HIMAYA'S POV Madilim na nang magising ako at agad na hinanap ng mga mata ko si Jude. Nakapagtatakang wala siya sa loob ng bahay, ngunit nakahanda na ang hapunan namin sa lamesa na natatakpan lang plastic food cover. Kumuha ako ng sumbrero at lumabas ng bahay, doon ay naabutan ko si Jude na nakaupo sa ilalim ng maliwanag na buwan. May isang bote ng alak sa tabi niya at baso. Dahan-dahan ko siyang nilapitan, at noon ko napansin na malungkot siya. Sa buong pagsasama namin ni Jude ay siya palagi ang positibo sa aming dalawa, at ako madalas ang madaling sumuko. Ilang beses ko na nga ba siyang sinabihan na iwan ako? Na baka tama ang mga taong humuhusga sa amin? Pero sa lahat ng iyon, pinaramdam niya sa akin na walang mali sa ginawa namin. Na hindi maling mahalin namin ang isa't isa, at lalon

