SEVEN

2010 Words

HIMAYA’S POV “Ano’ng nangyari ro’n?” Napalingon ako kay Ella na nakatingin din pala sa pintuan kung saan kalalabas lang ni Jude. “Ewan ko ro’n. Baka tinotopak,” nakakibit ang balikat kong sagot bago ako nagpatuloy sa pagluluto. “Naku, ‘di ba magkasama kayo kanina? Baka naman may sinabi ka sa kanya na hindi maganda?” pang-uusisa nito. Sinubukan kong alalahanin kung may nagawa ba ako na ikasasama ng loob niya ngunit wala akong maalala, maliban sa pagtawa ko kanina dahil takot siyang sumakay sa kabayo. Hindi naman siguro iyon ang dahilan, ano? “Wala naman akong akong maalala na may sinabi akong hindi maganda. Hayaan na nga lang natin, baka naman may ibang rason kaya siya nagkaganoon,” saad ko. “Baka nga, bilisan na nga lang natin ang magluto,” anito. Mayamaya pa ay nakarinig kami ng i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD