EMIR P.O.V Tatlong oras akong nakatayo sa labas ng emergency room, hindi mapakali, hindi mapalagay. Sobrang kabado, para bang bawat segundo ay parang oras. Hindi ko matanggal sa isip ko ang itsura ni Zarina nung nakasakay siya sa stretcher, duguan at halos walang malay. Naisip ko na kung may mangyaring masama sa kanya, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay pa. Pinilit ko na huwag mag-isip ng masama, pero ang daming ‘what ifs’ na pumapasok sa utak ko. Paano kung hindi siya magising? Paano kung hindi na siya bumalik sa dati? Ang lahat ng ito dahil sa huling karera na ‘to. Kung sana’y pinilit ko siyang huwag na ituloy, kung sana mas naging mahigpit ako… pero alam kong mali rin ‘yun. Alam kong mahal niya ang karera. Pero ngayon, kailangan niya akong mas mahalin. Kailangan niyang pumili ng b

