Pekeng ngumiti ako kay Duke. "Hindi ako umiinom ng juice Duke. Baka sumakit yung tiyan ko. Saka bawal ako niyan kasi meron ako," palusot ko. "Anong meron?" Kunot-noong tanong niya. "May regla siya hon. Iyon ang ibig niyang sabihin. Akin na lang hon," sabay kuha ni Alona sa kamay ni Duke ang isang basong juice. Napalunok na lang ako sa sarili kong laway dahil inubos ni Alona ang laman ng baso. "Ang sarap hon. Ayaw mo?" Inabutan niya ito ng juice. Sige... Inumin mo Duke, sa loob loob ko rito. "Ayoko hon," sabay iling nito at ayaw talaga niya talagang inumin ito. Napasimangot na lang ako rito. "Ang arte niya," mahinang ani ko rito. Pumasok na lamang ako sa loob ng kusina at nagulat na lamang ako nang may matandang babae akong nakita na pinakikialaman yung niluluto ko. "Hello po,"

