“Hello pre, san ka?” bungad ni Dennis kay Greg. “Sige, sige. Pipirmahan ko mamaya pagbalik ko dyan… Hello, hello pre! Bakit, nasa labas ako eh may byahe kami. Bat ka napatawag?… Uy bilisan nyo dyan magbaba at may dadaanan pa tayo!” sagot ni Greg, di magkanda-ugaga sa mga kausap sa dalawang telepono habang minamanduhan pa ang mga tauhan. “Haha tangna busyng-busy ah. Ano lang pre, andito kasi si Pam samin–” “Ano?!!” gulat na sabat nito. “Bat andyan? At pa’nong nakarating dyan?!” Mula sa regular na tawag ay nagvideocall ang magkumpare upang mas lalong magkaintindihan. “Eh paluwas daw kanina yung family ng friend nya kaya nakisabay daw sya at nagpahatid na lang dito.” Nakakunot ang noo ni Greg, nalilito sa mga iniisip kaugnay ng negosyo na sinabayan pa ng pagluwas ng panganay nang wala s

