CHAPTER FOUR

2565 Words
"CUT!" malakas na sigaw ng direktor.    Pagkarinig niya no'n ay agad na lumayo si Atasha mula sa aktor na si Andres Refrea.  Ito ang featured actor sa music video niya.  Kanina pa siya naiinis sa binata.  Wala na kasi itong ginawa kundi makipag-flirt sa kanya, which really infuriated her.  Kaya nga ba ayaw niya na ito ang kunin para makasama niya sa music video eh, alam kasi niya na hindi ito titigil sa kakalandi sa kanya.  Pero wala naman siyang magawa dahil ang music label mismo na may hawak sa kanya ang nagdesisyon na gamitin si Andres.  Because aside from being a big flirt, isa rin ang binata sa pinakasikat na aktor sa bansa.  And his presence in her misic video will help in promoting her new album.   Nando'n sila ngayon sa studio ng isa sa pinakamalaking tv station sa bansa.  They were shooting some indoor scene for her music video, ilang eksena na lang at matatapos na sila.  Then she will be finally be rid of this guy's presence.   "Hey Asha, kailan ka ba papayag na lumabas kasama ako?" tanong ni Andres na sinundan siya patungo sa dressing room niya.  "Ang tagal-tagal na kitang niyaya pero hindi mo pa rin ako pinagbibigyan."   Nilingon naman niya ito.  "Siguro kasi wala akong balak lumabas kasama ka.  And besides, it's not as if you're lacking for female company."  Hindi naman kasi kaila sa kanya na halos linggo-linggo ito kung magpalit ng babae.  "So just spare me, will you?"   "True enough.  But I always wonder how it would be like to date a girl like you.  Kaya bakit hindi mo na lang ako pagbigyan para matapos na ang curiousity ko?" then he flashed her a charming smile.   Kung ibang babae siguro ang nasa katayuan niya ngayon, baka kanina pa 'yon nagkandarapa na pumayag sa gusto ni Andres.  Kahit naman kasi gaano pa kalandi ng lalaki, he was still undoubtedly very handsome.  But unfortunately, his charm doesn't work on her.  Thank God for small reprieve.    "Then I guess you just have to keep on wondering," at pumasok na siya sa loob ng dressing room niya, closing the door behind her.   Kakaupo pa lang niya sa isa sa mga couch na nando'n nang pumasok ang PA niya.   "Rina, ano pang naka-schedule na gagawin ko ngayong araw after this shooting?" tanong niya sa PA.   "Meron kayong guesting sa isang musical variety show, then libre na kayo for the rest of the day," sagot nito.    May itatanong pa sana siya dito nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya.  Awtomatiko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang pangalan na nakalagay sa caller i.d.  Dagli niya 'yong sinagot.  "Hi Niko!" masigla niyang bati sa binatang nasa kabilang linya.   "Hi, ahm, natanggap mo ba yung pinadala kong bulaklak?"   Mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa narinig.  "Nope.  I'm still at the studio, tiyak na mamaya pag-uwi ko pa makikita ang maganda mong bulaklak."  Sa building address kasi ng penthouse niya naka-address ang mga bulaklak na pinapadala nito.  Since two weeks ago, simula nung nagkakilala sila, not a day went by nang wala itong pinapadalang bulaklak sa kanya.   Hindi na tuloy niya napigilang alalahanin ang naging pag-uusap nila habang napapaligiran ng napakadaming magagandang bulaklak.   "Then do you want to be my boyfriend?" tanong niya while still cupping his face.   Hindi niya alam na posible, pero mas lalo pa yata itong namula dahil sa tanong niya.  Halatang hindi nito alam kung ano ang isasagot sa kanya.  Then, sa wakas ay tumingin rin ito sa kanya.  "Pwede bang ligawan muna kita?"   A hearty laugh escaped her throat at bago pa niya napigilan ang sarili ay nayakap na niya ang binata.  Hindi siya makapaniwala na magagawa pa niyang tumawa, not after having her heart broken.  But here she was, laughing her heart out.  Ang lahat ng samu't-saring negatibong emosyon na nadarama niya kanina was slowly subsiding.  Alam naman niya na hindi 'yon agad-agad mawawala.  But at least she doesn't feel like crying anymore.  At 'yon ay dahil lang sa binatang yakap-yakap niya ngayon.    "Hindi na kailangan.  I would gladly say yes to you right now."  And she will.  Dahil ng mga sandaling 'yon, she knew that the only person who could save her from this unwanted heartache was Niko.   Marahan itong kumawala sa pagkakayakap niya.  "But I do want to court you.  I want you to get to know me better.  And I want to know more about you.  If this thing between us can lead into something special, then I want us to have a solid foundation.  Alam ko na walang sense itong mga sinasabi ko, heck, I don't even know what I'm saying or doing right now.  Ang tanging alam ko lang ay ayokong magtapos lang dito ang lahat.  I don't want to be someone you just met on passing.  I want to be more than that."  Tinitigan niya ang kulay tsokolate nitong mga mata, eyes that spoke volumes of emotions.  Nakikita niya kung gaano ito kaseryoso sa mga sinabi.  It was probably the sweetest thing that anyone could ever said to her.  At lahat ng 'yon, mula sa isang lalaki who was practically a stranger to her.  But somehow, she couldn't help but feel that that fact doesn't matter.  Well, it probably never really did.   Nag-aalangang tumingin ito sa kanya, his hands starting to fidget.  "Would you let me?"   After all that talk, he was still embarassed and unsure.  Ginagap niya ang palad nito.  "Yes, I think I would."  Simula noon ay wala na itong palya sa pagpapadala ng bulaklak sa kanya.  Araw-araw ay tinatawagan siya nito and they would just talk about anything and everything under the sun.  Minsan ay nakakausap din niya si Trishia, na kagaya nung unang beses ay napakadaldal pa rin.  In a short span of time, napakadami na niyang nalaman patungkol sa binata.  Nalaman niya na matagal nang wala ang mga magulang nito at ito at si Trishia na lamang ang tanging magkasama sa buhay.    Minsan hindi niya mapigilang matakot kapag nagiging masyado ng personal ang pag-uusap nila.  Because he had been so open and honest with her, she's afraid that she can never be the same with him.  Napakadaming bagay ang hindi niya kayang sabihin dito.  She can never tell him that she was an addict in the past.  Baka kumaripas ito ng takbo palayo sa kanya kapag nalaman nito 'yon.  Ni hindi nga niya sigurado kung kaya niyang sabihin dito ang tungkol sa naging relasyon nila ni Treyton.   "Atasha?" tawag pansin ng boses ni Niko sa kabilang linya.   Agad niyang pinalis ang iniisip at itinuon ang buong atensiyon sa pakikipag-usap sa binata.  "You know, hindi mo naman ako kailangang padalhan ng mga bulaklak araw-araw.  Malapit nang magmukhang flower shop yung penthouse ko eh," pagbibiro niya.   "I'm so sorry, I didn't mean for it to bother you," parang nakosensiya namang wika nito.   "Hey, Niko, nagbibiro lang ako.  You know how much I adore your flowers,"  agad niyang wika.  "Iniisip ko lang na baka sobrang naaabala ka na, sending me flowers everyday."   "No, kahit kailan hindi ka magiging abala sa 'kin.  Ang pagbibigay ko sa 'yo ng bulaklak ang tanging paraan na alam ko para maipakita ko sa 'yo how much I appreciate you."  What he said gave her stomach a tiny flutter.  Pero agad din itong natahimik pagkasabi nito no'n, as if he finally realized what he said.  "I-I'm sorry.  I don't really know what I'm saying."   Napangiti naman siya.  Sometimes he can really say the sweetest thing without even realizing it.  Tiyak niya na namumula na ito ngayon sa kabilang linya.  Ito pa lang yata ang lalaki na nakilala niya na napakabilis mamula.  A twenty-eight year old blushing man.  Kung sa iba sigurong babae ay nakaka-turn-off ang gano'n, but for her, she found it refreshing and adorable.  Dahil ibig-sabihin no'n, Niko was not the type of person who would manipulate anyone.  Napakalayo ng ugali nito kay Trey.  They were like two opposite poles.   "Then, I'm happy to know that you appreciate me," nakangiti niyang wika, trying to get any thoughts of Trey out of her head.  "Iniisip ko nga pala na magbakasyon," pagbabago niya sa usapan.  "Pwede ba akong magbakasyon d'yan sa flower farm?"  "Oo naman," mabilis nitong wika.  "Tiyak na matutuwa si Trishia kapag nagbakasyon ka dito."   She chuckled, hindi man lang kasi ito nagdalawang-isip na pumayag.  "Eh ikaw?  Matutuwa ka ba kapag nagbakasyon ako d'yan?"   "I think you already know the answer."   Napatawa naman siya.  "Yes, I already do."  MASAYANG bumaba ng kanyang kotse si Atasha matapos niya 'yong iparada sa parking lot ng building kung saan nando'n ang penthouse niya.  Hindi na siya makapaghintay kung anong klaseng bulaklak ang ipinadala sa kanya ni Niko.  Araw-araw kasi ay iba't-ibang klaseng bulaklak ang ipinapadala nito.  Yesterday she received a bouquet of pink carnations and the day before that she had white lilies.   Pagpasok niya sa loob ng building agad siyang lumapit sa reception desk.  "Hi Milly, I think there's some package delivered for me today," wika niya sa receptioninst.   "Miss Asha, yes, meron nga pong bouquet of flowers na dumating ngayong araw na naka-address para sa inyo.  Kinuha po siya kanina ng manager niyo and he already brought it to your unit."   Nawala naman ang ngiti sa labi niya dahil sa narinig.  She was fairly certain that it was not her manager.  Dahil unang-una, babae ang manager niya.  And there's only one person brave enough to say that he was her manager just to meet her.  Hindi na siya nag-atubili pa at dagli na siyang dumiretso sa elevator.  When she reached the top floor, agad niyang nakumpirma ang hinala.  Nakatayo si Trey sa tapat ng pinto niya, holding a bouquet of flowers.  Ngayon nagpapasalamat siya na sa penthouse siya nakatira, at least no nosy neighbor would see him here.   Agad siyang lumapit dito.  "What the hell are you doing here, Trey?"   "Binibisita ka, what else?" wika nito with a sloppy grin on his face.   "Nababaliw ka na ba?  What if some paparrazzi saw you coming here?  It will be a huge scandal!"   Sa kabila ng hysteria niya, hindi niya mapigilang magtaka sa ikinilos ng binata.  Trey had never been this sloppy before, he knew how bad it would be if the two of them were caught in a scandal together.  Kaya naman noon, when they still had that kind of relationship, they would meet discreetly at hotels.  Sa loob ng dalawang taon, kahit minsan ay hindi sila nagpalipas ng gabi sa penthouse niya or his house for that matter.  They would never be even seen alone together.  Gano'n sila kaingat.   "Relax, Asha.  We haven't seen each other for awhile, hindi mo man lang ba ako na-miss?  Or perhaps, you're expecting another visitor.  Maybe the one who sent you these flowers?"   Agad niyang hinablot ang pumpon ng bulaklak mula dito.  "Don't change the subject, Treyton."   "What?  Masama na ba ngayon na dalawin ka?"   Sasagot pa sana siya sa sinabi nito when she smelled a hint of alcohol in his breath.  "Lasing ka ba?"   "Nope, I just drank a little," he slurred.   She bit back a curse, mukhang may tama pa yata ito.  Bago pa siya makapag-isip ay hinigit na niya ito papasok sa loob ng penthouse niya.  "Ano ba talagang--"   Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lang siyang niyakap ni Trey mula sa likuran.  "She's back, Asha."   Hindi na niya kailangan pang tanungin kung sino ang tinutukoy nito, the slight trembling of his body was good enough answer.  Only one woman can illicit this kind of reaction from Trey.  Ang babaeng patuloy na nagpapaalala sa binata ng isang kasalanan na habang buhay na yata nitong pagsisisihan.  No wonder he got drunk.  "What happened?"   "She just walked pass in front of me, but I know it's her.  Hinding-hindi ko maipagkakamali ang mukha niya sa kahit na sino."  Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.  "I need you, Asha.  I badly need you, please don't push me away."   At sinimulan na nitong kintalan ng mumunting halik ang leeg niya.  Napapikit siya.  The moment his lips touched her skin, all the nerves in her body went into haywire.  Pero kasabay din no'n ay pumaimbabaw sa kanya ang mabangong amoy ng pumpon ng mga bulaklak na hawak-hawak.  Niko's face immediately filled her mind.  Bago pa niya mapagtanto kung ano ang ginagawa ay agad na siyang kumawala mula sa pagkakayakap ni Treyton.   Humarap siya dito.  Nang susubukan nitong abutin siya ay umatras siya palayo.  Kahit na gaano pa niya kagusto na bawasan ang sakit na nadarama ngayon ni Trey, alam niyang mali kung magpapadala na naman sila sa kagustuhan ng kanilang mga katawan.  This kind of relationship has to stop now.  Dahil wala 'yong magandang maidudulot para sa kanilang dalawa.    Sa simula pa lang, alam naman niya na hanggang dito lang ang mararating ng relasyon nila.  She was just too foolish to admit that.  Pero ngayon, because of his engagement she finally realized how big of an idiot she was.  Yes, Trey might have given her his body but he will never give her his heart.  Dahil mula noon hanggang ngayon, isang babae lang ang nagmamay-ari no'n.  At hindi siya ang babaeng 'yon.  It was high time that she accepted that fact.  Kailangang tapusin na niya ang katangahan niya.   "We need to stop this," puno ng resolbang wika niya.   Panandalian itong natahimik bago nagdilim ang ekspresyon ng mukha.  "Why?  Dahil may nahanap ka nang kapalit ko?"   "You know damn well this is not about me.  You're getting married for Pete's sake!"   "At sinabi ko na sa 'yo that it's only a marriage of convenience.  I don't love the girl."   "But you don't exactly love me either, and that's the problem.  Pagod na pagod na 'kong umasa na darating din yung panahon na mamahalin mo rin ako.  But I guess that would never happen.  Sawang-sawa na 'kong masaktan.  At ayokong dumating ako do'n sa puntong kamumunghian kita dahil hindi ko na kayang kimkimin pa ang lahat ng sakit, ng galit, ng lungkot."  Hindi na niya napigilan ang pagkabasag ng tinig.  "So please, just let me go Trey.  Let me try to be happy."   His face became a mask of cold indifference.  "Alam natin pareho na hindi 'yon mangyayari, because you love me.  And as long as you do, no one could ever replace me in your heart."  Inabot nito ang ilang hibla ng buhok niya at dumako ang paningin nito sa hawak-hawak niyang mga bulaklak.  "I pity the guy sending you flowers.  Does he know that you're only using him as an escape goat?  Na ginagamit mo lang siya para makumbinsi mo ang sarili mo na kaya mong lumigaya nang wala ako?"   Tinabig niya ang kamay nito.  Nanginginig ang buong katawan niya, hindi dahil sa galit, kundi dahil hindi niya kayang pasinungalingan ang mga sinabi nito.  "Leave."   Hindi na niya kailangang sabihan itong umalis dahil walang lingon-likod na lumabas na ito ng penthouse niya.  Pagkalabas nito ay kusang bumigay ang mga tuhod niya at napaupo siya.  Hindi na rin niya napansin ang pagtulo ng kanyang mga luha.  Pinagmasdan niya ang yakap-yakap na mga bulaklak.  It was a bouquet of Violets.  Just looking at it made her cry even more.    She really hated herself at that moment.  Dahil kahit na ano pang gawin niya, hindi niya kayang itanggi na tama si Trey.  She was only using Niko.  "I'm so sorry, Niko.  I'm so sorry." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD