JUDE'S POV When I came to fetch Aya that afternoon, she was so quiet. Her eyes were red and swollen, making me worry. Simula sa bayan hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik lang siya. Nakatingin sa malayo, at parang nasa malalim na pag-iisip. “Are you okay, baby?“ I tried to ask her, but she didn't say a word at all. She kept on staring far away. Hinayaan ko muna siyang mapag-isa. Dumiretso na lang ako sa kusina para maghanda ng hapunan namin. Pagod din ako mula sa pagsasaka kanina, pero hindi ko iyon ininda. Panaka-naka ay tinitingnan ko si Aya, pero katulad kanina ay nakatulala lang siya sa kawalan. Nagulat pa ako nang makarinig ako ng mahihinang paghikbi at nakita ko si Aya na umiiyak habang nakahawak sa kanyang dibdib. Ang sakit lang tingnan habang walang tigil sa pagbuho

