HINDI naitago ni Atasha ang pagkamangha nang ipasok niya sa malaking gate ang sasakyan. Ang agad kasing bumungad sa kanya ay ang magandang ancestral house ng mga Montreal. It looked like it came straight out of a movie, set during the Spanish colonization. Pagkaparada niya ng sasakyan sa likudan ng pick-up ni Niko ay agad nang bumaba ng kotse si Trishia, dagli naman siyang sumunod dito.
"Come, Asha, I'll take you to my room," wika ni Trishia na agad na siyang hinigit paakyat ng ancestral house. Naiiling na lang na sinundan sila ni Niko.
Kung maganda na ang bahay sa labas, it was even more amazing inside. Pakiramdam niya ay bigla siyang nag-time travel pabalik noong panahon ng mga kastila. Maliban sa mga modern appliances, like the flat-screen t.v, everything else looked vintage. From the grand staircase to the windows and flooring. Pero ang pinakanakakuha ng atensiyon niya ay ang chandelier na nakasabit sa pinakagitna ng living room. Sa tingin niya ay gawa pa 'yon sa mamahaling swarovski crystal.
Magkokomento na sana siya patungkol sa bahay nang muli siyang higitin ni Trishia, this time paakyat naman ng grand staircase. Hinila siya nito papasok sa unang kwarto na nasa kanan. Pagpasok na pagpasok nila, ang una agad na bumungad sa kanya ay isang malaking poster na nasa tabi ng pink, floral bed. It was a poster of her, wearing her usual black gothic dress while strumming her guitar. Dumiretso si Trishia sa isang rack kung saan nakahanay ang napakaraming CDs. Kumuha ito ng ilan at maingat na ipinatong ang mga 'yon sa kama.
"Upo ka dito, Asha," wika ni Trishia na naupo na katabi ng mga CD nito.
Lumapit siya at naupo na rin sa kama nito. That's when she noticed the covers of the CDs. Sa pagkagulat niya ay siya ang cover ng lahat ng 'yon. All of it were her album, simula noong nag-uumpisa pa lang siya magpasahanggang-ngayon. "Wow. Ngayon naniniwala na 'ko na ikaw nga ang biggest fan ko."
"Of course I am," proud na proud na wika nito.
Dinampot niya ang isa sa mga CD, it was her limited edition album na ni-release niya two years ago. Sa pagkakaalam niya ay fifty copies lang ang inilabas sa market ng music label na nag-ha-handle sa kanya. For Trishia to have this she must have pre-ordered it way before it was released.
"It was really hard to get that one," wika nito nang makita ang hawak niyang CD. "Mabuti na lang magaling si Tito Niko at naka-order siya kaagad. Regalo niya sa 'kin 'to nung birthday ko. Actually, lahat ng 'to si tito Niko ang bumili. Alam niya kasi na gustung-gusto ko talaga ang music mo."
Napangiti naman siya sa sinabi nito. Kahit hindi pa niya gano'n kakilala si Niko, base na rin sa impresyon niya dito, it was so like him to buy his niece all of these. He was undoubtedly a loving and doting uncle.
"Anyway," inabot sa kanya ni Trishia ang isang ballpen, "please sign all of my CDs."
Kinuha niya ang ballpen dito. "My pleasure."
Hindi na niya alam kung ilang oras ang lumipas pagkatapos no'n. Wala kasing tigil sa pagkukwento si Trishia. She was talking non-stop about almost anything under the sun. Masaya naman siya na nakikinig dito. The girl was highly entertaining. Kahit nga siguro hindi na siya magsalita at kasama lang niya ito buong araw ay hindi siya mababagot. She especially liked it when Trishia talked about her uncle. Para kasing unti-unti na rin niyang nakikilala ang binata. It was really weird. Hindi naman kasi siya yung tipo na nagkakainteres agad sa mga tao na kakakilala pa lang niya. Pero sa kung anong rason, interesado talaga siya kay Niko.
Napalingon siya sa bata nang huminto ito sa pagsasalita at napangiti siya nang makita na nakatulog na pala ito. Well, after all that talking, anyone would get tired and sleepy. Tumayo siya at maingat na inayos ang pagkakahiga ni Trishia sa kama. She tucked her inside the soft blanket. Hinawi din niya ang ilang hibla ng buhok na tumataklob sa mukha nito. Satisfied that the child was already comfortable, nagdesisyon na siyang lumabas ng kwarto.
Pagbukas niya ng pinto, bahagya pa siyang nagulat when she came faced-to-faced with Niko who, seemingly, was about to knock at the door.
"Ah hi, itatanong ko lang sana kung gusto niyo ng meryenda?" tanong nito with an awkward smile on his lips.
And she just can't help but find him so adorable. Ngumiti siya at umiling. "Nakatulog na si Trishia, napagod yata sa pagkukwento," aniya na lumabas na ng kwarto.
"Maaga kasi siyang nagising dahil kinailangan naming pumunta sa Lucena. She must be extremely tired kung nakatulog siya despite the fact that her idol is here," naiiling na wika nito. "Ahh... do you want juice or anything. Pasensiya ka na, I should have asked you earlier. But as you have seen, my niece is quite persistent na dalhin ka sa kwarto niya."
"It's okay. If you're offering me something to drink, then I'd rather have coffee. I feel like I really need one. Baka bigla na lang din akong makatulog kung hindi malalagyan agad ng caffeine ang sistema ko," pagbibiro niya dito.
That earned her a smile. Nabigla siya. Hindi dahil sa ngumiti ito but because she found his smile quite enchanting. Nagdulot 'yon sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Making her momentarily forget the pain and hurt she was feeling.
"Coffee it is," wika nito, telling a passing maid, who seemed starstruck seeing her there, na dalhan sila ng kape sa may living room.
Sabay na silang naglakad pababa sa living room. Again, she can't help but marvel at the beauty of the house. "Your house is really beautiful. Was it built during the Spanish era?" tanong niya nang kapwa na sila makaupo sa sofa na nasa salas.
"Yes. Pag-aari ng isang Kastilang haciendero ang bahay at ang lupang nasasakupan nito. Thirty years ago, Lolo bought this house and the land surrounding it. Isa sa mga rason kung bakit binili ito ni Lolo ay dahil dito sa bahay, the house is beautifully preserved. Pagkakita pa lang niya dito sa ancestral house, he instantly felt that he must have it."
"I can't blame him. Kung ako man ang nasa katayuan niya, bibilhin ko rin ang bahay na 'to."
Maya-maya pa ay dumating na ang maid na may dala ng kape nila. Inilapag nito 'yon sa may center table. Kinuha niya ang isang tasa at sinimulang higupin 'yon.
"Saan nga pala nakatanim 'yong mga bulaklak? Nabanggit ni Trishia that your family owns a flower farm," aniya.
"Sa may bandang likudan pa nitong bahay," sagot nito. Pagkatapos ay nag-aalangang tumingin ito sa kanya. "Ahm, I can show it to you. That is, if you want."
Hindi niya napigilang mapangiti because of the awkward way he asked her. She found him extremely cute. "I'd love to."
BEAUTIFUL. That was the only word that came to Asha's mind nang makarating sila sa malawak na flower field. Sa bawat paglingon niya ay iba't-ibang uri ng mga bulaklak ang nakikita niya. There must be a hundred different kinds of flowers planted here.
"Wow. I've never seen so many flowers in my life. Paano niyo na-me-maintain ang ganitong kadaming bulaklak?" manghang wika niya.
"There's a botanist working here, at lahat ng nagtatrabaho dito has a way with plants. So, with everyone working together, we get by."
Bumaling siya dito. "And you're the one in charge of this place. That's amazing. You're amazing."
Hindi naman niya inaasahan ang bigla nitong pamumula dahil sa papuring ibinigay niya dito. He looked so adorable na ang tanging naisip lang niya nang mga sandaling 'yon ay yakapin ito. Which of course she didn't do. Baka isipin nito na nababaliw na siya kapag ginawa niya 'yon.
"I'm not amazing, the people I'm working with are."
The fact that he didn't take all the credit for this beautiful place was amazing enough. Pero hindi na lang niya isinatinig ang naisip. Pinakatitigan niya si Niko. So hindi lang pala ito nag-ma-may-ari ng isang magandang ngiti, he was also a very humble man.
"Nasaan nga pala ang mga magulang ni Trishia?" pagbabago niya sa usapan. "I didn't see them here. Are they at work?"
A mask of sadness suddenly filled his face. "They're gone, died at a car accident four years ago."
Agad naman niyang pinagsisihan ang naging tanong. "I'm very sorry."
"Okay lang. It was... a very long time ago," hindi nito naitago ang lungkot sa tinig. Patunay na hanggang ngayon ay apektado pa rin ito sa nangyari. "Kapatid ko ang tatay ni Trishia. After the accident, I became Trishia's legal guardian."
Bahagya naman siyang nagulat dahil sa implikasyon ng sinabi nito. Ibig-sabihin kasi, pagkatapos ng aksidente, ito na ang nag-aruga at nagpalaki kay Trishia. Mas lalo lang tuloy tumindi ang paghanga niya dito dahil sa nalaman. Hindi kasi lahat ay gagawin ang ginawa nito. Ang isakripisyo ang buhay binata nito just to raise a child.
"Then you really are amazing," aniya. "Kahit na kakikilala ko pa lang kay Trishia, I know she's a good kid. You've done one heck of a job raising her. Para sa 'kin, that's pretty amazing."
Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman itong namula. "Swinerte lang siguro ako, mabait naman kasing bata si Trishia. I didn't really do anything special."
Umiling siya. "It's not about being lucky. Hindi naman magiging basta-basta mabait at palakaibigan ang isang bata ng walang impluwensiya ng mga tao sa paligid nila. You're a major factor in her upbringing. That means nagawa mo ng maayos ang parte mo."
Mataman naman siya nitong tinitigan. Bigla tuloy siyang nailang. It felt like his warm gaze was piercing through her. "Salamat," puno ng sinseridad na wika nito.
Binawi niya ang tingin dito. "Look at us, kung mag-usap tayo akala mo matagal na tayong magkakilala," pagbibiro niya just to lighten up the mood.
Napangiti na rin ito. "Oo nga eh. Salamat nga pala ulit dahil pinagbigyan mo si Trishia at sumama ka sa 'min dito. Even though I'm pretty sure that you're busy as it is."
"Sabi ko naman sa 'yo, okay lang. Isa lang naman ang naka-schedule na kailangan kong gawin ngayong araw. And I kind of jilted them. I had no idea where to go. Kaya nga nagpapasalamat ako na nakita niyo ako sa daan."
"Then I actually made a fool of myself by thinking that you're trying to commit suicide," nahihiyang wika nito as if remembering what happened earlier. "I'm really sorry about that."
"Kahit na sino naman yatang makakita sa akin in that state would think na magpapakamatay nga ako," pagbibiro na lang niya, kahit na nga ba muling ipinaalala no'n sa kanya ang dahilan kung bakit nga ba siya nando'n sa gilid ng daan at umiiyak.
Ilang sandali pa siguro ang lumipas bago ito muling nagsalita. "Why were you crying?" As if realizing what he just asked, dali-dali nitong binawi ang tanong. "Pasensiya na. I didn't mean to be so thoughtless. It's just that you looked so sad and you were crying so hard, and--" ito na mismo ang huminto sa pagsasalita. Pinadaanan nito ang kamay sa magulo nitong buhok at bumuntung-hininga. "I'm making a fool of myself, aren't I?"
Umiling naman siya, hindi mapigilang ma-amuse sa inakto nito. "Not at all. Pero kung gusto mong malaman yung sagot sa tanong mo, I'll gladly give it to you. I was crying because I was sad, angry, and hurt. Together, those emotions can certainly make a woman cry rivers," sinubukan niyang magbiro para kahit paano ay mapigilan niyang pumasok sa kanyang isipan ang imahe ni Treyton.
"Did someone hurt you?"
Gusto niyang magsinungaling at sabihin dito na nagbibiro lang siya, but the sincerity and understanding in his brown eyes stopped her from doing that. At natagpuan na lamang niya ang sarili na nagwiwika, "Yes, I was terribly hurt. It hurt so much na pakiramdam ko dahan-dahan nang nababasag ang puso ko."
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya at pinagmasdan na lang niya ang kalangitan. Noon lang niya napansin that the sky was already turning shades of orange and red. Hindi man lang niya napansin na palubog na pala ang araw. She didn't even know how many hours it has been simula nung dumating siya dito sa farm.
"Atasha."
Napapitlag naman siya dahil sa pagtawag ni Niko sa pangalan niya. Not many people call her that. To them, to Treyton, she has always been Asha. At kagaya nang naisip niya kanina, she liked hearing him say her name. Nilingon niya ito. "Yes?"
"Earlier, you asked me if I believe in love at first sight, kung ibang tao siguro ang nagtanong sa 'kin no'n, I would immediately say 'no' but when I saw you, it made me think otherwise." Pumitas ito ng isang tangkay ng wild daisy. Lumapit ito sa kanya and tucked the daisy behind her ear. "Because the moment I laid my eyes on you, I think I fell a little bit in love."
Pakiramdam niya ay parang biglang tumigil ang mundo sa pag-ikot dahil sa mga sinabi nito. Hell, she even felt like her heart stopped beating then. Sa isang iglap ay parang biglang nawala ang lahat ng sakit at lungkot na nadarama niya. And all that mattered was the man in front of her.
Ilang sandali pa ang lumipas nang walang nagsasalita sa kanilang dalawa, both of them staring at each other's eyes. Then his face turned beet red. Bigla na lang itong umupo, putting his head in between his knees. "I think I just said something stupid."
At hindi na niya napigilang pakawalan ang isang malutong na tawa. Umupo siya sa tapat nito at ikinulong ang mukha nito sa mga palad niya. "Thank you, Niko."
Staring at his blushing face, isang bagay ang agad na napagtanto niya.
She just found her sanctuary.