HIMAYA'S POV Mabilis akong lumabas para kunin si Elyssia sa kalsada dahil sa isang hindi pamilyar na sasakyang nakaparada hindi kalayuan sa bahay namin. Nauuso pa naman ngayon iyong mga nangunguha ng bata at nagbebenta ng laman-loob. Pagpasok namin ay muli kong nilingon ang sasakyan, hindi ko makita ang tao sa loob kaya lalo akong kinabahan. Mabilis kong isinara ang gate, saka ako bumalik sa tindahan. Habang nagbabantay ay muling bumalik ang sinabi ni Don Julian noong nakaraang linggo, uuwi raw dito si Jude. Siguro ay hindi pa siya dumating, pero sinong niloloko ko? Alam ko naman na kahit nandito siya ay hindi niya kami pupuntahan. Hindi na ako umaasa roon. Napabuntong-hininga ako. Simula nang malaman kong uuwi siya ay palagi ko na lang siyang naiisip. Kahit sa mga sandaling hindi ko in

