KANINA pa nakatitig lang sa kisame ng kwarto niya si Atasha. She was finally given a three week vacation, pero nandito siya ngayon, nakahilata lang sa kama. Bago pa niya hingin ang bakasyon na 'to sa manager niya, nakaplano na kung saan siya pupunta. She was supposed to go to Montreal Flower Farm. Pero pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Trey, parang hindi na niya kayang harapin pa si Niko. Maski nga ang pagsagot sa mga tawag nito ay hindi na niya magawa. Because everytime she thought about him, she can't help but be filled with overwhelming guilt.
What Trey told her two days ago really hit her hard. Napakamakasarili niya. She was willing to use a very kind man para lang kahit paano ay mabawasan ang sakit at kalungkutan na nadarama niya. She was doing the exact same thing Treyton did to her. Using another person to forget another. Niko doesn't deserve this, napakabait nito. From day one he had been nothing but kind to her, and she chose to exploit that kindness.
Kailangang tapusin na niya ang kahit na ano pa mang komunikasyon dito. Habang maaga pa, habang wala pang nasasaktan sa kanilang dalawa. Pero sa tuwing maiisip niya na hindi na niya muli pang makikita si Niko, agad siyang nababalot ng matinding kalungkutan. Na para bang isang parte niya ang mawawala kung hahayaan niyang lumayo ang binata. She knew that it was unfair of her to feel that way. Ni wala nga siyang karapatan na makaramdam ng gano'n. But she can't still help but to think of Niko as her sanctuary. Her very own safe haven.
Naputol ang pag-iisip niya dahil sa sunud-sunod na pagtunog ng intercom niya na naka-konekta sa reception desk sa ibaba. Naisip niya nung umpisa na 'wag na lang 'yong pansinin, pero nang hindi pa rin 'yon tumigil sa pagtunog ay wala na siyang nagawa kundi bumangon. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso malapit sa may pintuan kung saan nando'n ang intercom.
Pinindot niya 'yon. "What?"
"Miss Asha, meron pong lalaking naghahanap sa into dito sa baba. Nikolo Montreal daw po ang pangalan niya."
Bigla ang pagdoble ng t***k ng puso niya nang marinig niya pangalan ng binata. "L-let him in."
Parang lalabas na ang puso niya sa katawan habang hinihintay ang pag-akyat ni Niko. Maya-maya pa ay tumunog na ang doorbell. Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang pinto. At parang gusto na naman niyang maiyak nang mapagbuksan si Niko. With his unruly hair and shy smile, he looked like a teenage boy standing there in front of her.
"Niko," tanging nawika niya.
"Hi, I didn't mean to come unannounce. Pero hindi mo kasi sinasagot yung mga tawag ko and you said that you would go to the farm but you didn't, hindi ko mapigilang mag-alala kaya pumunta ako dito to check up on you." Then a smile of relief crossed his lips. "Thank God you're okay. Akala ko talaga may nangyari nang masama sa 'yo."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi para mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Sa nakalipas na dalawang araw, nag-aalala siya kung paano ito itutulak palayo, samantalang ito ay nag-aalala sa kalagayan niya. He cared for her. All the more reason why she should push him away. Pero paano niya gagawin 'yon, when after seeing him all her worries just seemed to vanish.
"Atasha, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.
Hindi siya sumagot at sa halip ay niyakap niya ito, burying her head on his wide chest. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Niko."
Pansamantala lang itong natigilan dahil sa ginawa niya, pero agad din naman itong nakahuma. Unti-unti ay naramdaman niya ang pag-ganti nito ng yakap sa kanya, engulfing her completely. "I know what we should do. Pupunta tayo ngayon sa farm and let you have that long-needed vacation." Bahagya siya nitong inilayo and smiled down at her. "Ano sa tingin mo?"
She should say 'no', she should end this now. But being the selfish b***h that she was, mas pinili niyang gumanti ng ngiti dito at nagwika, "I'd love that."
INILIBOT ni Atasha ang paningin sa loob ng kwarto na pinagdalhan sa kanya ni Niko. It has a queen sized four poster bed with a flower pattern bed sheet. Kumpleto rin 'yon sa mga kagamitan like a cabinet and a bed side table. Pero ang pinakanagustuhan niya ay ang verandah which was overlooking the whole flower field. Nilanghap niya ang sariwang hangin and she immediately smelled the scent of flowers.
Nilingon niya si Niko na kasalukuyang pinapatong ang mga gamit niya sa ibabaw ng kama. "This is a very wonderful room, Niko. Thank you."
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Tiyak na matutuwa si Trishia, siya kasi ang nag-ayos ng kwartong 'to."
"Then I will tell her that I like it very much. Nasaan nga pala siya?"
"Nasa school pa. Baka mamaya pa ang dating no'n. Tiyak na magwawala na naman 'yon sa sobrang saya kapag nakita ka."
"At mas lalo pa siyang matutuwa kapag naibigay ko na sa kanya yung sorpresa ko," aniya na ang tinutukoy ay ang bago niyang album na sa susunod na buwan pa lalabas sa market. Lumapit siya sa binata at hinawakan ang kamay nito. "Thank you, Niko. Thank you for coming to get me and bringing me here."
Kung hindi siguro ito pumunta sa penthouse niya ay baka nagmumukmok pa rin siya sa kwarto niya. Thinking of ways on how to push him away.
Umiling ito. "Ako nga dapat ang magpasalamat dahil sa dinami-dami ng lugar na pwede mong pagbakasyunan, you chose this place. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya dahil do'n."
Para namang lomobo ang puso niya dahil sa sinabi nito. Nobody ever told her that she made them happy just by simply being with them, pero walang kaabog-abog na sinabi 'yon sa kanya ni Niko. She made him happy and at that moment, it was all that mattered to her.
Pinagsalikop nito ang mga palad nila, entwining their fingers together. "Come, let me show you the greenhouse. I didn't have the time to show it to you the last time. Tiyak na matutuwa ka kapag nakita mo yung mga bulaklak na inaalagaan namin doon."
At magkahawak-kamay silang lumabas ng bahay.
Habang naglalakad sila ay hindi niya mapigilang mapansin how big his hands were. It was rough and callused, isang palatandaan na batak sa trabaho ang binata. So unlike Trey's soft hands. But to her surprise, she liked the feel of Niko's hands more. Because it was full of warmth, just like everything else about Niko.
Nakarating sila sa flower field at noon lang niya napansin ang ilang mga taong nando'n, collecting flowers. Agad na napahinto ang mga ito sa ginagawa pagkakita sa kanila. Binati ng mga ito si Niko habang binibigyan siya ng kahina-hinalang tingin. Mukhang hindi pa yata mahilig ang mga ito sa mga manganganta dahil sa tinging binibigay ng mga ito sa kanya. O baka iniisip ng mga ito na sasaktan lang niya si Niko. And they might be just right about that. Pero agad din niya 'yong pinalis sa isipan, walang magandang maidudulot ang pag-iisip ng gano'n.
"'Wag kang mag-alala, nasabihan ko na sila na 'wag sabihin sa kahit na sino na nandito ka. So you don't have to worry about reporters barging in here," wika nito na napansin yata ang pagtitig niya sa mga tauhan nito.
Bahagya naman siyang nagulat sa sinabi nito, ni hindi man lang niya naisip ang tungkol sa bagay na 'yon. Pero naisip 'yon ni Niko, napangiti siya, he really cared about her well-being. Lumampas na sila sa flower field at nagpatuloy na naglakad hanggang makarating sila sa greenhouse.
Pagkapasok niya sa loob ay talagang labis siyang namangha sa nakita. Kung maganda na ang flower field, then the inside of the greenhouse was a different matter altogether. Para siyang nakarating sa isang isla na punung-puno ng mga exotic flowers. Napakadaming bulaklak doon na hindi man lang niya alam kung ano ang tawag. But she didn't really care what they were called, because all of them were beautiful.
"Come, may ipapakita ako sa 'yo," excited na wika ni Niko na hinigit siya patungo sa isang parte ng greenhouse.
Akala niya ay hindi na siya magugulat sa kahit na anong ipapakita nito, but what she saw really took her by surprise. Isang hardin ng mga rosas ang tumambad sa kanya. Not just ordinary roses, but roses of extraordinary colors. Merong kulay asul, meron ding kulay lila, there was even a peach colored one. Lumapit siya sa mga rosas at manghang pinagmasdan ang mga 'yon.
"How?" tanong niya kay Niko. Sa pagkakaalam niya kasi ay pula, puti at dilaw lamang ang mga natural na kulay ng rosas.
Tumabi ito sa kanya. "I have this colleague of mine na nagtatrabaho sa Amerika. He came across with this group of botanists who were working with different agronomists to make genetically engineered plants. At isa nga sa mga project nila ay ang pag-po-pruduce ng mga rosas na iba't-iba ang kulay. Nang malaman ko 'yon, I immediately contacted them and asked if it's possible to buy the seeds from them. At 'yon, sa kabutihang palad ay pumayag naman sila." Proud na proud itong tumingin sa mga rosas. "And it was all worth it."
Napangiti naman siya. Everytime Niko talked about flowers, napupuno agad ng sigla at saya ang tinig nito. Isang palatandaan ng pagmamahal nito sa mga bulaklak na inaalagaan nito. And she loved hearing him talked about his flowers. "Yes, it is. They're beautiful."
"I think the blue rose suits you," biglang wika nito.
Napatingin naman siya dito. "Bakit naman?"
"Because you're both beautiful and mysterious."
"At kailan pa ako naging misteryoso?"
"Hindi ko rin maipaliwanag, pero kasi sa tuwing naiisip kita, the first thing that comes to my mind is a puzzle. A puzzle that I can't seem to solve. Hanggang ngayon kasi, kahit na anong isip kong gawin, hindi ko maintindihan why you would bother to spend time with a guy like me when you could be with any other guy you want." Bumaling ito sa kanya, an uncertain smile crossed his lips and a blush was starting to crept on his face. "Sorry, kung anu-ano na naman ang sinasabi ko."
Hindi naman niya akalain na iniisip nito na wala itong karapatan na makasama siya, when clearly it should be the other way around. Siya ang walang karapatan na makasama ito.
"And why wouldn't I want to be with you? You're the perfect gentleman, Niko. Kind, sweet, responsible, humble, lahat yata ng magagandang katangian ng isang lalaki na sa 'yo na. You're a woman's dream come true. Ako nga ang dapat magtaka kung bakit ka nag-aaksaya ng oras sa 'kin. I mean, aside from being famous I don't really have any redeeming characteristic."
"I beg to disagree. You're voice is like a miracle, Atasha. Hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang naitulong mo kay Trishia. Listening to your music helped her get through the sadness of losing her parents. Frankly, it also helped me. It became kind of therapeutic for both of us. Then we actually had the chance of meeting you. Unang kita ko pa lang sa 'yo, alam ko na agad na espesyal ka.
"Sobrang bilis ng t***k ng puso ko no'n, akala ko nga lalabas na 'yon sa katawan ko. 'Yon ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari 'yon sa 'kin. And then I got to know you better. Hindi ka na lang basta si Asha Abueva, isang sikat na singer, someone impossible to reach. You're Atasha, a real person, isang babae na handang makinig sa 'kin kahit na puro mga boring na bagay lang ang sinasabi ko. Na hindi ako pinagtatawanan sa tuwing namumula ako. At hindi nagrereklamo kahit pa walang tigil siyang kinukulit ng pamangkin ko."
Gusto niyang itanggi ang mga sinabi nito. That she was nothing special, that she was selfish and shallow and stupid. Na hindi siya deserving sa lahat ng papuring ibinigay nito sa kanya. Pero walang salitang gustong lumabas sa bibig niya, para namg naipit na 'yon sa kanyang lalamunan. Kaya sa halip ay niyakap na lang niya ito.
"You say the sweetest thing, Niko."
Ipinatong nito ang baba sa ulo niya, hugging her tightly. "Alam mo, I'm not really that much of a gentleman. Lalo na sa mga pagkakataong ganito."
"At ano namang klaseng pagkakataon 'to?"
"When you're pressed against me like this, my thoughts are not exactly gentlemanly."
Hindi naman niya mapigilang mapatawa sa sinabi nito. Tumingala siya and just like she thought, namumula na naman ito. "Oh Niko." At muli niya itong niyakap.
Nang mga sandaling 'yon ay isang bagay ang napagdesisyunan niya. Hindi na niya itutulak palayo si Niko. Ni hindi nga siya sigurado kung kaya pa niyang gawin 'yon. Consequences be damned, she won't push away the only person who's making her happy. Yes, it was selfish and thoughtless, but who could blame her? Ang tanging nais lang naman niya ay maging masaya. Mali ba 'yon?
She knew perfectly the answer to that and yet she chose to ignore it. And she just let herself be engulfed with Niko's warmth.