JUDE'S POV “Ano'ng ginagawa mo rito?“ I flinched when I heard the coldness in her voice. Gone was the trace of love in her eyes. Tanging galit at pagkamuhi ang naroon. For a moment, I asked myself if it was right to approach her today. Sa ilang araw kong pagtingin-tingin sa kanila mula sa malayo ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na lapitan siya. “A-Aya…” my voice started to break. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kanya. How? How can I start explaining everything to her? “Umalis ka na!“ mahina, ngunit mariin niyang wika. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin para marahil itago ang mga luhang tumulo sa mga mata niya, ngunit huli na ang lahat dahil nakita ko na ito. I saw how tears welled up in her eyes, and it breaks my heart. Parang pinipiga ang puso ko sa bawat hikbi na n

