ZARINA P.O.V Pagdating ng gabi, nag-ayos na si Mama ng hapunan. Alam ko agad na espesyal ang gabing ito dahil sa mga niluto niyang pagkain. Naroon ang paborito kong sinigang na baboy, adobong manok, at ilang pang Filipino dishes na siguradong magpapa-bond ng kahit sinong pamilya. Halos hindi magkamayaw si Mama sa kusina habang inaayos ang bawat plato, parang excited na naman siyang ipakita kay Emir kung gaano siya kagaling magluto. Umupo ako sa mesa, katapat ni Emir, at napatingin ako sa kanya habang inaayos ang mga kubyertos. Medyo tahimik ako sa umpisa, siguro dahil hindi ko pa rin natatanggal ang awkwardness na naramdaman ko kanina. Pero si Emir? Aba, parang walang nangyari. Confident pa rin, relaxed, and completely in his element. Nasa tabi niya si Mama, na hindi mapigilan ang mga ta

