"KENDELL! AIRES!" Namamaos kong sigaw. "Kriogi, Hayaan mo na ang mga police na mag hanap sa kanila" sabi ni Yvo na pinapakalma ako. "Sa Gym daw nila huling nakita sila Kendell at Aires" balita ni Chase, Wala ng luhang tumutulo sa mata ko dahil kanina pa ako iyak ng iyak. "Kriogi, Umupo ka muna. Kanina pa tayo nag lilibot dito sa School" sabi ni West na hinihingal na din. Palubog na ang araw at hindi nila Maapila ang apoy sa Faculty dahil pati ang katabing Building ay nadamay, Sobrang Laki ng usok. "Kriogi, Anak" nilingon ko si Papa, Agad akong yumakap sa kaniya. "Papa" Basag ang boses na tawag ko kay Papa. "Papa, I'm sorry. Wala akong nagawa" umiiyak kong sabi. "Kriogi, Mag pahinga kana anak. Kami na ang bahala dito at Mag hanap sa mga kaibigan mo" nag aalalang sabi ni Papa, kumalas

