"Ate si Mama" umiiyak na sabi ni Brey habang buhat buhat siya ni Chase. "Shhh, Magiging okay si Mama" umiiyak kong pag papatahan kay Brey. "Paano siya titigil sa pag iyak kung ikaw iyak din ng iyak" dinaan nalang ni Chase sa Biro lahat para hindi kami malungkot ni Brey. Nag katinginan kami ni Chase ng Biglang may marinig kaming putok ng Baril, Parang tumigil ang oras ng marinig ko ang putok ng Baril. "Nabaril daw po si Ma'am" Rinig kong sabi ng Police. "HINDIIIIII!" sigaw ko at humagulgol na. "MAMA!" Humahagulgol kong tawag kay mama, hindi na ako nakapag pigilan at tumakbo papasok sa Bahay. Nadatnan kong hawak na ng mga Police si Tito Sancho, Si Mama naman ay duguan at pinag tulungan buhatin ng mga Police. "MAMA!" Sigaw ko at humagulgol, Lumapit ako kay Mama. "Mama" Nanginig ng sobr

