SPECIAL CHAPTER Kanina pa ako wala sa mood at hindi kumikibo dahil sa hindi inaasahang message na natanggap ni Bryce. We were about to celebrate our first month of being officially together when he received an urgent message from Clara. Sa isang buwan na paging mag-on namin ay hindi pa kami gaanong nakakapag usisa sa buhay ng isa’t-isa dahil pareho kaming busy sa trabaho. At hindi ako makapaniwala na sa loob ng isang buwan ay hindi ko pala naitanong sa kanya kung ano ang status nila ni Clara! Kung hindi pa s’ya nakatanggap kanina ng message galing sa babae na ‘yon ay hindi ko pa malalaman na may communication pa rin sila hanggang ngayon! “Thanks for driving me home, Tito Bryce!” narinig kong paalam ng pamangkin ni Clara na pinasundo n’ya kay Bryce dahil may lakad daw s’yang importante

