DUKE Pauwe na kami ni Savannah sa mansyon. Dala pa din niya ang takot dahil sa nangyari sa kan'ya kanina. Paano na lang kung hindi ako dumating? Damn it! Hindi sana ito mangyayari sa kan'ya kung hindi ko siya hinayaang magpuntang mag-isa kanina sa kanilang bahay. Hindi ko alam na ganun na kalala ang lagay ng kan'yang ama. Hindi ko inaasahan na masasaktan niya ang kan'yang asawa na ngayon ay nasa hospital na ngayon kasama si Axel na siya ang nagbabantay sa kanilang ina. Napahilot na lang ako ng aking sentido. Kanina pa tunog ng tunog ang aking cp dahil tumatawag si Alona nang makita ko ito sa screen ng aking cp. Hindi ako nakapag paalam kanina nang umalis ako dahil naabala ang pag-uusap namin doon sa mansyon kasama ang mommy ni Alona nang bigla ang pagtawag ng aking driver na si Greg kay

