Pumasok ang Oktubre, ang birth month ni Diane. Patuloy pa din ang matabang na pakikitungo ni Dennis sa kanyang asawa. Pilitin man kasi niya ay sadyang hindi niya maibalik iyon sa normal dahil sa tuwina’y naaalala niya ang kataksilan nito na montik pang ikinapahamak ng kanilang anak. Ngunit hindi rin niya kayang lubusang tikisin si Diane lalo na sa nalalapit na kaarawan nito. Alam niyang dismayado ang asawa. Dahil kasi sa pandemya ay hindi na matutuloy ang noon pa nito balak sana na spa party para sa pagdiriwang ng kanyang ika-tatlumpung kaarawan. “Hon… advanced happy birthday.” “Oh? Ano to?” Nagtatakang inabot ni Diane ang puting sobre na hawak ni Dennis. Kahit may sama ng loob ay hindi naman makapaghintay ang mister na makita ang reaksyon ng kanyang asawa sa kanyang simpleng sorpresa

