SAVANNAH "Tumigil ka!" Halos panlisikan pa niya ko ng kan'yang mga mata habang walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi. "Papatayin ako ni Failon Savannah kaya huwag kang magmamakaawa sa akin. Hindi mo alam kung paano nagkandaletse letse ang buhay ko!" Sigaw nito. "Tama na po! Please... Pakawalan niyo na po ako. Hayaan niyo na lang po ako makaalis dito," pagmamakaawa ko sa aking ama-amahan ngunit hindi ito nakinig dahil sinigawan lang niya ko. "Ano ako? Tanga!" Napaigtad ako. Nanginginig na ako sa takot. Ibang-iba na talaga siya ngayon dahil hindi ko inaasahan na magiging ganito siya sa kabila ng kabaitan nito ay biglang nagbago ang ugali niya. Kasalanan ito ni Failon. Siya ang may kagagawan nito kung bakit siya naging marahas na tao. "Please po... Pakawalan niyo na po ak

