Kanina pa ako pabiling-biling sa higaan dahil sa naging pag-uusap namin ni Bryce kanina. I was caught off guard when he asked if the Bryce whom I fell in love with was him. And there was no reason for me to deny that because it was so obvious! And he wasn’t that dumb not to figure that out! Kaya nga ako umiwas nang nalaman kong ang Bryce na ka-text ko ay si Bryce na gago at tanga sa pag-ibig! Pero ang mas nakaka-tanga ay ang mga sinabi n’ya sa akin kanina! “I almost had an accident again,” sabi n’ya. Mula sa paninitig sa harapan ng sasakyan ay nilingon n’ya ako. “That night when went to your bar,” dagdag n’ya kaya napasinghap ako at hindi makapaniwalang sinalubong ang titig n’ya. “A-Anong katangahan–” napatigil ako sa pagsasalita dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong maging rude sa

