kaya dati ko pa siya pinipilit na subukan makipagsocialize dahil hindi siya mabubuhay sa paraan na ginagawa niya. He should get out of his bubble and face the real world. Ilang beses ko rin ipinaintindi sa kaniya na hindi naman lahat ng tao bubullyhin siya pero sadyang malakas lang ang side niya na hindi magtiwala sa tao.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Papa matapos niya iwan ang crew niya. He just finished filming a scene at pumapalakpak ang mga tao sa paligid. They keep on shouting great job and whatnot.
Sumimangot ako kaya ginulo nito ang buhok ko habang nakangiti. "Hindi pa po. Kasi naman si Kuya minadali ako na pumunta rito."
"Kasi nga hinahanap ka ng Mama mo." pagpapaliwanag niya. Bumaling siya sa kumalabit sa kaniya at tinanggap ang dala nitong bimpo at tumbler. "Thank you." Humarap rin kaagad siya sa akin saka pinunasan ang leeg niya na basa. Why is he sweating kung medyo malamig dito?
"Bakit ka basa, Pa? Ano po iyong scene na ginawa niyo at pinagpawisan ka?"
"Pawis?" takang tanong nito saka huminto sa pagpupunas ng bimpo sa leeg. "Ah. Tubig ito. Kailangan kasi para sa scene kanina kaya binasa ako. Wait here." Lumapit siya sa kumpol ng mga lalakeng may hawak na parang stick na may nakakabit na ilaw at mga camera man. Nakita ko ang pag-abot niya ng bimpo at tumbler matapos niya ito inuman. May iniabot ang isang lalake sa kaniya at matapos niya ito tanggapin, lumapit rin kaagad siya sa akin. "Dalahin mo sa Mama mo sa kabilang wing. Kanina pa niya gustong pakainin ang kapatid mo nito."
Tinanggap ko ang inilahad niyang container na naglalaman ng slices ng watermelon saka ako nagpaalam at dumiretso na sa kabilang wing ng studio. "Hi, Terrence." bati ko sa kapatid ko habang buhat ito ni Mama. Kinuha ko ito saka ako nagmakeface na dahilan kung bakit ito tumawa.
"Did you eat na?" tanong ni Mama pagkaupo namin sa pang-apatang table. Inamoy niya ang laman ng container saka napangiti bago kumuha ng isa at iniabot sa batang karga ko.
"Hindi pa po pero don't mind me." sagot ko saka ipinagpatuloy ang pakikipaglaro kay Terrence.
I could just buy some food since sa cafeteria naman kami napadpad. Pero kasi nagce-crave ako ng chopseuy na ibinebenta ng favorite kong karindirya. Ewan ko ba kung bakit. Hindi naman ako buntis para magcrave ng ganito.
As if mabubuntis ako.
"Where's Dane and Daniella?" Napatingin ako kay Mama dahil sa tanong niya. "Pupunta rin sila dito, hindi ba?"
"They will. Kaya lang nagkaroon ng something about parenting kaya hindi kaagad sila nakaalis. Isa pa, sinundo pa po pala ni Kuya si Ate kaya siguro mas natagalan sila."
"I see." Tumango lang si Mama saka pinahiran ang gilid ng pisngi at labi ni Terrence. Nagkakalat na kasi ito dahil sa kinakain.
Nagpaalam na rin kaagad ako dahil hinahanap-hanap ng bibig ko ang lasa chopseuy. I booked a taxi saka nagpahatid sa Pandacan, kung saan nagtitinda ang karindirya. I've been in this place for a few times at kapag napapadpad ako rito, hindi ko maiwasang isipin na tumira dito.
It's just like any other barangay that I've been to pero kasi, ang maganda rito, kapag nasa kanto ka ng specific na barangay na pinuntahan ko, kaliwa't kanan ang nagtitinda ng mga ulam. It may have a weird name but this place hold a lot of karindirya that sell mouth-watering viands.
It was Ate Ella who introduced this place to me. Dito kasi sila tumira noon ni Kuya Travis. Back then, that brother of mine really picked this place kahit na sobrang dami ng magagandang choices na puwede niyang piliin na uupahan nilang magkakabanda. Paano ba naman, napakastalker na ewan. Alam kasi niyang dito nakatira si Ate kaya ganuon. Noon pa man kasi, grabe na ang obsession niya kay Ate. And yes, he was in a band. It's not just any band dahil naging official band sila ng school nila. Sobrang talented kasi ng kapatid kong iyon. Kaya lang dinisband rin nila ang banda nila for some reason.
Bumili lang ako ng dalawang order at ipinabalot ito. Kasi naman iyong mga tao, napapatingin sa akin. Iyong iba siguro ay kilala ako at iyong iba naman, siguro napuputian or nagagwapuhan lang sa akin. Aminin ko man kasi o hindi sa sarili ko, nagsstand out talaga ako kapag nasa mga ganitong klase ako ng lugar, iyong bang regular or tahimik na lugar. Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero kahit hindi ako nagagwapuhan talaga sa sarili ko, mukha talaga akong artista. Paghaluin ba naman genes ng mga magulang ko, ewan ko na lang.
--
"Aray!"
Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng sigawan mula sa mga taong nagkukumpulan. Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong-hininga dahil ang akala kong araw ng pahinga ay may ganitong eksena. Sunday na Sunday, magrarambulang ang mga taong ito?
At dahil dakila akong usisero, lumapit ako sa mga nagkukumpulan. Hindi ba sila nahihiya? Nasa public park sila tapos dito sila magrarambulan? Kaya nga dito ako sa park nagpunta dahil bukod sa matagal na akong hindi nakakapunta rito, alam kong peaceful rito at sariwa kahit papaano ang hangin.
"Excuse me." Sinikap koong sumiksik sa kumpol ng mga tao hanggang sa napunta ako sa harap. Nahirapan pa nga ako kasi may ibang nagreklamo, kesyo naniniksik raw ako. Pakielam ko sa kanila. Medyo nahirapan lang ako dahil ang bumungad sa akin ay dalawang lalake, na obviously ay kauri ko, habang nagsasabunutan.
And no one's stopping them except for one guy! Nakakaloka! Walang WWE, MMA o UFC rito para manuod lang ang mga taong ito ng dalawang baklang nagsasabunutan!
"Mang-aagaw ka!" sigaw ng isa sa dalawang nag-aaway na nakasabunot sa buhok ng isa pa. Pilit itong hinila palayo ng lalake na umaawat sa kanila pero ayaw nito magpatinag at talagang sumusugod pa rin.
"Siya ang lumapit sa akin!" sigaw naman ng isa pa na sinasabunutan.
"Tumigil ka na!" pakiusap ng lalake na umaawat sa sumusugod.
I don't know their names kaya tatawagin ko na lang silang B1 and B2. Si B1 ay ang sinasabunutan at B2 ang sumusugod. And if someone's going to ask me, hindi sila mukhang bakla. Maybe they're discrete kasi pati sa pananamit, parang normal na lalake naman sila.
And me, who has a good heart sa mga kabaro ko, lumapit na rin ako. Wala akong pakielam kahit tawagin pa akong pakielamero pero hindi ko kasi maatim na may mga katulad ko na nag-aaway para lang sa lalake. I don't know if I'm right pero mukhang itong si kuya mo ang pinag-aawayan nila. Hindi naman ito magbubuhos ng effort kung wala lang para sa kaniya ang mga baklang ito.
There are so many d***s in the sea kaya hindi dapat nila pag-agawan ang lalakeng iyan.
Kidding aside, sumugod na ako at pumagitna. "Stop it!" sigaw ko saka ko hinila si B1. "Ano bang pinag-aawayan niyo?!" I asked, even though I obviously know its this guy's d**k-- or heart.
"Sino ka?!" pasigaw na tanong ni B2. "Kaibigan mo ba iyang p****k na iyan?!"
Shit. Baka masali ako. "Hindi! But you guys should stop! Nasa public place kayo tapos dito kayo mag-aaway! Why can't you guys just talk it out?!"
"Sino ka ba?!" Kumawala si B1 sa akin kaya ang ginawa ko, pumagitna ako sa kanilang dalawa. "Bakit ka ba nakikielam?!"
I can't help it but I got dumbfounded. Is he for real? Tinutulungan ko na siya para hindi malagas ang buhok niya yet ganiyan pa siya sa akin?
"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko rito. "Are you for real?"
"Bakit ka ba English nang English?! Nakakabobo ka!" Napatingin ako kay B2 dahil sa biglaang tanong nito. Isa pa itong nakakagulat, eh.
"Baklang ito!"
Nanatili akong nakatingin sa kanila at nang tignan ko ang lalakeng pumipigil kay B2 kanina, nagstep aside na ako. "Hayaan mo sila mag-away." He reluctantly let go saka ko tinaasan ng kilay ang dalawa. "Sige, mag-away kayo. Nakakahiya kayo. Kaya ang baba ng tingin ng mga tao sa LGBT dahil sa tulad niyo. Wala kayong ka-class-class at dito pa talaga kayo nag-aaway."
Parehas silang nag-iwas ng tingin at kumalma. And now they're not attacking each other. Kung kailan ko sinabing mag-away sila, saka sila hindi mag-aaway. Kaninang pinipigilan, nagsusuguran sila. Parang mga tanga.
"Ang KJ mo naman!" narinig kong sigaw ng isang lalake mula sa kumpulan.
Humarap ako sa mga manunuod saka ko inisa-isa ang mukha ng mga ito habang nakataas ang isang kilay. "KJ? If this is your form of entertainment then wala na talagang pag-asa ang Pinas. Imbis na pigilan niyo, pinanuod niyo lang silang mag-away. May mga bata rito yet kayong matatanda pa ang nangunguna sa panunuod ng away. Tapos magtataka kayo kung bakit napakabayolente ng mga bata sa panahong ito pero wala naman kayong ginawa para ilayo sila sa mga ganitong eksena."
Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ko. Bakit? May point naman talaga ako. Malamang nahiya sila sa ginagawa nila. Parang mga tanga kasi.
"Sorry." Napatingin ako sa lalakeng nagsalita. Kaboses niya iyong sumigaw ng KJ kanina.
Napailing na lang ako saka ko hinarap sina B1 at B2. "Kayong mga bakla kayo, alam niyo, nakakaloka kayo. Nag-aaway ba kayo para sa lalake? Tangina, show some class. Huwag niyo nang bahiran ng pangit na image ang LGBT, please lang. Ang baba na ng tingin ng mga tao sa atin, pinapapangit niyo pa lalo. For what? For a d**k? Tangina."
Iniwan ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad. Nastress ako bigla but I somehow feel proud of myself kasi itinayo ko ang bandila ng LGBT community. I just hope that I knocked some sense into their stupid brain. Natahimik sila so probably, natauhan sila pero kung hindi, pakshet sila.
Naupo na lang ako sa bench habang kinakain ang cotton candy na binili ko kay manong vendor na nadaanan ko. Kung puwede lang ako magstay buong magdamag rito, gagawin ko talaga kasi sobrang presko rito kapag hapon. Nahagip ng paningin ko ang paglalakad ng ibang tao. Ang iba rito, namukhaan ko at ang mga ito ay iyong mga nanuod kanina.
Umiling na lang ako at ibinaling ang tingin ko sa dalawang teenager na naglalaro ng badminton malapit sa akin. I wanted to have a peaceful afternoon dahil ginugulo ako ni Seb sa unit ko kaya napilitan akong tumakas tapos inistress ako ng mga taong iyon. Nakakaloko na talaga ang nangyayari sa mundo.
"Ate?" bungad ko matapos ko sagutin ang tawag ni Ate Ella. I popped a piece of cotton candy saka ito tinunaw sa bibig ko. Sobrang tamis and I'm loving it.
"Gabby, punta ka naman rito sa bahay namin ng kuya mo. We're going to prepare for Terrence's 2nd birthday kasi and we need lots of help, you know. It's two days from now and kinonsult na kami ni Papa about the idea. Drew's here na rin pala. I called him earlier and we asked for his help."
Tinapos ko na ang tawag by telling her I'm coming over. Kailangan ko ang boyfriend ko para marelieve ang biglaang stress na ito. Isa pa, I want to bond with them. Minsanan lang mangyari ang ganito dahil busy rin kami sa kani-kaniyang buhay.
Ang nakangiting mukha ni Drew ang bumungad sa akin nang bumukas ang pinto. Humalik siya sa noo ko kaya pinanglakihan ko siya ng mata.
"Don't worry. Nasa rooftop silang lahat pati iyong dalawang maid." pagdadahilan niya dahil alam niya na ang gusto ko iparating kapag pinanglalakihan ko na siya ng mata every time na humahalik siya sa akin.
"Kanina ka pa?" tanong ko pagkapasok as loob.
"Parang isang oras pa lang ako rito."
Binagalan ko ang paglalakad na sinabayan niya naman. Habang paakyat, ikinwento ko sa kaniya ang mga nangyari kanina sa park. He knows how upset I am when it comes to things like this. Nakakadepress naman kasi talaga lalo pa't kabilang ako as LGBT community. Most of us are trying hard to be accepted while others are tainting our image for whatever reason.
Niyakap niya lang ako matapos niya ako hilahin papasok sa banyo ng 2nd floor. I hugged him back at hinayaang kumalma ang sarili ko. It's like he's trasferring his energy to me kaya unti-unti, naging mahinahon na ako. I really love his hug; it's warm, it's sweet, it calms me and it's full of love.
To be honest, we both appreciate cuddling more than kissing. Iyan ang pinakagusto ko sa mga similarities na mayroon kami. Kiss is equaly nice as hugging pero there's just something about a hug that gives a lot of people the energy and push they need to function properly for the entire day.
I don't know if I'm making sense anymore. I'm just really engrossed with my boyfriend's warm hug.
"Thank you," pabulong na pasasalamat ko rito saka ko ibinaon ang mukha ko sa leeg niya.
"Wala iyon." Hinagod niya ang likod ko gamit ang isang kamay tapos iyong isa naman ay ipinangkamot sa ulo ko. "Okay ka na ba?"
Tumango ako saka ko hinigpitan lalo ang yakap ko sa kaniya. "I am."
"Tara na," bumitaw na ito sa pagkakayakap and I did the same. Ngumiti siya sa akin saka ginulo ang buhok ko. "Lumabas na tayo't puntahan na sila Kuya Dane. Kapag nagtagal pa tayo rito, ano pang magawa ko sa iyo." Pinalo ko siya ng pabiro kaya tinawanan niya ako.
"Tignan ko muna kung may tao bago tayo lumabas rito. Mahirap na." Tumango siya kaya pumihit ako paharap sa pinto. Marahan ko itong binuksan at iginala ang paningin ko. "All good." balita ko rito nang masigurado ko na walang makakakita sa amin. Lumabas rin kaagad kami at umakyat sa rooftop.
"Gabigabs!" salubong ni Ate Ella sa akin saka ako mahigpit na niyakap.
Niyakap ko rin ito pabalik saka ako humiwalay. Baka kasi maipit ko ang tiyan niya. She's already 8 months pregnant kaya doble-doble na ang pag-iingat na ginagawa ng kuya ko sa kaniya. Hell, he told her to stay inside this house for 4 months dahil sa sobrang paranoid niya. I can't blame him though. Nang magpaconsult kasi sila, sinabi ng doktor na mahina ang kapit ng bata. Nag-iingat lang talaga sila and I would do the same thing kung sakali.
Hinimas ko ang tiyan niya habang nakangiti saka ako lumuhod para pakiramdaman ito. Kay Mama ko pa lang nagagawa ang bagay na ito kaya sobrang excitement ang bumalot sa buong pagkatao ko nang maramdaman ko ang mumunting paggalaw mula sa loob nito.
"Sumipa siya." Nanglalaki ang mga mata ko nang ibaling ko ang tingin ko kay Ate. Ibinaling ko rin kaagad kay Drew ang tingin ko at nakita ko ang pagngiti nito dahil sa ekspresyon ko.
"She did." tugon ni Ate kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya.
"She?" Tumango siya habang nakangiti saka ipinwesto ang dalawang kamay sa tiyan. "Inalam niyo na kaagad? What about the gender reveal party?"
"Nako. Iyong Kuya mo kasi, sobrang excited magkaroon ng Daney junior. Nakipagpustahan pa nga kay Izzy kung babae o lalake. Natalo tuloy siya."
Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod saka ko sila inaya na lumapit na kina Kuya at Izzy, na seryosong nag-uusap sa lamesang nakahanda. Talagang hindi ako sinalubong ng mga ito. Nakakainis.
I felt hurt earlier while feeling Ate Ella's stomach. Bukod duon, nakaramdam rin ako ng lungkot.
Lungkot kasi alam kong kahit anong gawin ko, hindi kami magkakaroon ng anak ni Drew na galing talaga sa amin. We can adopt when we grow up and if we are still together but it wouldn't be the same as having a child that really came from us and that s**t is so painful to think of.
I'm really wondering why I was born this way. If God has a plan for me, I want to know what it is.