SAVANNAH
"Ano pa ang ginagawa niyan dito hon? Pauwiin mo na siya para maumpisahan na natin," ani ni Alona na nang-aakit ang boses nito habang nasa kandungan ito ni Duke.
Dahil sa inis ko rito sa kinauupuan kong sofa sa kakadukdok ko gamit ang aking kuko. Hindi ko inaasahan na nagkaroon ito ng butas. Lihim akong napakagat labi rito. Natakot ako at baka idagdag pa ito sa babayarin kong utang kay Duke. Yung mga naipon ko pa namang pera sa bangko ay nasimot na din dahil sa utang ni papa. Naawa na sa akin si mama dahil siya lang talaga ang may pakialam sa akin. Hindi ako naniniwala kay Duke sa sinabi niya na wala na siyang pakialam. Hindi naman siya makapalag kay papa dahil natatakot ito at baka mag-away lang sila. Yung kapatid ko namang si Rebecca ay tila masaya pa ito sa nangyayari sa akin.
Napasinghap na lang ako rito sa kinauupuan ko. Makakaya ko naman tiisin ang lahat huwag lang saktan ni papa si mama. Naawa ako sa kan'ya lalo na"t may dinaramdam itong sakit na hindi alam ni papa at ang aking kapatid. Lihim ko na lang inaabot kay mama yung perang naitatabi ko noon para may maipambili siya ng mga gamot pero nang malaman ni papa iyon ay doon ko na itinigil ang pagbibigay sa kan'ya kaya yung perang natitira sa sweldo ko ay naitatabi ko sa bangko kaso nalaman din iyon ni papa kaya lahat ng naipon ko ay kinuha niya lahat. Sobrang laki ng utang niya kay Failon at ako tuloy ang ginawa niyang pambayad utang sa kan'ya ngunit hindi natuloy ang kasal namin dahil sa iskandalong ginawa ko.
Dapat ba ko magpasalamat kay Duke dahil siya ang nagbayad sa lahat ng pagkakautang ni papa?
"Ohhh... Duke... F*ck me now. Ahhhh... " Dinig kong ungol ni Alona na halos umawang ang aking ibabang labi.
Mga walang-hiya talaga sila at dito pa talaga sa mismong harapan ko.
"Ahmm... Excuse me," sabay tayo ko rito sa sofang inuupuan ko. Hindi nila ko pinansin kahit malakas na yung boses ko. "Duke! lalabas muna ko," paalam ko. Tumingin lang siya sa 'kin na marahas ang pagkakatingin niya.
Lumingon na din sa akin si Alona. "Dito ka muna Savannah. Panoorin mo muna kaming dalawa ng honey ko kung paano niya ko paligayahin. Maupo ka muna riyan and sit relax," saka ito tumawa ng pagkalandi-landi.
Napahilot ng sentido si Duke. "Pwede ka ng lumabas Savannah," utos nito na hindi siya nakatingin sa akin. Nginisian ko naman si Alona. Ang sarap ng pakiramdam ko dahil sa akin siya pumanig.
Ngumisi din ito sa akin. "Hon, hindi ba't narito lang din siya. Ipalinis mo na din yung loob ng kuwarto mo dito."
"Ohh yes, I forgot... Go inside the room and clean up the mess," utos nito.
Ngumiti siya ng kaylapad. Inirapan ko ang pesteng Alona na ito. Humanda ka talaga sa akin. Magbilang ka na dahil hindi pa ko nakakaganti noon sa pagsampal mo sa akin. Ang sakit kaya 'yon.
"Ano pa ang inuupo-upo mo riyan? Tayo na," utos nito na nakangisi ang labi ni Alona.
Pinandilatan ko siya ng mga mata ko at tumayo. Patungo na sana ako sa kuwartong sinasabi niya ngunit pinahinto niya ulit ako. Ibinaling ko ang paningin sa kanilang dalawa. Napacrossarm ako rito habang pinapanood ko sila. Talagang pinagpatuloy pa din nila ang kanilang ginagawa kanina. Napatakip ako sa aking tenga dahil sa mga ungol na nagmumula sa mga bibig nila.
"Ahhh.... Duke! Ohhhh..." Ungol ni Alona. Sarap na sarap siya habang pinapaligaya siya ni Duke.
Nang makaramdam na lang ako ng pananakit ng aking sikmura. Hindi ko feel ang kanilang paglaplapan. Feeling ko tuloy ay matatae na ko ngayon. Pero bigla ding nawala ang pananakit ng aking sikmura nang ako ay umutot rito malapit sa may aircon. Hindi ko mapigilan at tila may tunog pa iyon.
"What's that honey?" Naka-kunot nong napatakip na lang ng ilong si Duke pati din ako ay nababahuan na din sa amoy bulok na utot.
Natigil ang kanilang nasimulan kanina na lihim kong kinatuwa.
"Isn't that you?" Turo ni Duke sa kan'ya.
"What? Hindi ako 'yon honey," giit nito na may kasamang pag-iling nito.
"Get off my lap first. You stink!" singhal nito. Halos hindi na maipinta ang itsura ni Alona dahil pinagbibintangan siya ni Duke.
"Hon naman! Kailan pa ko naging mabaho sayo? Baka si Savannah ang mabaho," turo niya sa akin.
"Please hon, I can't breath. Umalis ka muna okay." Nakasimangot na siya nang umalis ito sa kandungan niya.
Ganyan nga Duke para kahit konti lang ay makabawi ka naman sa pagsampal sa akin ni Alona.
Lihim akong natuwa rito. Lumabas si Duke ng opisina nito ganun din si Alona. Naiwan akong mag-isa rito sa loob kaya ginawa ko naman ang kan'yang inuutos sa akin.
Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ay malinis naman ito. Wala akong nakita na anumang kalat sa loob ng banyo at sa silong ng kama.
Napangiti na lamang ako nang makita ko ang malinis na kama. Hinigaan ko ito at nagpaikot-ikot rito hanggang sa napagod ako. Nagpahinga ako saglit habang nakahilata lang ako rito. Hanggang sa pumikit na ang mga talukap ng aking mga mata.
Hindi ko na namalayang nakatulog ako sa malambot niyang kama.
"Savannah!" Napabalikwas tuloy ako ng bangon dahil nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Duke.
"Duke.." mahinang sambit ko rito. Ngumuso ako nang makita ko itong galit ang mukha nito sa akin.
"Explain why you fell asleep here? Are you tired?" Bahagyang lumapit siya sa akin. Mahigpit na napakapit ako sa aking jeans nang tuluyang nasa harapan ko na siya.
"A-Ano kasi Duke... Hindi naman ako napagod eh. Nakatulog lang talaga ako," ani ko na may panginginig sa aking boses.
"You are shaking," bulong nito nang bahagyang inilapit niya ang mukha nito sa aking pisngi. Naamoy ko tuloy ang mabango niyang hininga.
"Duke, ano ang balak mo ngayong hawak mo na ko?"
Malamig ang mga mata nito nang tintigan niya ko.
"Marami Savannah. Marami akong plano para sayo," ani nito na nakangisi saka niya ko tinalukuran at patungo na ito sa may pinto. "Prepare my things. We're leaving," saka niya ko tuluyang iniwan rito.
Kusang sumunod naman ang mga paa ko saka ko siya sinundan. Inihanda ko ang mga gamit niya at tuluyan na din akong lumabas ng kan'yang opisina
Kasalukuyang pauwe na kami ngayon. Papunta na kami ngayon sa kan'yang Penthouse.
Napasinghap na lang ako rito. Gusto ko sana siyang tanungin kung nag-usap ba talaga sila ni Failon. Kung totoo bang itutuloy niya ang kasal namin kung sakaling hindi niya binayaran ang mga utang ni papa.
"Duke," tawag ko.
"What?" Nang biglaan ang pagtunog ng phone ko.
"Ahh.. Wala lang... Pasensiya na," hinging paumanhin ko rito.
Napabuga na lang siya ng hangin sa bibig nito. Inabala ko na lang na binasa yung text ni Narisa. Napaisip na lang ako rito sa kinauupuan ko.
Wala si papa noong araw na nasa bahay si Duke? So ibig sabihin ay si mama ang nakausap niya noong araw na iyon.
Lumingon sa akin si Duke. Pekeng ngumiti ako sa kan'ya saka ko itinago ang phone ko.sa loob ng bag.
Iniisip ko pa din hanggang ngayon kung ano ang pinag-usapan nila ni mama kung wala naman si papa noong araw na iyon. Kamusta na rin kaya si mama. Umiinom pa rin kaya siya ng gamot niya?
Bago pa man nakahinto ang sasakyan niya sa tapat ng Penthouse nito. Isang malakas na busina ang nanggagaling mula sa likurang bahagi ng sinasakyan namin.
"Nariyan na naman sila," ani nito. "Magprepare ka agad ng alak para sa amin," utos nito saka ito naunang bumaba ng sasakyan.
Nakita ko na lamang ang mga kapatid niya. Heto na naman sila. Nakakalito ang apat dahil nga sa iisa ang kanilang mga mukha.
Sumunod na din ako sa kan'ya para sundin ang pinag-uutos nito. Lumiko ako sa kabila upang hindi nila ako makita pero tinawag lang ako ng isa sa mga quadro.
Hindi ko nga alam kung sino ang nagtawag sa akin kaya pekeng ngumiti na lang ako rito.
"Hi," bati ko sa kanila. "Duke, may gagawin pa ako diba? Una na ko," paalam ko saka ako dali-daling pumasok sa loob para maihanda ko na ang mga iinumin nilang alak.
Palabas na ulit ako at nakita ko sila na nakaupo malapit sa pool. May mesa na nakahanda rito at isa isa ko namang inilapag ang bote ng alak.
"Savannah, pakidamihan itong yelo," utos ng isa na hindi ko alam kung ano name ng isang ito.
"May ipag-uutos pa ba kayo para minsanan na lang ang pagkuha ko sa loob." Pekeng ngumiti ako sa kanila.
Isa-isa ang nagsalita. Natulala na lamang ako sa dami ng kanilang mga sinabi. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.
"May reklamo ba Savannah?" Si Duke ang nagtanong dahil siya lamang ang nakapansin na naiinis ako.
"Wala naman... Actually gagawin ko na nga eh," sabay nguso ko at padabog na umalis.
"Huwag mo naman masyadong pinahihirpan si Savannah. Kawawa naman," dinig kong ani ng isa. Kahit malayo na ko ay naririnig ko pa din mga sinasabi nila.
"Mga bwisit kayo! Paano ko matatapos na lutuin ito kung mag-isa lang ako rito," singhal ko rito habang narito ako sa kusina.
"Basagin ko kaya ang mga baso. Kunwaring nabitawan ko dahil pagod ako." Napailing ako. "Ang babaw ng reason. Hindi maniniwala sa akin si Duke."
Nagtimpla muna ako ng juice nila bago ko lutuin ang kanilang kakainin. Orange flavor daw kaya orange juice ang tinimpla ko. Nang may bagay na lang akong nakita rito sa food cabinet. Kinuha ko ito.
"ROBUST," bigla kong naisipan na ihalo ito sa kanilang inumin. Dalawang capsule ang inilagay ko sa inumin nilang juice.
"Well, tignan natin kung hindi pa kayo titigil sa kakautos sa akin. Ako naman ngayon ang tatawa," ani ko rito na may ngisi sa aking labi.
Inihatid ko na ang inumin nilang orange juice na sakto naman ang pagdating ni Alona. Tamang-tama dahil makakaganti din ako sa kan'ya.
Paalis na sana ako nang maihatid ko ang kanilang inuming juice. Pero tinawag ako ni Alona. Nainis ako nang bumalik na naman ako. Pero ganun na lamang ang pagkatuwa ko nang uminom si ang dalawang quadro. Pero hindi ko inaasahan na inabutan ako ng isang basong juice ni Duke.
Oh maygad! Parang gusto ko na lang himatayin rito.