Chapter 85

1158 Words

"Pero Manang, kami na talaga... Ipagkalat mo, Manang, sa buong mansyon hanggang sa hardinero ha..." nakangiting wika ni TJ na tila ba nag-aanunsyo ng isang malaking balita sa buong bansa. Halos mabilaukan na naman si Ethan sa kanyang kinakain. "TJ! Ano ba 'yang mga sinasabi mo?" saway niya, bagaman may kasamang ngiti at pamumula ng pisngi. Natawa nang malakas si Manang, kitang-kita ang labis na katuwaan sa mukha nito. "Aba, oo naman, TJ! Makakarating 'yan sa kanila. Siguradong matutuwa ang buong mansyon, lalong-lalo na si Lolo Ricardo mo kapag nalaman niya ito!" "Naku, Manang, huwag muna kay Lolo," mabilis na singit ni Ethan, biglang naging seryoso ang boses pero may halo pa ring kaba. "Ako na ang personal na magsasabi sa kanya bukas pag-uwi niya. Alam mo naman ang matandang 'yun, baka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD