Savannah Narito ako sa aking sariling kuwarto at hindi na ko natulog sa quarters maid. Pinalipat na ko ni Duke ng kuwarto at tila nagkakalapit na naman kami ng aming kuwarto. Dahil ba ito sa nakita niyang larawan ko sa may phone ko kaninang nasa cottage kami? Bakit kaya siya nagalit nang ipakita ko iyon sa kan'ya ang larawang kong hubad na katawan? Sumilay ang ngiti sa aking labi. Pakiramdam ko at iniisip ko ngayon na nag-aalala din siya sa 'kin. Napasinghap na lang ako habang nakatingin sa kisame. May ngiti pa sa aking labi habang iniisip ko siya. Bahagyang kinilig ako rito at mariing napayakap sa hawak kong unan. What if... Akitin ko siya? May mapapala kaya ako kapag tinuloy ko ang plano ko na akitin siya? Nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Bumaba ako ng aking kama at binalak na umin

