SAVANNAH Pauwe na ko sa aming bahay na tinitirahan. Hinatid ako ng driver ni Duke at kasalukuyang tinatahak patungo doon. Wala akong dala na anuman at tanging cp ang aking dala-dala. Kalaunan, narating din namin ang aming bahay. Pakiramdam ko, tila kay tahimik ng presensiya ng datnan ko dito. "Manong, salamat sa paghatid." Tipid siyang ngumiti. "Hintayin daw kita dito Savannah sabi ni sir. Sabay din tayong uuwe." Ngumuso ako. "Balak ko sana magstay dito at nakapagpaalam na ko kay inay Solis. Sige na manong umalis na kayo. Hindi ko naman tatakasan si Duke eh." "Hay naku! Hindi pwede yang gusto mo dahil ako naman ang mapapagalitan ni sir. Kung gusto mong magstay dito. Dito na din ako hangga't hindi ka pa umuuwe. Sige na, pumasok ka na sa loob at dito lang ako sa sasakyan." "Manong

