May bumusina sa labas ng bahay kaya agad na napatayo ako at sumilip sa bintana. Kagabi ay sinadya kong ‘wag mag-reply sa message ni Bryce na nagtatanong kung pwede ba s’yang dumalaw dito. At hindi naman na s’ya nagtanong pa ulit kaya hindi ko talaga inaasahan na tutuloy s’ya kahit walang go signal ko! “Tsk! ‘Yang lalaki lang talaga na ‘yan ang nagpaalam na hindi pinayagan pero pumunta pa rin!” bulong ko nang makumpirma na sasakyan nga n’ya ang nasa labas ng gate. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng sasakyan n’ya at lumabas s’ya. Kulang na lang ay mapaatras ako sa sobrang pagkabigla nang makitang may dala s’yang bouquet ng bulaklak! Nakaporma din s’ya at bihis na bihis kaya kulang na lang ay lumipad na ako palabas ng kwarto at pababa sa hagdan para pabalikin s’ya sa sasakyan at doo

