Nang mag-6:30 na, agad na lumabas ng kwarto si Ethan. Pero bago bumaba, kumatok muna siya sa kwarto ni TJ. "TJ..." tawag ni Ethan. "TJ?" pag-uulit niya. Dahil walang sumasagot, pinihit niya ang doorknob at dahan-dahang pumasok. Nakita niya si TJ na naka-headphone at nakadukdok sa study table habang tila nagre-review. Hindi alintana ng dalaga ang presensya ni Ethan, kaya dahan-dahang lumapit ang abogado. Ngunit laking gulat ni Ethan nang makitang bagaman nakabukas ang lahat ng notes at libro ni TJ, seryoso pala ang dalaga sa pagguhit. Idinodrowing nito ang isang lalaki na may nakasulat na "Ethan" sa itaas, habang kahawak-kamay ang isang babae na may pangalang "TJ", at may malaking puso sa pagitan nilang dalawa. Sa 'di kalayuan naman ay may iginuhit siyang dalawang babae na may nakasulat

