ZARINA P.O.V Nasa loob ako ng sasakyan, mahigpit na hawak ang manibela habang hinihintay ang signal ng simula ng huling karera ko. Huling karera. Nakangiti ako habang iniisip iyon, pero sa loob ko, may halong kaba at excitement. Lahat ng oras, lakas, at emosyon na ginugol ko sa racing, lahat ng mga pagsubok at tagumpay, ngayon ko na isasara ang kabanata na ito ng buhay ko. "Last na 'to, Zarina," bulong ko sa sarili ko. "Last race." Malapit na ang simula. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko, hindi lang dahil sa excitement kundi dahil na rin sa naririnig kong boses ni Emir bago ako pumasok sa track. "Zarina, you need to be safe. Please. Promise me you'll take care." He was dead serious. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nag-aalala. Napatingin ako sa mga stands. Alam kon

