Nanumbalik ang katahimikan sa School, Sa Tuwing naaalala ko ang mga nakaraan parang dinudurog ang Puso ko Hindi ko aakalain na magagawa ni Charl yun. Si Charl na kababata ko, Si Charl na kasabay naming lumaki ni Trevor, Si Charl na Pinag kakatiwalaan ko. Wala si Charl na Kaibigan ko! Wala na... Tuluyan na siyang nabaliw. "Kriogi" nagulat ako ng makita si Aires, Napaawang ang bibig ko at akmang mag sasalita ng yakapin niya ako ng mahigpit. "Kriogi, I'm sorry dahil wala ako sa tabi mo nung nangyari yun" humikbi siya matapos niyang sabihin iyon. Niyakap ko naman siya pabalik dahilan ng mas lalo niyang pag iyak. "Ayos lang" matamlay kong sagot. Kumalas siya sa pag kakayakap at pinunsan ang kaniyang Luha. "Akala ko ba Next Year ka pa uuwi?" Tanong ko. "Agad akong umuwi nung mabalitaan ko ang

