“Binabalaan ko kayo ha… WAG NYO KO TATARANTADUHIN! WAG KAYONG PAPAHULI SAKIN AT MAGKAKASUBUKAN TAYO!!” Madalas sumagi sa isip ni Diane ang mga linyang iyon na binitiwan noon ni Dennis. Kahit na nabigkas iyon dati ng asawa sa tauhan na kausap sa telepono, ramdam niyang may iba pang laman ang mga salitang iyon na patungkol sa natutunugan nitong namamagitan sa kanila ni Greg doon pa lang sa Batangas. Sising-sisi si Diane. Mali talaga na ipinagpatuloy pa rin nila ng kumpare ang kanilang ugnayan sa kabila ng pagdududa na ng kanyang mister. Dapat ay pinutol na niya ang lahat nung makaluwas na silang mag-anak pabalik ng Maynila. Ngunit kahit magkalayo ay tuloy pa din ang kanilang laro ni Greg kahit sa pamamagitan lang ng mga messages at tawag. Hanggang sa makakuha pa ito ng condo unit sa malap

