DUKE POV. Alam kong nagtataka si Savannah kung bakit hindi ako pumapasok sa trabaho ko. Pero ang totoo lang talaga, gusto ko lang talaga makasama siya araw-araw pero may part pa din sa akin na galit ako sa kan'ya. Minsan talaga, hindi ko nakokontrol ang aking sarili kapag kaharap ko na siya ay hindi ko maiwasan na hindi magsalita ng masasakit na salita sa kan'ya. Kung ano yung nararamdaman ko para sa kan'ya ay inilalabas ko lamang. Alam ko na sa tuwing magkaharap kami at nag-uusap ay sinusubukan ko naman na pakitunguhan siya ng maayos pero inuunahan talaga ako ng galit sa kan'ya. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko talaga siya kayang patawarin dahil sa ginawa niya. Minsan, ang wierd niya at nahuhuli ko na lang na natutulala ito. "Sir, mag-meryenda na muna kayo." Hindi ko siya binalinga

